10/29/2014 9:24:13 PM
Isa sa mga pinakapangunahing serbisyong ginagamit ng tao ay ang transportasyon. At sa panahong ito, na salsat na salat pagdating sa kayang ialok na mga bus, jeep o ultimong pamapasaherong taxi, ito ang nagiging tanging solusyon ng ilan: ang Uber, isang transporation app na mala-private driving ang peg. Kung tutuusin, parang taxi lang ang datingan. Ang pinagkaiba, mahal nga lang ito kung ikuikumpara dun, at sa mobile app mo sila mako-contact.
Nagyon, bakit nagiging mainit sa mata ng Land Transportation Regulatory and Franchising Board ang Uber na ito?
Kamakailanlang, isang drayber nito ang kinumpiskahan ng lisensya ng mga tauhan ng LTFRB at pinagmulta ng dalawang daaang librong piso, dahil diumano ay out of line ang operasyon nito. Colorum ba.
Ganun? Colorum lang ba ang dahilan? 200K ang fine? Bakit hindi nila magawa ito sa mga pampasaherong sasakyan na rumoronda sa Kalakhang Maynila? Pustahan, mas marami pang mga colorum na UV Express o ultimong mga jeep sa ilang mga pangunahing sakayan at babaan malapit sa mga direksyong palabas ng Maynila.
Dahil sa mobile app sila? Eh kung tutuusin, marami naming mga pampublikong transportasyon dyan na malapribado rin ang peg. Mga tipong parang shuttle service lang. Don’t tell me hindi colorum yun kahit may ruta sila?
Kagaguhan.
Pero ayon sa mga Philippine National Taxi Operators Associaiton, na unang nagsampa ng reklamo ukol rito, “kailangan kasi nilang magkaroon muna ng prangkisa sa LTFRB.”
Tama nga naman.
Pero ito sinasabi ng mga taong sumbok na nakasakay ng Uber: maayos magmaneho, tapat ang mga drayber, ligtas, at kahit papaano, malinis at banayad ang biyahe. Ikumpara mo yan sa (bagamat hindi lahat) mga barbarong nagmamaneho ng alinmang PUV dito sa Kamaynilaan? Yung tipong kaskasero kahit bottleneck na ang traffic, yung tipong magkacut sa blind side mo na parang motorsiklo? Yung tipong pag kulang pa ang sukli, sila pa ang may ganang magalit sa inyo.
Katarantaduhan naman ito oh.
Ito lang yan eh: kung seryoso sila na masawatan ang mga out of line na sasakyan sa Kamaynilaan, since time immemorial pa lang ay kahit papaano ay nagagawan na nila ito ng pamamaraan.
Kung tutuusin, muntik ko nang sabihin na parang tayo na lang yata ang huling nakakaalam na ang Uber ay ginagamit na ng ilang bansa.
Alam mo, as much as gusto kong panigan ang LTFRB dahil sa batas na iniimplementa nila, parang nakakaloka lang din eh. Bakit ang mga drayber na to na naghahanap buhay naman ng maayos at sumusunod sa batas trapiko at hindi nilalagay sa alanganin ang mga pasahero nila ang dapat pang maparushan?
Bakit hindi kaya ang mga ungas na parang gago kung magmaneho ay hindi nila masita-sita?
Ay hindi ba nila mahabol? Parang sing bilis ban g mga riding in tandem sa bilis?
Kaya pala eh.
Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions
I honestly heard about Uber from abroad and well, it's such a good alternative for transportation. Sa paniniwala ko, kaya mainit ang LTFRB sa kanila kasi foreign company (kung hindi ako nagkakamali) ang Uber. Syempre, perahan din yan.
ReplyDeleteNakita rin kase nila na mas marami ang nagtitiwala at marami ang kinikita ng Uber compared sa public transportation. Sampal sa kanila yon.
Tama ka, sana ang bigyan nila ng pansin yung mga van na kung suminigil sobra eh mga colorum naman! Nakakawalang gana na talaga dito sa Pilipinas.