Gusto ko lang ibahagi ang post na ito
galing sa Facebook page ng Cubao Expo. Kung sakaling hindi mo alam
ang Cubao Expo na ‘yan, o kung gusto mo ng mas modernong pangalan
ay Cubao X, ‘yan ang dating Marikina Shoe Expo, isa sa mga tanyag
na lugar sa Cubao commercial district sa Quezon City.
Sa haba ng kwento ng pinost ng admin ng
Cubao Expo, na may pangalang Sandy ng isang shop dun na The Reading
Room, isa ang pinuntirya nito: kawalan ng disiplina.
Bilang isang manlalakad sa lugar na ito
sa halos buong talambuhay, nakakadismayang tignan na nagiging ganito
na ang mukha ng Cubao X, nawawala ang aesthetics, ang kahalagahan ng
kagandahan na inalagaan ng mga tao rito. As in vintage na nga kung
tutuusin, dahil sa ilansa mga shop rito ay nagbebenta ng mga bagay na
magbibigay-alaala sa mga nakarrang dekada mula vinyl hanggang
cassette tape, hanggang ibang antique na bagay.
Ito ang lugar na nagbibigay ng
bonggang-bonggang chill vibes (walang sinabi yung mga gimikan sa
Rockwell at Tomas Morato dito).
Siyempre, sino ba naman ang gusto
makakita ng hindi kaaya-ayang kapaligiran gaya ng nasa litrato ni
Sandy? Hindi tinatapon ang mga basura sa tamang lugar. Isang simpleng
senyales ng tangang Pinoy. Oo, tanga, lalo na kung may gana pa silang
magrekalmo sa gobyerno pero hindi naman sila sumusunod sa mga
alintuntunin. Explain mo sa akin kung anong klaseng kagaguhang yan,
aber.
Isa pa: ang graffiting wala sa lugar.
As much as naappreciate ko ang gawa ang ilang graffiti artist, ang
pagkakaiiba nila, yun ay art talaga, samatalang ito ay isang hamak na
pretentious art. Hindi lehitimong gangster o isang tunay na punk ang
may gawa nito kung tutuusin, mga jeje na punk siguro. Mga wannabe ba.
Halos walang pagkakaiba mula sa mga gunggong na nangdudumi ng pader
ng ilang kabahayan gamit ang pentel pen (Seryoso? Pentel pen
talaga?!) o kung hindi man yung plain na black paint lang.
At sa totoo lang, hindi lamang sa Cubao
X nagaganap ang ganito. Maraming lugar sa Pilipinas, in fact.
Tumingin ka nga lang sa paligid. Kung sa mga hindi bantog o sikat na
lugar gaya na lamang ng ating paligid ay ganito, what more pa sa mga
gaya ng Cubao X?
Maliban na lamang siguro kung nasa gaya
ng Eastwood, BGC, o Makati CBD.
Pero kung hindi hawak ng mga elitista
ang lugar, kung hindi hawak ng mga prestihiyosong real estate
developer ang teritoryo, ganito na lamang ba madadatnan natin?
Nagkalatang upos ng sigarilyo, basag-basag at nagkalat na basura, mga
tunay na “graffiti art” na gawa ng mga pretentious na jejemon, na
nagke-claim na sinusportahan nila ang sining?
Tigilian niyo nga ako. Tigilan niyo nga
ang kalokohang yan. Nakakahiya kayo sa eksena at kultura. Mas lalong
nakakahiya sa mga taong nagsilbi ng panahon gaya ni Sandy para sa
Cubao X.
Oo, nagiging modern nga ang paligid
natin, pero hindi naman ang ugali natin.
Tangina, nakakahiya kayo!
Author: slickmaster | ©2014 september
twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!