Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

05 December 2014

Marriage Proposals? So Mainstream

8/25/2014 3:48:17 PM

Kamakailanlang (actually, sa mga nakalipas na mga buwan) ay naglipana ang mga video na naglalaman ng mga marriage proposals. At mas dumarami pa yan dahil sa mga sikat na artista mismo ang nagpopropose nito.

O tapos, ano na? Maliban sa naging laman ito ng mga mainstream news outlet, ano naman ngayon kung nag-propose na siya sa kanya? Ano naman ngayon kung na-engage na sila, at magpapakasal na sa mga susunod na buwan/taon/dekada/linggo/araw/oras o ni ultimo minuto?

Hindi naman sa pambabasag ng trip, ano po? Pero sobra na rin kasing nakakaurat ang mga ganyang talakyan eh. At alam ko, mas prefer naman ito ng mga tao kesa naman sa walang katapusang pork barrel scam, at kung anu-anong pautot sa showbiz—sa madaling sabi, nakakagago lang.

Pero hindi rin kaya nakaburat ang mga publicized marriage proposals? (P.S. “Tanga ka lang talaga” kung bibirahin mo ko ng 'numero unong' rebuttal sa mga anti-romantic na post na pinamagatang “bitter.”).

No disrespect sa mga celebrity na ginawa ito in front of the public. Okay lang din na alamin ng mundo ang pagmamahalan n'yong dalawa tutal public figure na rin kayo maituturing at nasa public place n'yo ito ginanap.
Kaso, ano naman na pagkatapos? Mas may pakialam pa rin ang tao pagdating sa mala-iskandalo niyong kaganapan kesa sa mga ganiyan. At bakit ganun? “Controversy sells cash,” ika nga.

Pampabango lang naman ito. Ika nga, pang-PR din. Di rin eh. Tunay na pag-ibig kaya 'yan.
Pero love is soooooo fucking mainstream. Tulad na rin ng mga paborito n'yong teleserye, rom-com at romantic drama movies. Ano kaya yun?

Good news kasi ito, kaya binabalita. Ay, ganun? Kung good news lang naman ang usapan, bakit hindi na lang ilagay ang spotlight sa mga successful na proyekto at event sa kada araw na pangyayari. Bakit yung mga naghatid ng gold medal sa mga palarong internasyonal, hindi pinapainsin?

Yun, mas may pakinabang pa keso sa mga “will you marry me” na 'yan.

Maaring wala sa dalawang taong nagmamahalan ang problema. Pero the mere fact na pinick-up na ng media ang mga ito, sila ang may problema. Hindi nagiging maganda ang imahe ng pag-ibig dahil dito. (P.S. “Show your love to the world” your face. That's like hypocrisy at works, fool!)

And not to mention, very worst level of the so-called Public Display of Affection ang mga ganyang marriage proposal. At minsan, ang pagpi-PDA ay isa sa mga bagay na nakapagpapawalang bias o halaga ng isang pag-ibig.

Saka isa pa, napakapredicatble na ng pangyayari. Saan ka ba nakakakita ng mga marriage proposal na tinuturn down in public?

Ay, oo nga pala. Sa ilang video sa YouTube, at actually sa isang hockey league sa US, nakapanood na rin ako nun. Pero tangina pare, saklap naman nun. (Kaya lesson learned? Wag masyadong show-off)
Oo, predictable na ang pangyayari, dahil pag umiba ng ago sang babae, magmumukha pa siyang masama. Puta. Pokpok. Masyadong matigas ang puso, at kung anu-ano pang sari ng panlalait.

Masyado bang harsh? Dahil masyado rin siya nung nireject ang jowa? Patay.

Kaya sa totoo lang, isang malaking kalokohan na rin ang ganyang bagay.

Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!