1/11/2015 11:20:32 PM
Ito ang problema sa Pilipinas: nagrereklamo pa sa gobyerno, hindi naman sumusunod sa bats-trapiko, at gagawa ng paraan, makapanlamang lang sa kapwa nila.
Parang yung motorista na ito. Panoorin.
Ayos na sana eh. Video tutorial ang datingan. Ito ang mga problema: pinapakita rin nito kung paano ka maging arogante sa lansangan. Yo, hindi ka isang action star, hijo; o ni parte ng wrestling kaya umasta ka nang naaayon sa lugar.
Pano ba maging arogante? Simple lang: magdrive ka ng matulin, gitgitin mo ang mga kapwa mo na hindi marunong magbigay-daan.
At magmukhang kaangas-angas, gaya nitong si “Beast.” Ops, hindi yan karakter na kapartner ng ‘beauty’ na si Belle, ha?
Teka, beast mode nga ba? Panoorin mo (kung sakaling hindi mo pa siya napapnood) Maraming pumupuna kasi na baka naman “beast MOLE” dahil sa mole niya sa mukha. Mga netizen nga naman, ano? Pupunahin talaga kahit hindi na dapat pang pansinin.
Sabagay, ika nga ng Hammurabi code, “an eye for an eye, a tooth for a tooth.” Sa kasong ito, one bullying act deserves another.
Kaso, masyado nga ba tayo para sa mokong na ‘to? Ewan ko. Basta para sa akin, marami siyang mali sa larangan ng pagmamaneho: at etiketa yun. At mapapansin mo yan sa ilang bagay na napansin ko sa anim na minutong video clip na ito.
Simpleng pagpansin nga lang sa kung sa anong sasakyan ang gumigitgit sa’yo, counted na eh.
In contrast pa nga yung sinasabi niya sa duluhang bahagi ng clip na ito. Kung napataka ka, uso gamitin ng rewind at play button ulit. Sino talaga ang nanggagalaiti? Akala ko ba mapapanindigan mo ang sinabio mo kanina, na kapag may hindi nag-give way sa ‘yo, gigitgitin mo.
E bakit bigla yata nag-iba ang tono mo? “Hindi naman ako mababadtrip kung hindi ka nagitgit eh.”
Sabagay, kadalasan sa mga mayayabang na nilalang, ganun na ang mechanism. O ayan, patunay pa rin na tao ka at ang akto ng isang humiliasyon ay nakaktnggap din ng kaparehong kilos mula sa kapwa mo... o sabihin nating “katapat.”
Sa totoo lang, ewan ko ba kung bakit nagkakaroon ng lisensya ang taong ito? Parang kung pumasa man sa alinmang pag-aaral para magmaneho, ayun ginamit pa rin ang pagiging barbaro niya sa ngalan ng kanyang ego na matawag na the ‘beast.’
Teka, akala ko ba kay Calvin Abueva lang ang titulong yun? At least yun naman kahit medyo marahas ang istilo kung maglaro, kayang pangatawanan. E ito? Ewan ko na lang, sa dami ng mga nanggagalaiti sa kanyang video na ito.
Puta, kahit ang sinumang kawatan ay hindi gagawa ng ganyang kalokohan e. Siyempre, payabang lang ang ganun.
Ang tanong: matapos itong mag-viral sa social media, may magagawa bang aksyon ang alinmang sangay ng pamahalaan na may saklaw sa ganitong bagay?
Ang problema rin kasi: kapag walang kumikilos sa mga ahensya na hiningan nila ng tulong, sa social media sila dumedepende. Madali lang ikalat ang isang litrato o video as long as may Facebook account ka, o Instagram, o YouTube, o Twitter. Pag nagkataong maimpluwensya ka pa sa mga tao sa network mo chances are dudumugin talaga yan.
Congrats, sikat na si the ‘beast.’
Kaso, hindi nga lang siya beast mode. Kundi... beast mole.
Author: slickmaster | ©2015 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!