Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

15 November 2014

"Save Literature" Your Face!

11/1/2014 6:25:14 PM

Nakakaloka lang.

Save literature?! 

Weh? Seryoso kayo d’yan?

Sa panahon ngayon na dumarami ang mga manunulat at mga nalilimbag na libro, "save literature" pa rin ang panawagan niyo?

Anong kagulahan ito ha?

Siguro, dahil ba ito sa mga mga naglipanang mala-pocketbook dala ng Wattpad? Dahil ba sa mga librong panay one-liner lang ang nilalaman kada pahina?

Ito ang problema: Is Philippine literature dead nga ba? Saan nga ba binase ng mga ‘to ang kanilang pananaw na i-save ang literaturang hindi naman talaga patay in the first place? Sa sales ba? E bumebenta naman ang mga libro ngayon ah. In fairness.

Siguro nagkakatalo sa taste o preference ng tao. Dahil siyempre, isang basic “wants-versus-needs” ang mala-theroetical na usapan na ito. Siyempre, gusto mo magbasa ng libro para maliban. Gusto, o wants. Maliban na lamang kung sa mga seryosong bagay ang interes mo; mga bagay na kailangan mong malaman. Mga detalye at impormasyon na tila magpapakain sa iyong utak, puso, kaluluwa at kamalayan.

Dyan siguro tayo nagkatalo. Siyempre, gusto ng tao ang kiligin. Dahil nga naman, mabenta ito. Romance sells, kaya nga lagi madalas kayong (oo, huwag niyo ko idamay; madalang lang akong pumatol sa ganyan) nauuto sa mga telenovela, rom-com at mga kwento sa Wattpad, o kung makaluma ka man, yung pocketbook na gaya ng Precious Hearts Romances.

Save literature? Sigurado ba kayong patay na ang bagay na ginagalawan niyo?

O sadyang hindi lang tayo marunong mag-appreciate ng mga bagay-bagay? Yan ang napapala natin kapag masyado tayong nagpofocus sa mga mababaw na bagay.

Save literature ba kamo? Eh kung gayahin niyo kaya yung ibang mga bata (o sabihin na nating mga bookworm) na magbasa rin kayo ng mga seryosong libro.

OO, gusto niyo ng real talk? Ito lang yan eh. Kung gusto niyo talagang buhayin ang Philippine literature, which is obviously hindi naman patay o ni naghihingalo in the first place, eh simulan ninyong magbasa ng mga totoo at pisikal na libro. Baka sakaling kainin niyo pa ang mga sinabi niyong #SaveLiterature na yan. Baka marealize niyo na since time immemorial ay may literature na talaga tayong pinanghahawakan.

Oo, mula pa noong panahon na mga anito pa ang sinasamba natin, tapos nakaukit pa sa puno ang mga baybayin, hanggang sa mga sinakop tayo ng mga dayuhan, hanggang sa mga serye ng pag-aklas ng mga kababayan natin, hanggang sa kasalukuyang panahon.

Masyado kasi kayong mababaw at romantiko eh.

Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions


Follow SlickMaster on: TwitterInstagram, Facebook, Flickrand Tumblr.

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!