11/2/2014 1:18:44 PM
Sa dinami-rami ng problema sa MRT line 3 mula sa teknikalidad ng mga riles, tern,at crowd control at kabuuang operayon, may ugong-ugong noon na kailangan raw ishutdown muna ito para lang maisaayos ang dapat maisaayos.
Ano, kelangan i-shutdown?
Pero bakit nga ba umabot sa ganitong serye ng kamalasan ang Metro Rail Transit, na binabaybay ang kahabaan ng Epifanio delos Santos Avenue (EDSA) mula Pasay Rotonda hanggang Trinoma?
Dahil nga ba ito sa likas na maraming sumasakay sa naturang linya ng tren? Dahil nga rin ba ito sa pagkukulang ng mga riles na kailangan? Dahil nga ba sa kulang-kulang na maintenance parts? Ay, ewan.
Ano ba yung sala nito, yung contactor na may hawak sa naturang transit line?
Pero sa dinami-rami ng mga aberyang nagawa ng MRT3 sa mga tao, maaring solusyon ang pagshut down nito. Pero sa kabilang banda, maari rin na maghudyat ito ng isang malaking blow sa ating kakulangan sa public transportation?
Sa madaling sabi, talo ang tao. Hahaba lang lalo ang agony ng mga ito. At kahit sabihin pang umalis na kayo bago magrush hour, tiyak na hindi ganrantiya yan. Oo, maraming aalis ng alas-singko ng umaga, kaya tiyansa rin na sa mga ganoong oras pa lang, trapik na. Good luck. Sa dinami-rami ng mga sumasakay, obvious naman na over-crowded na ang MRT.
Pero kung lalarga ka ng alas-kwatro y medya ay isang senyales nan g kapranigan. Maliban sa mga probinsya pa ang pinanggalingan, sinong niallang nang gagawa nun kung ang oras ng pagpasok niya ay alas-otso ng umaga?
Pero ishutdown ang MRT, well, makakatulong sana kung (drumroll please) may budget tayo. Oo, dahil ang ugat ng lahat ng mga proyekto ng pamahalaan sa ating lipunan ay budget. Parang programa sa telebisyon at istasyon ng radio: kung kailangan mong magsurvive kailangan, may lifeblood ka (pero sa kaso nun, advertising na ang may gamay).
Ngayon alam mo na ang epekto ng korapsyon sa ating bayan? Yung pondo sana na nilaan para sa mas kailangan na serbisyo sa bayan, ayan. Hindi siya nakatiwangwang pero parang result naman ito ng pagiging wang-wang.
Ay, hindi pa. Wag kang mag-alala, marami ka pang matutuklasan. Ang kailangan mo nga lang gawin ay tutukan ang mga live cpverage ng senado ukol sa samu’t saring mga imbestigasyon diumano ng kaitwalian sa bayan. Kaso, good luck nga lang sa atin kung kaya pa nating i-digest yan.
Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!