Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

14 November 2014

"Answer"

11/10/2014 02:48:17 PM

Isa sa mga iniidolo ko sa basketball noon ang mamang ito. Oo, maliit lang, pero tangina, astig naman. Straightforward pa.

Oo, si Allen Iverson.

Numero unong draft pick noong 1996, isa sa mga astig na draft class sa kasaysayan ng NBA (dahil kinabibilangan ito ng mga gaya ni Marcus Camby, Derek Fisher, Zydrunas Ilgauskas, Ray Allen, Peja Stojakovic, Jermaine O'Neal, Steve Nash, Antoine Walker, Stephon Marubry, Erick Dampier, Lorenzen Wright at Kobe Bryant.

Nananlo ng MVP, naging All-Star, naging piloto ng Philadelphia 76ers sa NBA Finals noong 2001.

At kahit sa kabila ng mga on at off-court issues, isang bagay ang dapat mong hangaan sa mamang ito: straightforward attitude.

At napansin ko rin naman yan sa isa sa mga sagot sa kanyang press conference nung andito siya sa manila last week.

Hindi raw niya alam na marami siyang tagahanga sa bansang ito.

At walang masama dun. Wag mo naman kasing asahan na makikilalal ka ng buong mundo kung ang hangad mo naman sa iyong karera ay maglaro. Gaya ng sinabi niya na magsisilbing abiso niya para sa mga balak sumunod sa kanyang yapak. Wala sa practice yan. Nasa pagiging pursigido yan.

“Play the game as if your last. Always go hard!” ika nga niya.

Ang simple, 'di ba? Huwag nga lang tumulad sa kanya, ika nga rin niya.

“There can be a Filipino (cager) better than Iverson. I don’t want nobody to be the next me. I want to see somebody who is going to be better than me. As long as they put it the work… anything is possible.”

At sa pagiging straightforward niya, hindi siya sumipot sa piling programa. Ayon sa kanyang agent, fatigue ang nagiging pangunahing dahilan. Oo nga naman. Give the guy a break, hindi kaya madaling maging celebrity skahit sa larangan ng sports. Wala kang karapatang maging upset kung hindi siya sumipot sa palabas ni Tito Boy at ultimo kay Aleng Maliit.

Kayo kaya pumalit sa pwesto niya? Hindi sapat maging excuse ang pagiging public figure ha?

At kahit ganun man ang naging turnout, tingin ko babalik naman sa Pinas to soon e no? Hindi nga lang para maglaro.

Pero anyway, at elast nakuha nyo na ang sagot. Oo, literal na The Answer.

Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!