1/15/2015 11:12:33 AM
Sa lahat-lahat, lahat-lahat, lahat-lahat na lang ng ibabalita sa panahon nitong nagdaang linggo, ito pa ang ginawang big deal... as in national headlines.
Anak ni Kris Aquino na si Bimby, kinagat ng aso!
Oo nga?! Mabuti pa sana kung kasagsagan ito ng mga isyu ng paglipana ng rabies sa Kalakhang Maynila.
So, ano naman kung nakagat ng aso si Bimby? Patunay na lang ba na mortal pa rin siya kahit siya ay isang child actor-slash-anak ng tinaguriang “Queen of Philippine Media”? Ganun ba? Malamang.
Pero ano naman kung nakagat siya ng aso? Dahil ba ito sa mahihilig magantabay ang mga masa sa mga shobwiz balita na kalimitan ay nanggagaling sa mga posts ng mga artista sa Instagram ngayon?
As much as gusto nating makarecover ang bata mula sa kagat ng aso na yan, hindi na siguro kailangan pang patulan ng mainstream media ‘to.
Ay, pati ba yung isang kilalalang social news website din ba? Eh kaso, ganun eh... social media-based din yata sila e. Ano pa bang bago? No offense ha? Okay pa rin naman sila pagdating sa mga seryosong pangyayari na kailangan nilang ibalita, mula online article hanggang sa mga video podcasts nila. Kaso, tila kulang na lang ay sumunod na sila sa yapak ng mga network sa mainstream media na panay mahahangin na lang ang laman ng ilang balita nila. As in wa-kwents ang conent, basta prominente, pwede nang gawing controversial, yun na!
Ika nga ng professor ko sa isang major subject na may kinalaman sa pag-aaral ng mass media, “‘dog bites kid’ is not news, but ‘man bites dog’ is news.” Pero siyempre, sa kontkesto ng lipunan na uso ang stereotyping, kung may kakagat man na tao dun sa naturang aso, malamang ‘abno,’ o baka naman ay nahawaan ng rabbies. At tangina, asa ka naman na magkakaroon ng ganung balita e no?
Pero sabagay, may mga clip nga na ginagawang sex object ng tao ang mga hayop e. Pero hindi yan umabot sa mga pambalitaan sa mainstream e. (Obviously, dahil taboo ang SEX sa ating kamalayan in the first place; kahit sa kabila ng argumentong marami naman ang nagiging liberal sa ngayon eh.)
Balik sa usapan. Bakit nga ba kailangan pa ng mga bwakananginang media pa patulan ang mga ma-ereng kabalastugang balita gaya nito? Sa kabilang banda kasi, basta may pangalan ka na sa lipunan, mababalita ka. Prominence, ikaw nga. At ikaw ay instant public figure, na basta-basta na lang ay susundan ng p[ubliko at media ang ginagalawan mo. Ke nakagala ka man sa isang mall, o may bago ka lang sinulat sa iyong social media account.
At isa pa: once na prominent ka, aantabay ang tao sa kuwento ng iyong buhay sa pamamagitan ng mga posts mo sa Twitter, Facebook at ultimong Instagram.
Sa kaso ni Kris Aquino, hindi na bago ang ganito. Basta magpost lang siya sa kanyang Instagram, o magsalita lamang siya sa harap ng camera, intsant scoop na kagad. Ganun katindi ang impact ng ate mo sa media, ka-network man niya o kalaban. Ang problema nga lang: ilan sa mga sinasabi niya na nagiging balita kagad, wala naman talagang katuturan.
Kaya sa totoo lang: ano pang bago sa balitang ito? Wala!
Balik tayo sa usapan, ano naman kung nakagat ng aso si Bimby? Ano naman ang magiging epekto nito sa atin? Na nabentahan na naman kayo ng basura ng mga newscast? Habang kayo naman na tinagkilik niyo yun? Nganga?
Malamang, kasi nga nabentahan kayo ng mga reporter na mahihilig kumagat sa mga kababawan ng kanilang audience.
Author: slickmaster | © 2015 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!