Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

15 November 2014

Kid Rockers

8/10/2014 12:25:17 PM

Halos tatlong buwan  ang nakalipas (base sa panahon na paglimbag nito), ito ang naging mainit na usapan: Lyca o Darren?

Ang daming may kumento. Ang daming may ‘say.’ Karamihan, naging instant music guru o critic. Walang masama dun. Isa tayong malayang lipunan eh.

Nanalo si Lyca sa palabas na The Voice Kids (and ironically, nairita lang ako sa way ng pag-anunsyo nito dahil sobrang lame ng isilo ng pagbanggit ng desisyon), at isa kanyang mga kalaban dun ay ang kasamahan niya sa Team Sarah na si Darren.

Maraming nagsabi, mas deserving si Darren kung talent ang usapan. At true enough mas standout nga naman siya kung tutuusin. Ang tinitignan nila ay may-kaya kasi ang pamilya ng batang lalake. At dahil sa pagkatalo ay spekulasyon raw na babalik ng Canada si Darren. Pinabulaan naman ito. O, ano naman ang ipinaglalaban at pinagmumukmok n’yo?

Ngunit kung tutuusin, hindi rin maa-underestimate ang performance ni Lyca. Napakatindi ng boses sa ganung edad. Terrible, ika nga. Sabi pa nga ni Lea, parang si supersat Nora Aunor ang datingan ng kanyang pagkanta. So, kung kuro-kuro lang naman ang usapan, ano ‘to? Dahil sa premyo kaya siya nanalo?

Pero para namang sabihin na ganun nga ang dahiln ay isang malaking unfair. Hindi makatarungan. Pareho naman silang magaling eh. Nasa pagboto na rin yan kasi. Mas trip ng tao ang mga magagaling na tao na galing sa kahirapan. Dahil likas tayong mahihilig sa underdog. Tignan mo na nga lang ang ibang tao na umahon sa hirap sa pamamgitan ng kani-kanilang mga angking talento. Siguro, maging inspirasyon na lang sana ito para saiba na gayahin na lang si Lyca (though kahit hindi sa pagkanta), kundi sa pamamagitan ng pagpursige sa pangarap na makamtan ito. Oo, ganyan sana, sa halip na lumandi ka dyan at magpakawannabe gangster.

Matapos ang lahat ng ito, ano ang mga implikasyon nito sa ating lipunan? Na mas magandang mapansin ang mga talent sa pagkanta pag sila’y bata pa. sa parehong pagkakataon, mas maganda na iharap silasa mundo na taas noo sa kabila ng mga disappointement possible nilang kasadlakan.

Saka isa pa: mahihilig kasi tayo sa bata eh. Aminin natin. Ang dikta ng popular na kultura sa atin at sa panahon ngayon ay nakadepende sa kung ano ang panlasa ng isang bata. Walang pakialam ang iba sa sinumang magsasabi ng “pangit yan!” Dahil hindi naman sila ang huhubog ng gawa at ang kikita ng pera.

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!