8/13/2013 5:26:29 PM
Hindi ako isang tao na maalam sa behavior ng tao. Pero kahit
sikolohikal pa ang talakayan, hindi makakaila na madalas itong makikita sa
ating lipunan. Ang mentalidad ng isang “biktima.”
Mas kilala bilang inaapi, o underdog, ang isa sa mga mindset
nating mga Pinoy ay ang tinatawag na “victim mentality.” Ayon sa isang blog na
aking nabsasa sa mga website ng Get Real Philippines at Definitely Filipino,
dito tayo magagaling… sa pag-aarte bilang mga biktima. Parang mga paborito
nating bida sa mga telenovela.
Bakit ganun? Dahil likas sa atin ang pagiging emoyonal at
sensitibo. Pansinin mo, mas madalas mo mapapansin ang mga ito pag nanunood ka
ng mga ganun palabas. Laging inaapi, laging sinasaktan. Palaging umiiyak
(siyempre, ano ba naman ang drama kung hindi iiyak ang bida ‘di ba?), palaging
nanunumpa (i.e., “balang araw, ako ang mananaig.” “bukas, luluhod sa akin ang
mga tala. Babangon ako at dudurugin kita.”)
Ayos sana ,
may resiliency e. Kaso mayroon tayong hindi nagagwa na hindi tulad ng mga bida
– ang lumaban. Sinasabi kasi na masama ang gumanti sa kapwa. Hindi yun ang
punto ko dito. Sinabi ko na dapat lumaban ang mga tao dahil kung panay-palagian
ka na lang inaapi, sinasaktan… aasahan mo ba na igagalang ka ng kapwa mo?
Parang kung hindi mo siya babasagin sa pang-aasar niya sa ‘yo, tingin mo
titigil siya sa gawain niyang ‘yun?
Ang pagiging mapagpakumbaba ay nilulugar, hindi inaabuso.
Tignan mo tuloy ang mga ‘to sa pagiging “victim” nila. Walang narating. Hindi
sumusunod sa tamang alintuntunin, palaging idiadaan sa emosyon at umaapela.
Wala yatang utak tong mga ‘to e.
Kung sa nakalipas na isyu ang usapan, ayon na rin sa blog na
“Filipinos Cannot Progress If they Cannot Follow even Simple Guidelines,” ang
mga Pinoy na nars sa isang opsital sa Estados Unidos ay umaalma ng
diskriminasyon dahil lamang sa labis-labis pagsasalita ng native na lengwahe,
bagay naman ipinagbabawal dun.
Pati na rin ang mga taong gumawa ng kasalanan abroad, bagay
na ipinagbabawal rin naman ng kani-kanuilang teritoryo. Lahat umaapela sa
gobyerno, tapos ang gobyerno anman ay iaapela ito sa kani-kanilang pamahalaan
doon. Tapos, ineexploit pa sa media at pinagpepyestahan ng mga netizen. Ngayon
ano ang kinalabasan? Nagawa lamang ito sa bugso ng emosyon at laging naghahanap
ng ”way out” kahit tama lang ang parusa sa kanilang kamalian.
Pansinin ang mga viral hit sa social media. Karamihan d’yan
ay nabibiktima ng pangbubully sa internet. Yung mga taong inaapi nila ay
pinutakte ng karamihan ng simpatiya. At dyan pumapasok ang tinatawag na
“conspiracy.”
Kunsabagay, ang good side lang naman ng pagiging “victim” ay
pag inatake ka ng krimen. As in literally, pag hinoldap ka, ala namang lumaban
ka? Alalahanin mo, mahalaga pa ang buhay mo kesa sa iPad mo. Pero hindi nga
lang ibig sabihin nun ay maglulupasay ka na lang at hahayaan mong lumipas ang
traumang bumalandra sa iyo. Ayon sa special report segment ng isa sa mga
episode ng Presinto 5, huwag manlaban, pero tandaan ang mukha ng mga kawatan at
agad magsumbong sa malapit na kapulisan.
Magpapakabiktima ka na nga lang ba habang buhay? Hindi ka
lalaban pag inapi ka?
Huwag mo kayang antayin ang mga supernatural na bagay tulad
ng karma at mirakulo para mabago ang takbo ng buhay mo. Alalahanin mo ang
kasabihang “nasa Diyos ang awaw, nasa tao ang gawa.” Bottomline, nasa sa iyo pa
rin ang pagpipilian ng magiging kapalaran mo, kung habang buhay ka bang
mananatiling underdog o hindi.
Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight
productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!