Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

04 January 2015

December 30, 2014: Day of National Amnesia and the Royal Wedding Fiasco

1/4/2015 2:06:25 PM

Alam ko: Masyado nang mainstream ang kasalan sa nakalipas na mga buwan. Nakakaurat na ang mga marriage proposal; at lalo pa ngang nauso ang mga usapang nagkakaboyfriend/girlfriend at mga nagpopropose na magpakasal nitong Disyembre lang.

Ha? Tangina! Akala ko ba t’wing Pebrero saka Hunyo lang nauuso ang mga ganitong bagay? Ang hihilig kasing makiuso e. Mga gusto mainitan ang Pasko nila at maiwasan mabansagang SMP o Samahan ng mga Malalamig ang Pasko. Teka, tangina, in the first place kalian ba naging summer ang atmosphere ng Kapaskuhan sa Pilipinas?

Parang ito: Disyembre a-30, mas naalala pa ng mga Pilipino ang kasalang Marian Rivera at Dingdong Dantes kesa sa mga mahahalagang kaganapan nun gaya ng biglang paglaho sa himpapawid ng isang eroplano ng AirAsia, at ultimo ang isa sa mga pambansang holiday — ang paggunita sa kamatayan ni Gat Jose Rizal. 

Teka, di mo kilala si Rizal? Humahawak ka ng pisong barya, napapadaan ka sa isang bantog na kalye sa tabi ng Ilog Pasig at Kyusi, nakatapos ka ng pag-aaral lahat-lahat, hindi mo kilala ang ating pambasang bayani? Grabe naman!

Pero… siyempre, pag usapang kasalan, dyan buhay ang karamihan. Oo, aminin niyo. Pag may kinakasal, siyempre ang gusto nilang Makita ay ang mga sumusunod:

Ang magagarang sasakyan na maghahatid sa bride sa simbahan. 

Yung kabuoang set-up ng kasalan mismo. Kung engrande ang datingan, mas okay. Dahil sa pananw nila, simplicity is boring. Meaning, ang simpleng bagay ay parang isang color scheme – yung grayscale. 

Ang gwapong groom. Siyempre, moment niya to eh!

Ganun din dapat ang bride. Dapat maganda, sopistikada ang aura. Hindi ko na sasabihing sexy dahil wala pang kinasal sa simbahan na nakatwo-piece lang kahit sabihin pa nating three-timed sexiest woman of the Philippines ayon sa FHM magazine si Marian Rivera.

At mawawala ba sa seremonyang ito ang mga katagang “I Do” at “You may kiss the bride?” Kumbaga sa isang palatuntunang pambalitaan ito ang mga tipikal na linya na maririnig mo palagi… bago mag-commercial break. Isama mo na rin pala ang mga quotable quotes na pinopost ngf kung sinu-sinong PR/media ukol sa kasalanag yan. Nyai, kailangan talagang blow-by-blow tong mga to e no?

At isa pa… ang reception. Mula kainan hanggang sa mga aktibidades pagkatapos, ukol sa mga sinasabing mga susunod na ikasal. 

Pero… ito ang tanong: bakit nga ba nakalimutan ng karamihan ang ibang mahahalagang pangyayari nnoong araw na yun? Kunsabagay, wala naman tayong pakialam kung may kababayan man tayong apektado sa flight QZ8501 ng AirAsia eh. Pero pustahan kapag may napabalitang may Pilipino pala na sakay nun, kakain ito ng aritme sa mga newscast at dyan lang papasok ang pagiging concern natin.

Pero, ang araw ng paggunita kay Rizal, nalimutan na nga ba? Maliban sa mga taga-Malakanyang, iba pang kawani ng gobyerno, at mga kaanak ng yumaong pambansang bayani, baka sa malamang. At ito ang posibleng argumento dyan:

Ang kasalang DongYan, minsan lang magaganap. Ows talaga? Ang mga taong nagmamahalan, kung gugustuhin nilang makasal sa lahat ng simbahan, gagawin at gagawin nila yan.

Kunsabagay, kada taon naman kasi ay naalala ang kamatayan ni Rizal. Hindi dahil sa mga kaganapan na ang presensya ng mga mahahalang pinuno n gating bansa ay nasa Luneta o kung saang bantayog nu Rizal sa Pilipinas. 

Kundi dahil holiday ito. Walang pasok sa mga opisina. Sarap lang mamasyal nun at manood ng mga pelikula sa Metro Manila Film Festival, lalo na’t may libreng sakay nun ang mga pampasaherong tren mula 7-9 AM at 5-7 PM.

Pero,kasalanan nga ba ng mga Pilipino to? O baka dahil sa masaydo lang nagko-cover ang mga nasa mainstream media nito?

Oo, over-rated ba; Over-hyped; Exaggerated, o sa lengwaheng naiintidihan natin… “Putangina, ang OA na!” 

Pagbigyan ang mga nagmamahalan na ikasal sila kung gustyo naman talaga nila. Pero, kailangan ba talagang gawing national news item ito? Porket andun ang elemento ng kanilang pagiging prominente? Sa totoo lang, wala namang mapapala ang taumbayan kung ipangalandakan ng media ang blow-by-blow account ng kasalang DongYan e. Magiging saksi lang sila. Maiinggit dahil sa “Shet! Ang gara naman ng wedding na ‘to!”

Pero pagkatapos ng lahat, ano na? Nganga na naman kayo?

Saka isa pa: wala rin namang mapapala ang Pilipino pag pinag-usapan pa yan e. Lalo nay un g isyu ng cake na yan. (Abangan sa susunod na Tirada Ni Slick Master!)

Author: slickmaster | ©2015 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!