11/10/2014 09:36:42 AM
Nakakatorpe. Nakakapanibago. Ang
liksi't sigla ko, nawala sa isang iglap, lalo na nung nakita kita.
Isa ka bang kakaibang pwersa sa mundong
ibabaw? O sadya lamang dumarating sa puntong ako'y naduduwag? Ang
buntot na nababahag?
Hindi ka naman siguro multo ano? At
hindi naman isang haunted house ang mundong ito, ano po? At lalo
hindi naman parang isang malalim na kweba ang puso mo, di ba?
Pero ewan. Ewan ko, tangina.
Ganito siguro talaga ang ikot ng
mundong ito. Minsan nasa itaas ka, minsan naman nasa ibaba. Minsan
bitter ka, minsan nama't magiging matamis. At nagiging ganito ang tao
pag may nararamdaman na kakaiba sa kanyang tipikal na sarili. Hindi
maipaliwag pagkat nakakarindi minsan.
Huwag mo kong lapitan na parang
nang-aakit ka. Hindi porket mala-Superman ang lakas ko'y hindi na ako
nanghihina. Tao rin ako na kinukulang sa hinang. Dahil isang hakbang
mo pa'y baka mahalin na kita.
Teka, ano ba tong nasasabi ng bunganga
ko? Para bang mabulaklak na hindi naman galing sa akin 'to ah.
Nakakatakot ka. Natatakot ako.
Natatakot ako na lapitan ka. Natatatkot ako na may masabi pa. Oo,
nakakatakot dahil malamang hindi naman ako type. Natatakot dahil baka
may iniirog ka na. Nalalatakot sa ibang hindi malamang kadahilanan.
Para bang kanta ng Ture Faith noong
nobenta, na nagtatanong sa aking kamalayan, “Wag na lang kaya?”
Oo, suko ako. Pero hindi ko isinusuko ang puso ko sa 'yo.
Kundi isinusuko ko ang kagustuhan kong
pagtangis sa 'yo.
Pucha, tama na ang kalokohang ito.
Marami pang problema ang mundo na dapat pang harapin. Marami pa akong
bigas na dapat kainin dito. Marami pang alak ang tutunggain ko, para
maging manhid at itago ang pait.
Marami pang bagay na mas dapat bigyang
pansin kesa sa pagtingin ko sa 'yo.
Author: slickmaster | ©
2014 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!