9/21/2014 5:45:19 PM
Sinasabing ang lungsod ng Marikina ay isa
sa mga mararaming lugar sa Pilipinas na palaging binabayo ng baha. In fact,
dahil nga diyan ay nagkaroon na ng stigma ang mga Pinoy pagdating sa lugar na
ito.
Pare 1: Saan kayo nakatira?
Pare 2: Sa Marikina.
P1: Pare, di ba binabaha dun?
P2: Oo.
Maliban pa ito sa isa pang nakakatakot na
potensiyal na West Valley Fault Line na mayroon naming kinalaman sa mga lindol.
Pero, bahain nga ba ang lungsod na ito, na
unang naitatag noong 1630 bilang isang municipal, at nagging ganap na siyudad
noong 1996?
Sa mga nakalipas na dekada, ang unang
bahalang na naalala ko nun na napakataas ay noong 1998, o kasagsagan ng bagyong
Loleng, kung saan pinasok ang bahay namin, at dahil diyan ay nawalan kami ng
kuryente ng eksaktong 24 na oras (oo, naalala ko na 1PM nagbrownout, tapos
kinabukasan ng 1PM din naibalik). Siyempre, suspended rin ang pasok namin nun.
Hapon nun (malamang, nung nagresume na ang
kuryente sa aming lugar)ay naalala ko pang nakunan ng video ng ABSCBN (Hoy
Gising yata yun o TV Patrol o yung News Advisory nila) ang sasakyan naming na
tumirik pa sa kung saang kalsada man yun sa Quezon City. Pero sabagay, wala
nang kuneksyon sa isyung ito ang aksidenteng iyun.
Kung tama ang ermat ko, na halos tatlong dekada
nang nakatira sa Industrial Valley, isang di kilalalng lugar sa lungsod ng
Marikina, may panahon daw nun na naging bahain ang lungsod ng Marikina sa loob
ng tatlong buwan. Sunod-sunod daw yun na lampas tao ang taas baha. Siguro,
particular na dito yung naganap nong 1987, kasagsagan ng bagyong Ruping.
Considering na mararaming lugar sa lungsod na ito ay dating taniman o tumana.
Pero maraming mga account din, gaya nung sa Wikiepdia ang nagsasasbing mas malala pa ang baha sa naturang lungsod noong
1967.
And then, nahalungkat ang history muli
niyan nung nagkaroon ng delubyong pangalan ay Ondoy halos limang taon na ang
nakalilipas.
Sumunod ang bahang dala ng bagyong Pedring
noong 2011.
Nasundan pa ng habagat na pinalakas pa ni
Bagyong Julie (Julie ba o Julieta? Pero sabagay, mapapabira ka pa rin ng
“Punyeta!”) noong Agosto 2012. Ang
nakakaloka at nakakatakot nun, dalawang beses pa ngang tumaas ang tubig-baha sa
lugar namin nun.
Ay, meron pa pala. Agosto last year ay
naging target na naman ng habagat ang arikina, nagdulot ng baha sailing mga
barangay sa naturang lungsod. PArang halos nakalimutan nito ang CAMANAVA area
na lagi ring tinatamaan ng baha, lalo na nung naibabalita ito nung kalagitnaan
ng nakaraang dekada.
Ngunit ang nakakatuwa sa lungsod na ito
ngayon ay at least natuto naman kaming mga residente. Kaya nagkaroon ng sistema
pagdating sa pag-alerto sa mga tubig-baha. Ganyan sana sa pangkalahatan, lalo
na’t nag-iiba na talaga ang panahon ngayon. Pucha, isipin mo ha? Ang simpleng
buhos ng ulan sa panahon ngayon ay nagdudulot ng grabeng pinsala sa kabahayan,
kabuhayaan, at ultimo sa sarili mong buhay.
Ito nga lang siguro ang mas nakadidismaya:
marami sa mga ulat ay sinasaklaw lang ang mga piling apektadong lugar, eh paano
yung mga talaga rin naming tinamaan ng bagyo pero hindi nabibigyan
ngmasyadongpansin gaya ng mga mabababang parte Barangka, Calumpang at ultimong
Industrial Valley? Naalala ko nga nun na habang nirereview ko ang mga ulat na
may kinalaman sa bagong Ondoy ay parang halos wala sa mga ulat na yun ang mga
kaganapan sa Industrial Valley.
Ay, meron ba? Kaso, parang ang dating kasi
ay para MEMAlang din (o may masabi lang).
Sana naman next time, hindi lang sa lugar
na ito, ha? Pati na rin sa iba pang mga bayan, lalawigan at lungsod. Kung
seryoso kayo sa hangarin niyo na ihatid ang mga balita, well, gawin niyo naman
sa lawak ng sakop niyo. May mga pakulo naman kayo sa ngalan ng “citizen
journalism,” ‘di ba?
Author: slickmaster | ©2014 september
twenty-eight productions
Nakakalungkot ngang isipin na marami na ngayong lugar ang binabaha. Hindi katulad noon na piling lugar lang... sana lahat makabangon kapag nakaranas ng ganito...
ReplyDeletenaalala ko tuloy ang unang beses na binaha sa amin.... dapat mag ingat at laging handa.....