11/2/2014 1:04:12 PM
(This is a late post.)
So, disbanded na raw ang Smart Gilas Pilipinas, ang naging reprensentate ng bansa sa basketball, matapos ang mahaba-habang biyahe nito sa mundo.
Kasabay ng balitang yan ang pagkakatanggal di umano ng head coach nito na si Chot Reyes. Ilang linggo matapos ang nakadidismayang performance sa Asian Games kung saan ay pinukakte siya ng mga kritisismo mula sa iba’t ibang tao.
Teka, tinaggal nga ba siya, o mali ang mga unang napabalita?
Masyado nga bang nagmamadali ang mga sports beat reporters matapos lumabas ang statement mula sa isa sa mga manlalaro nitong si Jared Dillinger? O nakukuryente lang tayo paminsan-minsan sa ating mga nababasa’t nakikitao napapakinggan?
Pero paano na ang Pilipinas pagkatapos nito? Mantakin mo, kahit papaano ay umangat ang rangko natin sa FIBA. Nang dahil sa ipinakita natin sa 2013 FIBA Asian Championship at 2014 FIBA World Cup ay lubusang nakilalal muli ang Pilipinas sa kabila ng mga serye ng pagkatalo sa mga laro. (Hindi kaya madali ang manalo ni minsan.)
Sa tignin ko dapat lang na ipagpatuloy ang programang ito. Oo, subalit yun nga lang, isang massive na renovation ang mangyayari dito. Revamp ng lineup, kung paano ang magiging bagong sistema. Kung paano pag-aaralan ang mga susunod na hakbang kung sakali mang sasabak mula ang RP sa international contests sa larangan ng basketball.
Tingin ko, hindi rito matatapos ang quest ng Pilipinas sa basketball glory.
Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eightproductions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!