Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

04 January 2015

Dahil Tapos Na Ang Holiday Break…

1/2/2015 11:06:06 AM

Congrats! Tapos na ang maliligayang araw natin!

Ilang araw na lang, babalik na tayo sa realidad, sa problema, sa buhay na kinagisnan natin sa halos buong taon.

In short, tapos na ang Holiday break. Dahil malamang, tapos na rin ang bagong taon, at lalo naman… tapos na rin ang Pasko.

So, ano na? Tapos na ang Hholiday break… e ano ngayon?

Dahil tapos na an gating maliligayang araw, marami na namang tatamarin sa Lunes, a -5 ng Enero taong 2015. Bakit ganun? May pasok na naman sa mga paaralan at opisina ang mga tao. Maswerte ka na nga lang kung may kusang loob ka na trip pumasok (dahil pag hindi, malamang wala kang sasahurin). 

At dahil balik-eskuwela na rin ang marami, malamang niyan ang tanong ni ma’am: Class, what is your new year’s resolution?

At siyempre, ang mga estudyante naman ay sasagot… sa pamamgitan ng essay na nakapaloob sa isang buong intermediate pad.

Dahil tapos na ang holiday break, titra pa rin yan ng mga pagkain kung may natira man sa kanilang media noche. Siyempre, masarap kumain eh.

Pero ang iba,as usual, magpapasexy na rin. Yung tipong kailangan pang ikalat sa kani-kanilang mga profile sa social media ang hashtag na #OplanAlindog. 

Puta, as if naman magkakaroon ng epekto yang pagde-diyeta mo no?

Naku, e madalas pa naman sa mga pangakong napapako ng isang tao ay ang pagda-diet. Yung tipong sasabihin nilang “magda-diet na ako bukas,” tapos pag kinabukasan, yan din ulit ang sasabihin nila, and repeat til fade ang peg. As in magpe-fade na ang kanilang pangako sa sariling “magsisimula na ako magdiet bukas.”

Pero dahil tapos na ang holiday break, ito lang ang tanong: magkano na lang ang pera mo? Pustahan, ang ikinagarbo mo sa paggastos mo sa pangregalo, ukay-ukay at ibang klase ng paggagagala noong nakaraang mga araw, ay siya namang ikatitipid (o kung minalas-malas ka sa panahong iyun, ikagigipit) mo pagdating sa pagbalik sa realidad.

Tapos na ang holiday break, balik na naman tayo sa realidad, kaya malamang, matrapik na naman nito. Rush hour will be rush hour once again (ano pa nga bang maieexpect mo?). Iinit na naman ang ulo ng mga tao sa kalsada nito kahit sa kabila ng malamaig na panahong dinaranas sa ngayon.

Isa pang hindi magandang balita pagsapit ng pagtatapos ng holiday break: tataas ang presyo ng MRT at LRT. Well, okay sana kung magaganda pa naman ang serbosyo ngmganaturang linya. Sana nga lang ay mapunta sa mga pagbabago ng pasilidad kung sakaling i-push ang pagpapaupad nito. Good luck na nga lang sa stored value card mo, kung iilang sakay na lang ang kakayanin niyan.

Pero higit sa lahat, dahil tapos na ang holiday break, panahon napara iligpit ang mga Christmas decoration mo. Oo, pati yung ilaw at ultimo ang Christmas tree mo. Panahon na para iligpit dahil pustahan, kuyng hindi mo ililigpit yan, aabutin ka ng Valentine’s day para mag-clutter ng mga deco sa bahay mo, tapos dahil excited ka sa pasko, Setyembre pa lang, magde-decorate ka na naman. Ayos ‘di ba?

So, tapos na ang holiday break…ano na?

Oy, gising na! Gumising ka na sa realidad, at pumasok ka na! 

Hindi mo naman siguro kailangang masampal pa ng syota o ermat mo, ‘di ba?

Author: slickmaster | © 2015 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!