Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

11 January 2015

Reaksyon

1/12/2015 12:17:54 AM



Isang bulabog sa magdamag: lumindol sa hilagang Pilipinas, kasama na ang Metro Manila (siyempre. Obvious ba?), kaninang alas-3:31 ng madaling-araw. Akala ko nga nagpa-palpitate ako nun, ngunit sa totoo lang, matapos maistorbo ng insidenteng yun, tumingin ako sa telepono ko para tignan ang oras at natulog muli.

Lingid sa kaalaman ko, lindol nga ang naganap. Alas-5:45 ng umaga, habng nagmamasid sa mga enws feed sa Facebook ay sari-saring mga status update ang aking nakikita. Lahat, may kinalaman sa lindol.

Kunsabagay, napakadalang man natin maranasan ang lindol. Pero pag minsan mo ito mapansin, nakakatakot pa nga ito kesa sa mga bagyong dumaan sa ating bansa. Dahil hindi nahuhulaan kung kelan yayanig ang lupang kinagagalawan natin.

Parang ang huling beses nga na nakaramdam ako ng isang lindol ay noong estudyante rin ako. At kung tama ang pagkakaalala ko nun, nasa magnitude 6 din ang sukat nun. Hindi ko lang alam ang mga eksaktong detalye gaya ng epicenter, kung gaano kababaw o kalalim nito, kung anong klase siyang ‘quake’ (hindi yung brand ng tinapay ha?), at kung anu-ano pa.

Sa kasong ito, Magnitude 6 (5.7 sa ibang mga news outlet), at ang sentro nito ay nasa 13 kilometro timog-silangan ng San Antonio, Zambales.

Pero, sari-sari lang din ang nababasa kong mga reaksyon. Kaya ang inyong lingkod ay biglang nag-ipon nito, at ito ang ilan sa aking mga nawari, lalo na kapag may nararanasang lindol sa alinmang sulok ng mundo.

“Ay, lumindol ba?” Tanong ng mga manhid at mga nagpapanggap na manhid. Okay lang kung nakatulog ka nun at least paggising mo, safe ka. 

Pero kung nagpapanggap ka lang na manhid, tanginang banat yan.

“OMG! Pray tayo!” Ito yung mga taong sa sobrang hysterical ay parang end of the world na ang peg nila. Well, depende naman yan e. Kung ang sitwasyon na nasa lugar ng pinangyarihan nila ay tila nakakatkot na ang pag-alog nga paligid, aba’y hindi na rin kataka-taka kung bakit nangyari yun.

Pero intensity 1 lang naman ang naramdaman mo at ganyan na kagad ang reaksyon mo, parang mas okay pa kung sasabihin mong “pray tayo” sa halip na dagdagan mo pa yan ng mga mala-OA na reaksyon.

Newscaster. Sila yung mga tipong ibo-broadcast sa kani-kanilang mga Facebook profile ang mga kaganapan ukol sa lindol. Ke sarili man nilang kwento yan (as long as authentic ito), o galing sa mga pinagkakatiwalaan nilang mga news orgs sa mga Facebook page o Twitter account.

Walang masama dun, as long as hindi ikaw yung tipong nagsa-spam ng mga news feed. Oo, mas masarap ang SPAM, kapag ito’y pagkain, hindi kapag ito’y gawain ng isang social media addict.

May halong banat o pasaring. Sa panahon na ang pakikipagkilala sa isang tao ay dinadaan sa isang kakaibang pamamaraan gaya ng mga one-liner at pick-up line, laging may koneksyon ang isang banat sa isang pangyayari gaya ng lindol, gaya ng dalawang ito:

“Lumindol ba? Or you just rocked my world?” (sabi yan ng isang tv commercial)

“Nagtatanong ka pa kung ‘Lumindol ba?’ E pagmamahal ko nga sa’yo hindi mo ramdam eh.” (ayon naman sa isang random post sa Facebook na nabasa ko lang kanina)

Hahahaha! Ayos ah. Kaso kung sobrang seryoso nga lang ng taong babanatan nito, good luck na lang. Baka mabasag pa trip mo nang wala sa oras.

“Di ko naramdaman!” Tapos masaya pa niya ito pinahayag. Yo, tuwang-tuwa ka pa ha? Pasalamat ka na lang na hindi mo napansin yun. Baka kasi humirit ka pa dyan ng “ang hina naman!” at iyun pa ang mas nakakainsulto sa lahat.

“Naramdaman niyo ba?” Ito ang medyo normal na itanong. Tunog-inutil man, may punto pa rin. Siyempre, concern sa inyo ang media. Dahil baka naman magmukha silang tanga kung nagbabalita sila at walang nakikinig sa kanila. 

Oo nga, naramdaman niyo ba ang lindol?

Kunsabagay, obvious nga naman ang reaksyon mo. DUH! Oo kaya!

Kaso, wag kang magtatanong ng ganito: “was that an earthquake?” 

Oo nga, lindol ba yun? Walang kasamang banat yan. Iba ito sa unang nabangiit. Yun ba? Kinekwestiyon mo ba ang abilidad ng lindol?

Lindol ba ‘yun? Hindi, baka umakyat lang nang bigla sa bahay niyo yung kasamahan niyong nuknukan ng taba. Oo, sa sobrang takot niya, ayun, nagpanik at pumanik, kaso maliban sa umaalog niyang taba ay naaalog na ang paligid. Sa susunod kasi, sa unang palapag lang dapat ang bedroom ng tropa mong sumo wrestler o sa susunod na magkaroon ng The Biggest Loser ay pag-auditionin mo siya.

Lindol ba ‘yun? Tignan mo ang bobblehead na figure sa bahay mo, kapag hindi sila gumagalaw, malamang yun na yun.

Lindol ba ‘yun? Hindi, baka may nagtatalik lang sa kapitbahay. Pero siguraduhin mo muna na: una, may naririnig kang ungol; at pangalawa, pag binuksan mo yung ilaw, siguraduhin mong titigil ang lindol nay an… at wala pang aftershock.

So, lindol nga ba talaga ‘yun? Kung tutuusin ikaw lang makapagsabi. 

Teka, hindi mo maramdaman yung lindol kanina? Suhestiyon ko lang: mag-apply ka bilang bellboy sa isa sa mga hotel sa Sta. Mesa nang maramdaman mo yan.

Author: slickmaster | ©2015 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!