1/21/2015 5:58:56 PM
Kung tutuusin, malinaw pa sa sikat ng araw dapat ang linyang nagdidikta ng pagkakaiba sa pagitan ng pagyayabang ng pananampalataya, sa pagiging sobra o tahasang paninira sa relihiyon ng iba.
So, sinasabi ni isang Marlene Aguilar na ang Santo Papa Francisco I ay isang “kampon ng dilim.” At ayon pa nga kay She Dragon, maliban pa sa tinawag na demonyong naka-abito ang santo papa, ay tahasan pang sinumbatan ang mga nananalig na Katoliko bilang mga idiota, o tanga.
Naghamon pa nga ng suntukan sa sinumang papalag sa sinabi niya eh. Kayang magpatumba ng isang libong katao.
Ang tanong, may pumatol ba sa isang sobrang taong may pagkasobrang radikal ang nilalaman ng kanyang utak at bunganga? Maliban pa sa mga taong nagngitngit sa galit sa pamamagitan ng pagkumento sa thread ng kanyang Facebook post?
Meron, at wag ka… isa itong dating personalidad na kilala mo: ang dating mananayaw at mangangawit na si Mystica. Oo, kung matatandaan mo kung gaano katindi sa pagsplit ang aleng ito, ay siya namang tindi ng galit noong nagbitaw ito ng pahayag.
Ahh, suntukan daw ba? Game raw siya.
Patayan pa nga kamo e. Para sa isang bilyong dolyar.
Sparring pala e.
Pero bakit nakablock daw siya?
Hindi raw sumagot si Aguilar sa hamon ni Mystica. Anyare? Ano ‘to, senyales ng pagiging duwag ng naghamon?
Pwede rin naman nating sabihin na nang-aasar lang talaga siya. Alam mo naman ang mundo ng internet, kait sinong may karapatang mag-angas, kahit sabihin pa natin na wala namang bayag ang iilan sa kanila dahil nanghihiram lang sila ng mukha at pangalan sa mga alaga niyang bantay.
Nakakatawa nga naman ano? Patol dito, patol doon. At pa-exaggeration pa kamo.
Sabagay, mukhang nararapat naman e.
Kung tutuusin, nakakasura rin naman ang makabasa ng ganito. Pero dahil minsan, nakakasawa rin naman ang manood ng boxing, UFC, at WWE, mukhang... hmm, ayos to ah.
Maiba lang, e no?
Sige nga. Let’s get rrrready to rumblleeeeeee..... (bell rings)
Author: slickmaster | © 2015 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!