11/1/2014 2:48:39 PM
Real talk lang. Bagamat minsan naniniwala ako namay mga bagay na napakamisteryo na hindi basta-basta maipaliwanag ng siyensiya.
Pero sa totoo lang, hindi ako ganun kapanatiko ng mga nakakatakot na palabas, telebisyon man o pelikula.
Teka, pero ang ispiritu ay buhay naman iyun ah. Kaya nga sila nagpaparamdam, di ba?
Kanya-kanyang paniniwala yan. Bagamat masasabi ko na “oo.” At may dahilan sila kung bakit sila nagpaparamdam. Malay mo, hindi naman sila naghahasik ng lagim ghindi gaya ng mga pinapakita sa karamihan ng mga pelikula. O malay mo, gaya lang nila si Caper, na mahilig makipag-kabigan. Ikaw naman kasi eh: pinapauna mo ang kaba mo kesa sa isipan mo.
Malay mo, may mga mensahe sila na gustong ipahiwatig sa mga mga nilalang na buhay ang katawan, isipan, kaluluwa at kamalayan. Ika nga, lahat ng bagay ay may dahilan, kahit sa simpleng “wala lang” pa iyan, (ayon naman sa isa sa mga kaibigan ko).
Ngunit, mas matakot ka sa buhay kesa sa patay. Saniban ka man ng espitiru, may kulam man, wala pang mas hihigit pa sa mga taong buhay na buhay na may kakayahang manindak, manamantala, at lalo na ang kumitil ng buhay.
Mas matakot ka sa buhay kesa sa patay. Natatakot kang maglakad mag-isa sa gitna ng palayan sa dis oras ng gabi dahil baka may “magparamdam?” Mas matakot ka kung hindi mo namamalayan kahit sa sobrang liwanag nan g buwan ay may ahas pala na gumagapan papalapit sa ‘yo. O kung mas asong tumatahol na para bang nauulol at hahabulin ka pag ikaw ay tumakbo.
Mas matakot ka sa buhay kesa sa patay. Nag-iisa ka sa bahay, sa oras ng alas-tres ng madaling araw, at may naririnig kang yapak sa sahig malapit sa iyong kwarto. Yun lang. Ingat ingat lang dahil baka sa halip na multo nga ang iyong pakiwari ay may kupal na akyat-bahay pala ang lumalapit sa iyong paligid.
Mas matakot ka sa buhay kesa sa patay. Ang multo, kaya ka mang takutin, patayuin ang balahibo at pawalain ang malay mo. Pero ang buhay, maraming posibilidad, lalo na sa panahong naglilipana ang mga mapagsamantala. Kaya kang saktan sa parehong pisikal, emosyonal at sikolohikal na pamamaraan. Bagamat mas naipapaliwanag ito, patunay lang din na mas paniniwalaan din ito ng tao.
Pero hindi mo pa rin maisasantabi ang mga “paramdam.:
Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!