Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

01 November 2014

Sadistang Banta

09/09/14 06:28:10 PM

(Ang sanaysay na ito ay naglalaman ng isang matinding bugso ng emosyon.)

"Sa totoo lang. Wala akong pakialam. Wala sana akong pakialam sa mga nangyayari, basta wala akong ginagawang masama.

Hanggang nagpakita ang mga demonyong tulad niyo. Akala ko nananaginip lang ako. Akala ko isang bangungot. Akala ko isang gag sa comedy show o isang masakit na biro.


Sa totoo lang, tingin n'yo ba ganap kayong tao kapag may naaagrabya kayo? Sa palagay mo ba magiging ganap kang lalake kapag hawak mo ang baril yan, lagyan ng tingga, at kalbitin sa isang tao para lang makuha ang kanyang pitaka, pati ang kanyang bag?

Alam ko, mahalaga ang buhay kesa sa gamit. Nakikita pa yan. Ngunit alam ko rin, kung gaano katindi naghirap ang mga tao para lang makuha ang kanilang inaasam sa buhay. Kaya sa totoo lang, sino ka para ipagkait yan sa kanya, nakawin yan, at kung hindi papayag, kitilan ang kanyang buhay?

Ikaw ba ang nagpalamon sa kanya? Ikaw ba angluwal? Sa sinapupunan mo ba yan nanggaling? Ang ina ba niya ang kalampungan mo nun nung nabuo siya?

Alam ko, patapon ang mga buhay niyo. At kung ganun lang naman eh di sana naging basurero na lang kayo. Oo, patapo ang buhay niyo, kaya literal na kumakapit kayo sa patalim.

Alam ko rin, na ang bulok na dahilan na nagtulak sa inyo na gawin ito: kahirapan. Patunay lamang na hindi patas ang mundo.

Pero putangina, hindi dahilan yan para manamantala ka sa kapwa mo.

Ah, hanapbuhay ba? Hanapbuhay na pala ang mamerwisyo ng tao? Sabagay, lahat naman kasi ng gawain sa buhay ay may kanya-kanyang kalakaran talaga. Pero kung may mga tao lang naman na business ay mabasag ng trip ng tao, may mga tao rin na mahilig mambasag ng mga taong basag-tip. Minsan nga, basag mukha ng nantrip pa ang kaya nilang gawin, o mas malala pa.

Hindi ito si Tony Starks, na nagbato ng banta live sa worldwide telvision dahil sa nangyari sa kanyang kaibigang si Happy Hogan, na malamang ay naganap sa kanyang ikatlong pelikula. Bagkus, isa 'tong boses at banta mula sa isang tropa, isang kapatid, na naghahanap ng hustisya para sa kanyang tinuturing na utol.

Pero alam ko, isang bagay na patama sa katotohanan... duwag ka. Duwag ka na nagtatago sa sandatang may kakayahang bumawi ng buhay. Duwag ka dahil sa motorsiklo mong takot maplakahan.

Sabagay, sino ba naman ang lalaban ng patas? Alam ko ang sentimiyento mo. Alam ko rin kung paano tumatakbo ang utak ng isang mapagsamantalang tulad mo. Alam ko ang pilosopiyang “kung gusto mong manalo, hindi mo kailangan kumalaban ng patas. Simple lang: kailangan mong lamangan ang kaaway mo.”

Oo, ganun kasimple ang kalakaran sa buhay: if you can't beat them fair and square, play the dirty way, ika nga.

Darating rin ang karma, at huwag kang mag-alala pag dumating yun. Dahil isa ako sa mga karmang tatama pabalik sa 'yo pag nangyari yun. Kaya ipanalangin mo na lang na huwag tayong mag=krus ng landas."


Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!