Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

10 November 2014

Chasing MISSteryosa

11/1/2014 3:10:05 PM

Isa kang kakaibang nilalang. Hindi ka ordinaryo. Bagkus isang espesyal. Espesyal sa mata ko, at hindi ito pagkain o ni produkto. At lalong hindi sa kamalaya ng ninuman (maliban na lang siyempre sa iyong mga kaibigan at magulang). Kung bakit ganun? Aba’y ewan —Hindi ko rin maipaliwanag.

Sino ka ba? Anong klase ka bang tao? Sa linis ng budhi mo, mapapagkamalan na kitang buhay na santo. Napakabait na nilalang, sa mundong punong-puno ng mapagsamantalang hangal. Siguro nga isa ka sa mga “totoong tao” na aking hinahanap.

Hindi ko man dapat pakialaman ang iyong pinanggalingan, pero patawarin mo ko pagkat ako’y nagagalingan. Aba, sa simpleng tingin mo lang ay parang sinindak mo na ang kasigaan ah!

Sa dapit-hapon na maadatnan kita, gustokong maging suplado. Pero nung binulungan mo ko ng ingat, nakalimutan ko ang pagiging maangas sa sarili ko. Tablado! Sabay wika ko ng “salamat” at “ingat din” pabalik. Pero ilang segundo makalipas nun, napataka ako na parang tanga lang. Ano ang aking ibinunganga? Parang di ‘to galing sa aking ibinubuga. Sabay lumalim ang tingin at napangiti na lang na parang ewan.

Lumipas ang ilang araw, nagdaan na rin ang mga linggo. Nanatiling wa-pakialam pero, ewan, nakakatuliro. Nadagdagan ng pagbati, kamay man o salita. Pero nawawari pa rin ako sa tila bagong salita sa aking pangingin. Ayokong magkaroon ng pagtingin. Mahirap mahulog sa bangin na kung tawagin nila’y pag-ibig.

Bumilis ba ang panahon, o nagiging mainipin lang talaga ako? Parang dati hanggang ganun lang bigla nalang naging close tayo. Ano bang meron ka? Wala ka naman sigurong gayuma ano? Kulang na lang ay sabihin ko, “ano shinotgun ako pa lang magkaroon ako ng tama sa ‘yo?”

Basa mo na ako siguro mula ulo hanggang paa, kahit ang nasa paligid nati’y mula ulo mukhang paa. Dahil sa pormahan pag may pusang naliligaw, may mga asungot na pasimpleng nakikisawsaw. Pustahan, diyes sa onse beses ay inaalam nila kung kakain ba ako ng palitaw para sa iyo, o sadyang naiinnggit sila dahil madalas ay nagkakasabay na tayo.

Sa kabila ng lahat, tunog man na nagpapanggap ay isa ka pa ring misteryosa sa aking mata. Na gusto ko pang makilala, at gusto pang makasama. 

Well… Malay natin, ‘di ba?


Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!