Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

16 December 2014

Senyales Na Nalalapit Na Ang Pasko

12/16/2014 8:32:07 AM

Christmas is in the air na nga. At sa panahon na sinusulat ko ito, ay siyam na araw na lang bago ang pinakapaboritong holiday ng marami.

Ewan ko ba kung bakit naisulat ko ito, dahil alam ko na medyo late na rin. Pero anyway, Pasko na nga ba? Oo, lalo na kung ang siyam sa mga senyales na ito ay napapansin mo na:


  1. Kapag nagsimula ang countdown. Siyempre, pagpatak pa lang ng Setyembre 1 niyan ay otomatikong magbibilang na ang mga ilang programa/istasyon ng mga araw bago mag-Disyembre 25. At habang pababa nang pababa ang numero ay paexcite naman nang paexcite ang mga tao.
  2. Kapag may nangaroling na sa harap ng bahay niyo. Madalas ito pag nadisplay na sa kalendaryo ang buwan ng Disyembre. Yan yung bigla na lang may kakalampag sa bakuran niyo gamit ang kanilang tinig at mga instrumento na gawa sa tansan o lata. Kung gitara ang dala nila, aba’y galante na.

    Aba, minsan nga ultimo mga modernong kanta sa ganitong panahon ang kinakanta nila e. Parang yung “BOOM TARAT TARAT” lang.

    Madalas sa mga nangangaroling ay mga bata. Kugn may mga matatanda, either may kapansanan o kasapi ng isang ministro sa Simbahan. Wala namang masama dun, as long as kung ano man ang malion ng mga nahuling nabanggit ay napupunta naman sa mga nararapat na puntahan ngayong kapaskuhan.
  3. Kapag pinatugtog na ang mga Christmas carol sa radyo. Sa totoo lang, as early as September ay maririnig o na ang mga ito. Singluma man nila Ray Coniff, Jackson 5, o Jose Mari Chan, o yung makabagong All I Want For Christmas Is You pa yan; yung orihinal version man yan ng Do They Know It’s Christmas o yung edisyon na 30 years after ang pinapatugtog; Nanghihingi ka man ng Christmas Bonus o nalulumbay ka na parang si Gary Valenciano nun (Pasko Na, Sinta Ko) o ni Ariel Rivera (Sana Ngayong Pasko), may ample airtime na yan sa mga istasyon ng radyo, masa man yan o hipster.

    Yan ang pamamaraan para ipangalandakan na nalalapit na ang Kapaskuhan. Oo, sa musika nga nila. At saan nga ba madalas naririnig ang mga musika. Sa radyo ‘di ba? Lalo na dati na wala pang YouTube at kelangan mo pang magbayad ng ilang daang piso kada buwan para lang makaorder ka ng MTV, Channel [V] o ultimo ang MYX.
  4. Kapag nagsimula na ang Simbang Gabi. Siyam na gabi ng nasa simbahan ka, nananalangin man o (sige na nga, include na nga natin ang kahibangang ito), nangangarap na makaholding hands ang crush mo, gagawin mo ang mag-Simbang Gabi. Maliban na lang kung likas na tamad ka, allergic ka sa simbahan, o sadyang antuking bata ka lang talaga pagsapit ng gabi.
  5. Naglipana ang mga Holiday Sale sa mga mall, na nagreresulta sa pagiging populado ng mga tao, kumikitang kabuhayan ng mga mall at mga stall nito mula botique hanggang supermarket, department store, at ultimo ang mga factory outlet. Siyempre, maraming pera ang mga tao nun e. Bakit nga ba maraming tao?

    At huwag ka, extended na ang mga operating hours ng mall, at least hindi ka na gaano maha-hassle.
  6. Dahil malapit na ang Pasko, mayroon silang 13th month pay. Siyempre, mandato na yan ng gobyerno sa mga kumpanya at kanilang mga nagtatrabahong alagad. Dahil may 13th month pay sila, may pera sila. Mayaman in an instant. Yun nga lang, kung marami kang inaanak, tapos marami ka pang inoorganisadong party, parang regular na sahod lang yan... dumaan lang sa palad mo.
  7. Holiday Rush. Obviously, holiday version ito ng “rush hour.” Dahil maraming party at marami ring sale, malamang, marami rin ang mga magpapakagalante na ilabas ang kanilang sasakyan. Marami rin ang mga taong lalabas sa kanilang lungga para makisali sa isang bandwagon na kung tawagin ay “holiday spirit.” At walang masama dun.

    Minsan pa nga, mas malala pa to sa mga sitwasyon ng mga binahang kalsada dala ng matinding buhos ng ulan na nagreresulta naman sa sandamukal na traffic sa lansangan. Pero malala in a sense na marami pa ring magsasaya dahil siyempre, malapit na ang Pasko e.
  8. Party time. Hindi ito yung gigimik ka sa isang (o marami, kung sobrang lagalag ka) club gabi-gabi, magpapakalasing sa alak at magpapaka-wild sa sayawan. At lalo namang hindi ito yung birthday party. Christmas party ang tinutukoy ko. Dito, maraming kainan, at bigayan ng regalo. Minsan pa nga ay may programa pa to na kelangan mong sumayaw o kumanta, o ipakita ang iba mong talento sa buhay (kung kumakain ka man ng bubog, lumalaklak ng gasolina at bumubuga ng apoy, o tumalon mula sa tulay ng San Juanico); at maliban diyan ay may raffle pa kung minsan. Yung tipong makakapag-take home ka ng isang pangkabuhayan showcase o appliances (suwerte kung smart phone o laptop pa nadale mo).

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

5 comments:

  1. Nakaka-excite kapag nalalapit na ang pasko lalo na dito sa Piipinas, pinaghahandaan talaga ang pasko. Nandyan yung nagsisimula nang mangaroling ang mga bata at ang siyam na gabi ng pagsisimba. Ang mahalaga ay ang paghanda dahil ito ang araw ng kapanganakan ni Jesus.

    ReplyDelete
  2. Christmas is my favorite time of the year. Dito sa amin, start na ang pasko kapag nagsimula na ko magplano kung anong ihahanda sa noche buena. :) At kapag nagsimula na din akong maglista ng mga regalong ibibigay sa mga kapamilya's kaibigan. :)

    ReplyDelete
  3. Ang Pilipinas lang yata ang mas mahabang magprepare for Christmas kasi kahit September pa lang, feel mo na ang vibes ng pasko.

    ReplyDelete
  4. December na! Ubusan na naman ng yaman ang mga Pilipino hahaha.

    ReplyDelete
  5. This is what I love about the Philippines, pag ka pasok ng -ber months, may signs na talaga na malapit na pasko!

    ReplyDelete

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!