11/11/2014 05:01:09 PM
Talk about fatherly figure and at the same time, raketero.
Isang traffic enforcer ng MMDA ang pinarangalan ng dahil sa isang pambihirang gawain: pagtitinda ng kanyang kakanin sa oras ng... trabaho at nakauniporme?
Isang litrato kasi ang nagviral sa social media. (Saan pa nga ba nagiging ugat ng mga hindi karaniwan pero patok na balita, 'di ba?) At si Fernando Gonzales, 51 anyos, isang Traffic Enforcer 3 ng MMDA, ay nakunan ng isang pasahero na naglalako ng kanyang kakanin.
Ayon naman sa kanya, ginagawa ni Gonzales ang kanyang mga kakanin twing day-off lang. (Sabado at Linggo). Ngunit kapag Lunes hanggang Biyernes ay nasa pagiging traffic enforcer nakatuon ang kanyang atensyon.
Ito ang tanong: bakit siya nakauniform nung nagbebenta siya? Malamang, dahil ito rin ang panahon na kailangan niyang rumaket pa para dumagdag kita. Iniisip mo dahil sa sinabi niyang day off siya gumagawa ay kada Sabado at Linggo rin niya ito nilalako?
Sa iba pang mga traffic enforcer, nakakahiya raw ang kanyang ginagawa. Pero sa kabilang banda, hindi kaya mas nakakahiya ang mangotong sa mga drayber?
Sa pagkasikat ng kanyang candid na larawan sa internet, ay pinick-up ito ng mainstream media at naging laman ng mga balita.
Ayun, natakot yata ang kuya mo. Lalo na nung pinatawag ng MMDA. Sabagay, negatibo kasi ang konotasyon ng “ipinapatawag ka sa opisina” sa atin eh, lalo na't sa panahoin ngayon na uso ang mahusgahan ka kagad. Trial by publicity ba.
Pero hindi siya pinagalitan. Bagkus, hinangaan pa. Prionomote pa. Ayos ba? Sabagay, kung 20 taon ka nga naman nasa serbisyo, tapos di sasapat sa pag-aaral ng iyong dalawang anak ang kinikita mo bawat buwan ay maghahanap ka ng paraan para matustusan ito. At sa kabutihang palad, sa malinis na pamamraan niya ito ginagawa. Bagay na tama at nararapat lang naman.
Oo, pero yun nga lang, dapat malinaw pa rin kung pwedeng gawin ito na nakauniporme.
Buti nga siya, ganyang raket ang ginagawa e. Kung ikukumpara mo sa mga ungas sa hanay nila na nangongotong? Kaya dumudumi ang magandang imahe ng MMDA eh.
Kaya sa kabila ng medyo pagkasablay (actually, parang wala naman talaga eh), dapat nating saluduhan si Gonzales. Mabuhay pa rin.
Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!