11/1/2014 3:40:10 PM
Halos nakalimutan na yata ng mga Pilipino ang mamang ito…. Hanggang nung pumanaw siya noong isang araw (o isang linggo ang nakalilipas mula noong pormal kong inilimbag ito).
Photo credits: Rappler |
Noong 1995 ay naging senador siya. At take note: patunay lamang na hindi bobo ang mga botaneng Pinoy nun dahil sa pangalawa siya sa hanay ng mga nananlo noong 2001 elections. (Ngayon? Tangina, ewan ko.) At ito ha? Marami siyang naipanukala at naging batas, gaya ng Clean Air Act, Anti-Money Laundering Act of 2001,, Indigenous People’s Rights Act, Dangerous Drugs Act of 2002, at ultimo ang Tobacco Regulation Act.
At malamang, ang tunay na nurse, hindi dapat kalimutan ang Philippine Nursing Act of 2002. Bakit? Siya lang naman ang awtor ng naturang batas.
Maliban pa sa pagiging heath advocate sa pamhalaan ay nagging pangulo rin siya ng Philippine Rural Reconstruction Movement noong 1967, at ng International Institute of Rural Reconstruction noon naming 1978.
Isa rin siyang makata't manunulat. Naalala ko ang isa sa mga kwento niya na pinamagatang The Untouchable Trees.
Masasabi nga, (ayon na rin sa Facebook post ng Minsan May Isang Puta) na parang all-around package na rin ang taong ito: seryoso sa bayan, yet nagagawa pa ring pagaanin ang mabibigat na pinapasan. Ika nga, tatlong bagay: wit, humor at patriotism; bagay na hindi mo makikita sa mga tao ngayon, lalo na yung pangatlo. (Ahh, patriot ka? Eh bakit tila tinakwil mo ang Pilipinas? Makabayan kunwari, tampalin kita kita dyan eh.)
Multiple organ failure ang sanhi ng kanyang pagpanaw. At ang kanyang edad ay 79.
Pero teka, ito na naman ang ating magiging litanya. Oo, palagi na lang sa panahong may namamatay na public servant (gaya ni Jesse Robredo noong 2012): bakit kung sino pang mga tapat na tao sa ating bayan ang siya pang nangungunang mawala? Bakit si dating Sen. Juan Flavier pa, na maraming naiambag sa ating kabihasnan, na masasabing isa sa mga iilang taong hindi “tiwali” at trapo.
Bakit hindi na lang yung mga ungas sa pamahalaan na mas makakapal pa sa asbestos ang mga mukha nila? Bakti hindi yung mga kupal na nagangamkam ng pera sa kaban ng bayan? Yung pera na hindi naman nila pinaghirapan in the first place? Bakit hindi na langyung corrupt talaga?
Ano ‘to? Sadyang ganito lang ba ang landas ng mga good guy gaya ni Flavier? Na bayani na ring maituturing para satin? At sila namang mga masasamang damo ay binigyan diumano ng panahon para magbago?
Ay, ewan. Basta ako, maliban sa pakikiaramay ay sasaluduhan ko na lang siya.
Yes, let’s do it!
Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!