Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

10 November 2014

Mga Bagay Na Dapat Mong Isipin Bago Ka Lumandi...

5/13/2014 6:43:46 AM

Wala na tayong magagawa. Ito na ang panahon na kung saan ay mas mananaig pa ang mga makamundong bagay kesa sa mga bagay na makapagpapabuti sa kanila. Mas mahalaga pa nga sa kanila ang mag-selfie kesa sa kumain eh.

Pero siyempre, hindi lahat ng kabataan ay magkakatulad. Parang mga lalake sa manloloko, at mga rakista, hip-hopista o alinmang miyembro ng underground society sa pagiging tirador ng ganja at takaw-away. Ang alinmang akto ng pag-gegenralize sa kanila ay isang malaking katarantaduhan, este, mortal na kasalanan hindi lamang sa aspeto ng pormal paglalahad at journalismo, kundi pati na rin sa personal na pananaw.

Sa madaling sabi, hindi lahat ng mga kabataan sa panahon ngayon,ay malalandi. Dahil meron pa rin naman yung mga tipong inaatupag ang karera (pagtatrabaho) at pag-aaral kesa sa manood ng mga teleserye, magpakajologs, at  gamitin ang telepono at Facebook bilang pang-hook sa mga opposite sex.

Dahil alam nila na may direksyon sila sa buhay. Kaya bago ka lumandi, siguraduhin mo muna na:
Mananatili kang seryoso sa mga bagay na dapat pang seryosohin tulad na lamang pag-aaral. Hindi man masama ang makihalubilo sa opposite sex at magkalovelife, pero alalahanin mo rin ang gastos ng magulang mo pagdating sa pag-aaral.Buti sana kung ikaw gumagasta dyan, at baka maintindihan pa namin ang argumento mo.

Ka-close mo ang parents mo. Ibig sabihin, hindi kayo nagtuturinga na parang master at slave, kundi parang magkakaibigan din talaga. Ganun ba sana ang pamilya, ‘di ba? Yung tipong mapaparamdam sa iyo na hindi ka nag-iisa kahit ano pa mang kamalian ang nagawa mo?

‘De. Ang punto ko, wag kang lumandi for the sake na magrerebelde ka. Kasi alam ko, sa panahon ngayon na talaga namang magiinit talaga kung magkrus ang landas nyo pareho pagdating sa usapin na ganyan. Let’s face it: magkakaiba ang pananaw n’yo sa ayaw at sa gusto mo. Communication is the key, ika nga; kaya mas mabuti pa rin na pag-usapan ang lahat. At… kung ganunlang din.

Dapat matuto ka munang tumayo sa sarili mong paa. Hindi ito literal ha? As in tulad nung sinabi ko sa nauna,dapat seryoso ka. At kung seryoso ka, dapat nakatapos ka na ng pag-aaral o nakakapagtrabaho ka na. Lumalandi ka nga, wala ka namang pera. Ano ka, palamuning parasite?

Hindi ka baduy. O jologs, o jejemon. Hindi ka trying hard nama-fit sa isang bagay na hindi naman nararapat talaga para sa iyo. Parang pinagpipilitian mo ang sarili mo na suotin ang isang pantalon na hindi naman talaga akma sa size mo. Lugar-lugar din pag may time.

At madalas, ang pagiging jejemon ay isang patunay lamang na isa kang “wannabe” na tao, hindi lang sa antas ng pagiging gangster. Oo, kung lalandi ka lang, maging natural na “cool” ka, hindi yung feeling cool. Magkaibang-magkaiba yun na parang pagkakaiba lang ng isang lehitong gangster sa isang wannabe na jejemon na walang inatupag kundi pakunggan ang musikang tunog jeepney, gumamit ng excessive na salita bilang pangalan sa Facebook, at magsuot ng oversize pa kung ikukumpara sa mga ghetto sa West Coast.

At pinakahuli sa lahat – umayon ka sa itsura mo. May kasabihan man na “daig ng malalandi ang magaganda,” mas okay pa rin kung maganda ka at the same time. At least, hindi ka ganun kapintasan. At sa totoo nga lang, mas okay pa yung baboy (o mataba) kesa naman sa hipon (ganda nga ng katawan, patapon naman yung ulo).

Masyado bang mahirap? Natural, dahil wala namang bagay na dumarating ng pagiging madali. Kaya kung gusto mong lumandi, siguraduhin mo muna na may K kapara gawin yan. Mahirap na magsisi, hijo’t hija.

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!