10/02/2014 05:32:49 PM
(Ang pangalang nabanggit sa blog na ito ay pawang nagkataon lamang.)
As much as gusto kong mamasada sa mga
napapanahong isyu, ay... teka, dumating na naman ang tropa ko after
two years. Mukhang nanghihingi na naman 'to ng kasosyo sa bibilhing
alak, para maglabas ng sama ng loob (ops, hindi ito tae, ha?) na
parang two year ago lang ay ikinuwento niya sa akin.
“Hoy, Mr. Jerry Maya, bakit andito ka
na naman?” Pasensiya na, mga katropa at tingin ko ay mukhang
Biyernes Santo na naman ang tropa kong ito. “Yo, magpapasko na,
torpedo ka pa rin?”
Sagot naman ng katropa: “Pre, guess
what? Nagkatrabaho na ako. Nagkagelpren pero naging wala na ulit
kami. At nagkatrabaho na ulit ako, at marami akong nakilalang
chikas.”
Sumbat ko naman, “aba'y ano naman
ngayon? Dapat nga masaya ka na sa buhay mo eh, single, may trabaho,
napaliligiran ng mga babae. Dre, mas kahanga-hanga ka pa kesa naman
sa tulad ko na wala nang ginawa sa buhay kundi ilaan sa pagsusulat.
Pucha, baka mamaya niyan ako pa naglalapat ng sarili kong lapida ha?”
Jerry: “As usual, kahit may bagong
nakilala, balik na naman ako sa dati”
Ako: “Aba, may kuwento ka na naman
ha? Don't tell me same old shit 'to?”
“Hindi pre.”
O siya, sige, parang awa ko na
nga—tutunghayan sa ayaw at sa gusto natin ang kuwentong ito ni
Jerry Maya. At ang pinamagatan nito ay... (maliban sa mga literal na
pamagat nito sa taas ng post na ito) Strike 2.
Noong nasa isang division ako ng
opisina, wala akong katabi. As in loner ako sa aisle na ito. Kung
meron man dati, lalake yun. Ala namang pormahan ko yun, buti sana
kung bading siya. Eh kaso, three weeks, plus seven working days and
fifty-five working hours later, (ha?), may tumabi dito. Isang dilag.
Graduate siya sa isa sa mga eskwelahan sa isang university belt. Kaso
hindi sa Maynila, kundi yung isang U-belt sa Kyusi (teka, eh
Ateneo-Miriam-at UP lang ang andun ha?), shet pare. Fresh grad (ops,
hindi yung kasabihang “fresh-na-fresh ha?”) pala. Pareho kami ng
posisyon sa trabaho. Kaso sa ibang beat ang assignment niya.
Ako: “Teka, pucha, media ba itong
pinasok mo? Doon lang ako nakakakita ng beat.”
Jerry: Wag ka nang humirit,
slickmaster. Patapusin mo muna ako.
Ako: Walanjo. O siya, tuloy mo, Jerry.
Eh kaso, nareassign ako pansamatala.
Hiniram ba. Kay sa totoo lang, pumupunta lamang ako sa lumang desk ko
para ilagay ang gamit dahil puno na rin ang locker ko at nakakatamad
mag-uwi ng basura sa bahay.
Minsan, sa hindi sinasadyang
pagkakataon, nagpang-abot kami, pero hindi yung nagpang-abot na may
halog emosyon ng galit ha? Yung nagkita lang kami sa parehong desk
namin. Paalis na siya nun, ako naman nag-aayos ng bag ko. Sabay bitaw
ng “ingat” sa akin at napasagot rin naman ako ng salamat. Sabay
napataka “teka, bakit mag-'ingat' ako? Sino siya para sabihan ako
nun?!”
Slickmaster/Ako: Puwedeng humirit,
Jerry D' Torpe?
Jerry: Tanginang nickname na yan. Siya,
sige.
A: 'Di ba sinabihan ka ng ingat?
J: Oo.
A: Nagtaka ka naman?
J: Oo!
A: Eh loko, buti nga kahit hindi mo
ka-close eh sinasabihan ka nun eh. Tignan mo kaya yung mga
magkakaaway sa mga teleseryeng pinapanood mo — oo, ikaw lang, wag
mo kong idamay.
J: (interrupting) eh bakit mo alam?
A: Basta! Anyway, tignan mo yugn
magkakaribal nagsasabihan din ng “ingat.” Tapos yun, ginagawa mo
nang big deal?
J: Oo.
A: Aysusginoo. Siya, tuloy ang kuwento.
Dali!
Ayun, naging nagkakaasaran kami minsan
pagnagkasalubong. Minsan, napapahaba ang usapan. Alam mo yung feeling
na nagiging malapit kayo sa isa't isa pagkatapos ng maikli pero
makulay na usapan? (Humirit ako: “Hindi! Ay, sorry, sige, tuloy mo
lang. Tanong kasing yan eh!”) Parang ganun!
Tapos nagkahingian kami ng numero, ng
facebook, ng chat id sa Viber, WeChat, Kakao Talk (Napahirit na naman
ako sa isip ko: Taray ah! Lokong 'to, parang ayaw mong lubayan ang
bruha.”), hanggang sa nagkakaroon kami ng pagkakataon na sumabay sa
lunch break, hinahatid pa siya pauwi.
(Napahirit ako once again: “Well,
sabagay, gentleman ka nga naman, ano? Walang masama dun. O tapos...”)
Jerry: Ayun, naging close lang kami. Eh
may tanong lamang sana ako.
Ako: Yun lang naman pala eh. At may
sagot ako dyan, sige, ano yan?
J: Gusto ko sana ligawan siya eh.
Kaso...
A: Teka, hindi naman tanong yan ah.
Pero, ano yang pahabol mo?
J: Mukhang may kasintahan na eh. Minsan
nadatnan ko sa desk niya (nasa isip ko lang: Hoy, Jerry, pati ba
naman sa opisina ay nadadala mo ang habit mo sa computer shop na
mag-comsat?) may kausap na lalake. Minsan nakasabay ko na siya lately
ay may naghahatid na sa kanya. Hindi na rin kami masyado
nakikipag-usap.
A: Ganun? Yun ba ang problema?
J: Oo, ikaw naman.
Sige, ayan mga kaibigan, narinig na
natin ang panig niya. Ito lang ang siguro sa akin. Dahil nanghihingi
siya ng opinyon, pasensyahan tayo, pare ha? Ayun lang. Umandar ang
katorpehan mo. Kung gusto mo na siya since day 1 na nagkita kayo, eh
si sana nangilatis ka na rin. Pagdating sa pagpili ng partner,
nagiging FBI o NBI tayo. Nagiging imbestigador, o dili naman kaya'y
yung asensadong bersyon ni Detective Zenegata o ni Conan.
Sa madaling sabi, sana noon paman,
inalam mo kung may nanliligaw sa kanya. Eh paano yan, huli na ang
lahat, mas masakit kaya nang bonggang-bongga yan. Maaring makatulong
ang pagtatago ng feelings natin para sa isang tao pero sa maniwala ka
man o sa hindi, in a long run, yan din ang papatay sa tiyansa mong
magkalovelife.
Ang pag-ibig ay parang kantang Bobo
Song ni Loonie. I mean yung isang linya mula doon na “wala pang
nananalo sa Lotto, na hindi tumataya.” Ibig sabihin, nito ay
malamang walang mangyayari sa buhay mo kung hindi ka gagawa ng
hakbang. Ika nga sa Ingles, you have to take a risk. The mere fact na
nagtatago ka lang sa comfort zone mo, walang man mangyaayring pangit
sa buhay mo, pero at the same time, wala ring magandang mangyayari sa
buhay mo.
Noong dos-mil-dose parang pareho lang
ang sitwasyon na pinag-usapan antin, 'di ba? Nahihiya kang
makipag-date sa isang babae na gusto mo, pero umalis na pala
pa-abroad. Dude, sorry to tell you ha? Pero same old shit lang ang
nangyari sa 'yo.
Two years, pare. Hindi ka pa natuto?
Ano mas gusto mo: mabuhay ka nang
malaya kahit sa kabila ng iyong pagkadapa (dahil nga sa nalaman mong
taken na siya) o ang mabuhay na may pighati at pagsisi sa puso mo
dahil sa hindi ka nag-try?
Again, yan po ang kuwento ng aking
tropa na hindi ko na po itatago (dahil nagpakita muli siya na para
bang Halloween ghost) na si Jerry Maya.
Ngunit bago tayo magtapos, aba'y ano pa
bang bago sa ganitong kuwento, hindi lang sa kaso ng tropa kong ito
ha? Generally, marami sa kaibgan ko pag nakaranas sa pag-ibig ay
talaga namang nagiging isang “lunatic.” Ayaw konggamiting ang mga
gaya ng “morn,” “idiot,” o sa Tagalog “tanga,” o “bobo,
dahil sa totoo lang kasi kahit gamitin pa natin sa argumento na gamit
din kasi ng utak pag may time,” eh wala rin eh. Mas pinapairal ang
puso talaga pagdating sa pag0ibig, masaklap man na katotohanang ito.
Sa madaling sabi, kung may natutunan
man tayo sa muling paglulupasay ni Jerry ay yung tipo na madalas ang
siklo sa pag-ibig ay paulit-ulit lamang. Yun lang. Corny no?
O siya, tapos na muna ang pasada at
kailangan pa yata ng mokong na 'to ng kasamang tumoma.
Author: slickmaster | ©2014 september
twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!