1/4/2015 3:29:46 PM
Ito ang tanong: Ano ang pakialam mo sa cake na ito?
Oo, yang cake na iyan na nagging tampulan ng isyu sa kasal nila Marian Rivera at Dingdong Dantes.
Alam ko na nakakasuka na ring pag-usapan ito. Sa totoo lang, kasalanan ito ng mga nagcover sa kasal e. Masyado nilang ginawanag malaking scoop ito at tila naging napakalaking headline na nakalimiutan ng mga Pilipino nun na gunitain ang mga naiambag ng pambansang bayani na si Gat Jose Rizal.
Marriage proposals is so fucking mainstream, and so was the marriage itself.
Pero sa kabilang banda, parang hindi na rin tama kung pupunahin pa ang cake nila. Tama na siguro, alam naman ng iilan na nakakaburat talaga ang pagcover ng mga network sa kasalang ito na as if may significance ito sa buhay natin. Kalimutan na ang ideya na kilala na kasi sila.
Ito ang problema kasi. Ayon sa mga ulat, ang cake na yan, may taas ng mahigit 12 talampakan at tumitimbang ng mahigit 120 kilo, ay gawa ng Goldilocks, ang lokal na fast food brand na ineendorse naman ng Kapuso aktor na si Dantes. May disenyo ito na gawa sa mga crystal ng Swarovski at may mala-3D rin na CG effects.
Sobrang tindi lang, ang cake na ito ay nagpagdag pa sa trending topioc sa Twitter noong araw na iyun... worldwide! Ultimo mga news outlet sa ibang bansa ay piunick-up ang item na ito.
Pero, seven million pesos ang halaga.
O ano naman kung 7M yan?
O ano naman kung 7M yan?
Kinurakot ba nila yan? Hindi, dahil malamang hindi naman sila nagtatrabaho sa pamahalaan. Oo, kahit sabihin mo pang miyembro ng Yes! Pinoy movement si Dingdong.
Ayon pa sa ulat ng GMA news, may kanya-kanyang pamamaraan ang bagong mag-asawa para magbigay ng tulog sa mga nangangailangan. Kunsabagay, hindi naman kasi porket isa kang kilalang tao sa lipunan ay dapat dokumentado rin ang mga galaw mo, at lalo na sa usapan ng charity o pagtulong sa kapwa. (Remember FPJ?)
At... regalo yan kung tutuusin.
Ano naman kung nagkakahalaga ng pitong milyong piso ang cake nila DongYan? E regalo naman pala sa kanila yan.
Besides, kahit hindi man maging “regalo” yan, at least ginasta ng mga walang halong bahid ng katiwalian (o ng mga tumulong at sponsor nila) ang cake na yan. Bakit nga ba kailangan pang putaktehin ang ganyang halaga at taas ng cake? Bakit hindi yung mga jeskeng pinupuna nun na cake sa Makati na sinasabing gawa at produkto ng tiwaling pamamahala roon? Ang daming mahahalagang isyu — lalo na sa pagkain — ang dapat pang punahin kesa dito.
Mapapakain ba kayo niyan? Hindi. Bakit, hindi naman kayo imbitado eh. Pero kahit na rin, hindi ka rin naman mabubusog.
Marami pa nga diyan na sa magagarbong lugar at bagay pa ginagasta ang pera sa kanilang kasal. Pero may narinig ka bang pangengwestiyon kanila? Wala.
Buti nga pagkain eh. At least, patunay lang na mahalaga pa rin sa kanilang buhay at pagkain at hindi ang mga eleganteng gadget gaya na lamang ng ginagamit mo sa pagbabasa nito ngayon (maliban na lang kung obsolete na yang computer o telepono mo).
Ano ang ibig sabhin nito? Malamang, na nasa malayang lipunan tayo. Kaya ika nga kanta ng Radioactive Sago Project, Walang basagan ng trip!
Karapatan nila na ikasal sa ninanais nila, at as long as hindi naman sila nagnakaw sa kaban ng bayan (di gaya ng mga binoto niyo noong nakaraang eleksyon), wala akong nakikitang punto para pag-usapan ang sobra-sobrang OA na balita ukol sa cake nila. Tanginang mga network ‘to oh (oo, kasalanan niyo nga to eh).
O baka naman nakakaramdam kayo ng inggit? Aminin, lalo na ng mga kababaihan — na gusto niyong maikasal ng inyong mga sinisintang “prince charming” — na isang engrandeng pamamaraan. Asus, anong “simpleng” nalalaman ka dyan? Tampalin kita dyan e.
Magagawa niyo naman yan e, gaya ng mga iniidolo niyo. Oo, walang imposible. Yan ay kung magsusumikap kayo mag-aral, magpakatino, magtrabaho, at mag-isip ng mga bagay-bagay na ikaangat ng inyong sariling buhay. Kesa naman lumandi ka, tapos mabuntis nang wala sa oras. Sira ang buhay!
O siya, tama na ang usapang yan! Ayan na naman kayo eh. (Wag niyo kong idamay. Hindi naman ako nanunood ng teleserye na gaya niyo eh.)
REFERENCES:
Author: slickmaster | © 2015 september twenty-eight productions
Follow SlickMaster on: Twitter, Instagram, Facebook, Flickr, and Tumblr.
nice one eh :) ,i'm just smiling reading those comments nag aaway sila,i'm not a fan esp marrian kasi felt pity for k dati but that was ancient so what's the big deal?is that the gma wants to show off hehehe..heyyy!abs cbn they are our talent beeeeehhhh&that's the big deal! period
ReplyDeleteMagagawa niyo naman yan e, gaya ng mga iniidolo niyo. Oo, walang imposible. Yan ay kung magsusumikap kayo mag-aral, magpakatino, magtrabaho, at mag-isip ng mga bagay-bagay na ikaangat ng inyong sariling buhay. Kesa naman lumandi ka, tapos mabuntis nang wala sa oras. Sira ang buhay!
ReplyDelete- paki ko rin sa cake nila. may cake din kami sa bahay. Pero huwag mo naman lahatin ang mga babaeng nabubuntis na wala sa oras. di ba pwedeng na rape at nabuntis? nabuntis nang wala sa oras, dahil sa landi agad? pak dat shit.