11/10/2014 05:59:47 PM
Sige,
magdebate kayo. Tama yan. Ubusin niyo ang oras, salapi at iba pang
resources ng Senado para sa jeskeng debate na yan.
Kaya
nga debate di 'ba? Dahil hindi sila magkasundo. At pustahan,
pagkatapos ng usapang ito, hinDI parin sila magbaBATI. Parang mga
punggok lang. Ano pa bang silbi ng mga usapang ito? Para maiexpose
ang dapat maiexpose? E di ba nagawa na ng media yun?
Teka,
bakit kasama pa ang KBP dito? Tangina, taray. Live on national
television pa pala ang mangyayari. So daig pa nito ang mga naganap na
presidentiable debate noong nakaraang 2010 elections. Naalala niyo ba
na kada auditorium yata ng mga eskwelahan nun ay kinocover ng mga
sikat na media network paratalakayin ang mga sari-saring paksa nun sa
ngalan ng kapangyarihan at boto ng tao.
Halos
may pagkakahalintulad sila. Pati na rin yung impeachment trial.
Sa
senado ba ang venue? Kung ganun, tangina, parang bias ang magiging
datingan nito. Malamang, bise-presidente nga ang andun, ikalawa sa
pinakamataas na pwesto sa ehekutibo. Pero ang senado ay
kinabibilanganan ng mga pinakamataas na posisyon sa larangan ng
lehisalatura. At pareho silang parte ng sangay ng ating pamahalaan,
kabilang ang huradikatura.
Parang
isang preso na hinahatulan sa korte ang datingan. Pero ano nga ba ang
pinaglalaban ng mga 'to? Katiwalian? Mga kontrobersyal na ari-arian
gaya ng gusali sa Makati? Ang cake na pagkasarap-sarap? Ang hasyenda
sa Batangas? Ang “dummy?”
Tangina,
sa totoo lang. Parang kayo-kayo na lang nasa larangan ng pamahalaan
ang magkakaintindihan ah. Kaya di na rin kataka-taka kung sa kabila
ng mga taong nakikibaka laban sa korapsyon, may mga tao na rin na
pipiliing maging neutral o walang pakialam. Hindi dahil sa ayaw
nilang labanan ang problema, kundi dahil sa nagkakandaleche-leche na
ang lahat. Sa kung saan-saang sirko na umiikot ang kwentong ito. Sa
punto na parang hindi mo na rin maiintindihan ang lahat.
Sana
nga lang, sa a-27 ng Nobyembre, magsiayos kayo ha? Ipaintindi niyo sa
madla kung ano ba talaga ang signipikasyon ng usapang ito? Kung bakit
siya mahalaga? Lalo na't sa darating na dalawang taon ay maghahalal
na naman tayo ng bagong mamumuno sa ating bayan.
Oo,
tangina, nakapanlalabo lang!
Author:
slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!