1/17/2015 10:45:45 AM
Saan mang pangyayari, gaano man tumatakbo at magmarka ang panahon, lagging may ganitong isyu; mula sa hindi magandang kaganapan gaya ng mga aksidente, hanggang sa mga matiwasay na pagtitipon gaya ng mga religious gathering, hindi nawawala ito: ang pagtatalo sa usaping relihiyon.
At sa panahon na lahat ay may boses sa pamamagitan ng social media, mas malaya pa tayo maglahad ukol rito.
Lalo na siguro nitong panahon na andito ang pinakapinuno ng pinakamalaking sekta ng relihiyon sa mundo: Si Pope Francis, ang Santo Papa ng Simbahang Katolika.
Ilang oras bago at pagkatapos lumapag ang eroplano ni Pope Francis sa Villamor Airbase sa Pasay City, kaliwa’t kanan na ang kuro-kuro ng mga tao. May mga natuwa at mayroon rin namang naghayag ng dismaya. At siyempre, kung galit ka sa relihiyon, magsasalita ito sa kani-kanilang mga profile sa Facebook, Twitter at iba pa.
At kung ikaw naman ang makakabasa nito, tiyak na magagalit ka rin. O depende na lang siguro ang reaksyon mo kung sa kung paano niya nilahad ang sa kanya.
Maraming argumento: ‘panatisimo’ raw na maituturing ang iilan. Pekeng propeta raw. O masyado na raw. Meron pa ngang mambubulyaw na naiistorbo ng ‘holiday’ mo ang payroll namin.
Sabi naman ng mga deboto, hindi niyo lang kami naiitindihan.
Sabagay, hihirit din naman ang mga ‘to na ang paniniwala ay isang napakamisteryosong bagay na hindi kailanmang maipaliwanag sa pisikal na pamamaraan gaya ng siyensya.
Meron namang tutuligsa, na hindi na talagang bago sa ating kamalayan. Lahat naman ng pangyayari at usapan, uso ang isa o iilang tao ang kontra eh. At hindi naman ganun kasama yun sa estado ng ating malayang lipunan.
YAN AY KUNG alam mo ang salitang “kortesiya.” Ang hirap kasi sa mga matitimbang paksa gaya ng relihiyon, ispiritwal at paniniwala (o sa ibang salita ay pananampalataya), ay may puputok na butsi e. May mga taong mamemersonal. May mga taong titirahin hindi lang ang iyong lohika, kundi ang pagkatao mo.
Aminin man natin o hindi, ganyan tayo.
Minsan, ang sarap sabihan ng malulutong na mura ang mga ‘to eh. Pero sa kabihasanang ito, maliban pa sa palagiang extro ni Ted Failon nun sa Hoy Gising, “ang pikon ay laging talo.”
Ito na lang siguro: respetuhan na lamang sa paniniwala, as long as totoo’t sinsero ito.
Oo, maaring may mali sa kanila. Maaring yung mga nalalaman nila ay ang mga bagay/katotohanan/paniniwala na iba pa sa nalalaman mo. At as long as hindi naman yun nagtuturo na manlamang sa kapwa mo, hindi naman yun siguro masama. May relihiyon ba na nagturo ng kasakiman sa tao in the first place?
Ayos naman siguro kung sasabihin mo ito nang nasa tama o wasto, ‘di ba? Hindi mo naman siguro kailangang umasta na parang ikaw ang tama at lahat nang taliwas sa mata mo at sa tinuro sa’yo ay ungas.
Pero para sabihin na ang naniniwala sa (insert religion here) ay (insert negative word) here? Hindi na kagalang-galang yun ha? Hindi sa mata ng nasa itaas, o sa mata ng iyong tao, kundi sa sarili mo na rin. Hindi lang konsensiya o moralidad, pati na rin ang pagiging natural mong pag-iisip/
Kung wala ka pa rin tigil na mangbabash ka ng relihyon at ng mga naniniwala rito, isa lang masasabi ko: FUCK YOURS, TOO.
AND ALSO, YOUR LOGIC.
Author: slickmaster | © 2015 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!