Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

28 November 2014

Alaala ng Walkman

8/25/2014 12:37:54 PM

Habang nanunood ako ng Guardians of the Galaxy, may isang bagay akong mas napansin sa pelikula, at ito yung walang pakundangan na maaksyong eksena, na siyang tunay na astig talaga pag pinanood mo gamit ang IMAX. Ano ang tinutukoy ko? Ito lang naman.

http://behindthepanels.net/
Oo, ang isang astig na imbesyon halos tatlong dekada na ang nakalipias — and Walkman. Kung namuhay ka sa panahon ng iPod at mga MP3 player — Philipps man o gawang China, baka hindi mo na naabutan ito.

Actually, kahit naman ako eh, dahil 1978 naimbento ang prototype nito, at 1979 lang naman siya nung nailabas sa merkado. Sa panahon na ang Compact Disc ay isang mahiwagang bagay (at hindi “pag-ibig, gaya ng kanta ni Aldred Gatchalian noong 2006”), at ang cassette ay isa ring pagmamay-ari nng mga aritsokrata, ang Walkman ay isang status symbol.

Sa sobrang astig nga nito ay yung ibang appliance brand ay nagsiyahan na rin sa device na ito. Habang ang Sony naman ay may kanya-kanya pang pangalan gaya ng “Discman, “ Pressman,” “Scoopman,” “Talkman,” at “Watchman.” Ayos, parang si Tony Stark lang ah, nung naimbento niya ang kanyang premyadong Iron Man ay ipinangalan niyang Mark 1, hanggang sa umabot ito ng Mark XLII (Kala mo Extra Large na double-stick?! “42” yan, pare. Hindi ka kasi nakikinig sa Roman Numeral lessons n’yo sa Math dati eh).

Daig pa nito ang mga nagbobonggahang iPhone o yung ultimong mga cellular phone. At di hamak na mas hipster version kesa sa mga ghetto nun na literal na component na dala.

Portable kasi ito. Kahit saan, maari mong gamit. At hindi lang siya pangsoundtrip ha? Dahil ito rin ang alternatibo para magrecord ng mga interview o yung magrecord para magkate-down ka ng notes mo.
Bakit ko nasasabi ‘to? Malamang, dahil minsan rin naman sa talambuhay ko ay nakagamit nito at naenojy pa nga.

Pero ano na nga ba ang nangyari sa mga to? Wala na ‘to sa merkado ang bersyon na may casette tape ito. Noon pang Oktubre 25, 2010, actually. Yung ibang edisyon nito ay available pa rin.

Ang tanong: alam nga ba ng mga bata noon ang bagay na ito? Baka akala nila sa walkman ay literal na mamang naglalakad? (Which is obviously, ay isang napakatangang sagot).

Tingin ko, masasagot ng videong ito ang katanungan na iyun.


Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!