Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

09 November 2014

Alaala Ng Sembreak

11/2/2014 2:18:59 PM

Semestral break, ang panahon na nagsasaya ang estudyante. Panahon ng panasamantalang bakasyon, at sana’y tumagal pa nun, dahil bitin ang isang linggo para sa elemtary at high school; samantalang sakto lang sa kolehiyo.

Alaala ng sembreak. Sa panahong masarap umuwi sa probinsya, sariwain ang preskong hangin at maaliwalas na tanawin.

Sa panahon na ang gusto mo lang gawin ay humilata sa kama, kakain kada oras. Kung mabisyo ka, tutungga ng alak. At kung galante ka, maglaro ng computer buong araw. Sa mga ordinaryong nilalang, ang pagnunood ng TV ay isa ring magdamagang libangan.

Alaala ng sembreak. Sa panahon na ang best friend mo ay hindi silang mga tao. Kundi ang iyong cellphone. Dahil mas mapapadalas ang text at tawagan mo.

At sa ngayon, ang pagpe-Facebook at Twitter buong araw ay isang malalifetime na gawain na. Lalo na kapag sembreak na. Gusto mong sabihin kung gaano kastress ang school life mo: mula sa terror na professor hanggang sa mala-major na minor subject.

Sarap ng buhay ano?

Mabuti pa ang mga estudyante, may sembreak. Tapos nagrereklamo pa sila na may pasok sa panahong mga trabahador ang mas nagigipit. Sabagay, hindi naman nila maiintidihan ang nadarama ng mga nakatatanda. Kaya hayaan na lang natin sila magsaya sa sembreak.

Alaala ng sembreak. Sa panahon mas nagkikita tayo sa labas ng eskwelahan. Sa panahon na nakatambay tayo kasama ang barkada sa kung saan-saan. Sa mga lugar kung saan tayo nagpapalipas oras pag tayo’y nagca-cutting classes sa eskwelahan.

Ayos ‘di ba?

Alaala ng sembreak. Sa panahon na pagod tayo sa pag-aaral, ay papagurin naman tayo ng ating mga magulang sa mga utos nila. Pero ganun talaga.

Alaala ng sembreak. Kung saan sa isang iglap ay nagagastos natin ang napag-ipunan nating pera mula noong nakaraang mga buwan. Bakit? Dahil wala tayong “baon” pag sembreak eh.Tama lang yun nanakakatipid magulang natin. Dahil likas tayong mga demanding kung manghingi pag school days eh.

Alaala ng sembreak. Maraming masasaya, pero marami ring masasaklap. Minsan, andyan ang sagutan, at andyan rin ang tampuhan. Namimiss mo ang mga kasama mo sa paaralan pero pag dumating ang mga araw, ay umaakot kayo na parang wala lang.

At walang masama dun.

Alaala ng sembreak. Ang panahon na mas dadalas ang inyong lambingan na walang makikialam o mag-aasar. Yun nga lang, lambing lang ha? Baka pagnagresume ang classes yang gelpren mo di na makapasok dahil… alam na. Usong-uso pa naman sa panahon ngayon ang babaeng version ni Anghelito, ang Batang Ama (dahil ang ilan sa mga lalakeng ito, kayang takasan yan eh).

Alaala ng sembreak. Dinaig pa ang kanta ng Eraserheads. Wow. Tama si Lourd, memories can be really a bitch, ika nga.

O siya, bukas, tapos na rin yan anyway. Lasapin mo na lang ang nalalabing panahon.
Dahil sa panahon na officialy tapos na ang semestral break, ika nga ng mga kontrabida sa palabas,  tapos na ang maliligayang araw mo!

Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!