Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

20 January 2015

Aftermath of a Papal Visit

1/19/2015 10:43:07 PM

So, tapos na ang bisita ni Santo Papa sa ating bansa. Gusto ko man hiritan ng “eh ano ngayon?” ay hindi ko na rin gagawin, dahil malamang pag ginawa kong pamagat yun ay marami na namang magrereact nang hindi nababsa ang artikulong pinagkukumentuhan nila. (Sabagay, ano pa bang bago dun?)

Tapos na ang Papal Visit. Tapos na rin ang tatlong araw na walang pasok ang mga empleyado at mag-aaral sa Metro Manila (unless may nirarush kayo na project o ikaw ay kabilang sa mga kumpanya o ahensya na naglilingkod sa sambayanan). Ano na?

Malamang, balik na tayo sa realidad. Kumbaga, ika nga ng lumang programa sa telebisyon, HOY! GISING! (Hindi mo naman siguro kailangan pang sampalin ng tunay na mundo para sabihing “tapos na ang bakasyon, ‘oy! Pumasok ka na at ‘wag kang tatatamad-tamad!”)

At dahil back to reality nga tayo, balik na rin tayo sa mabigat na trapiko sa mga pangunahing lansangan lalo na kapag rush hour. Balik rin tayo sa siksikan sa mga jeep at tren (kahit makipagtalo ka pa na tumaas ang pasahe sa MRT at LRT). At higit sa lahat, babalik rin tayo sa araw-araw na gawain na hinaharap natin. 

Gising, hilamos, almusal (kung may time ka), maghanda, pasok sa eskwelahan o opisina, uwi ng bahay, hapunan, chillax (kung may time ka pa rin), tulog, and repeat ‘til Friday.

Tapos na ang Papal Visit. Balik man tayo sa dating gawi, pero...

Matapos ang pagbisita ni Pope Francis, ito ang tanong: magbabago nga ba ang paniniwala ng mga Katoliko? Nainspire ba tayo sa charm niya? Naintindihan ba natin ang mga aral niya (‘wag nyo sabihing hindi sa literal na aspeto: may translator siya, remember?), at higit sa lahat... magbabago ba kayo mula sa pagiging pasaway?

Ito nga ang problema eh: pagkatapos makita ng iilan ang Santo Papa, sa gitna ng malakas na ulan dakong alas-tres ng hapon sa Luneta, ay tumambad naman ang mga basura. Ops, partida ha? Hindi pa kaagad nagsisimula ang misa niyan.

What more pa noong alas-singko y medya pasado na? Ay, naku po.

Pero maliban sa hindi pagiging disiplinadong mamamayan... ano na? Umalis na ang Santo Papa. Tapos na ang kanyang pagbisita.

So, balik na naman sa pagiging sugarol? Sa pagiging promiscuous, palamura, mapaghusga, hipokrito, at sa kung anu-ano pang mga gawain na taliwas sa tinuturo ng ating panananampalataya?

Dito natin malalaman kung sino ang tunay na nananampalataya sa mga nakikiuso lang. Kung sino ang nakikinig sa salita sa mga tengang kawali.

Yo, Enero pa lang. 20 araw makalipas magpalit ng bagong kalendaryo. Kaya hindi pa huli para gumawa ka ng new year’s resolution at isakatuparan ito.

Oo, lalo na kung sa paniniwala ang usapan, mga hija’t hijo.

Author: slickmaster | ©2015 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!