18 January 2015

Thin Line: Faith vs. Fake

1/17/2015 8:56:24 AM

Sa panahon na andito ang Santo Papa sa ating bansa, dito lumalabo ang isang payat na linyang nagdidikta sa dalawang mundo? Tunay na panata nga ba o isang panatisismong dala ng komersyalismo?

Hindi naman ako nanunuligsa. Sa totoo nga, humahanga ako sa mga taong hindi inalintana ang oras, panahon, at ultimo ang pagiging produktibong mamamyan nila, para lang masulyapan ang bisita nating si Pope Francis.
At may ilan rin na pinalad na makadaupang-palad si Pope Francis. Nakakahanga rin, ano?

Hindi biro yun, at bagkus, maituturing na isa sa mga pinakamagandang alaala nila yan na madadala nila sa kani-kanilang mga buhay.

Walang masama dun. Maliban sa isang bagay ang pakay mo: ang pakikisabay lang sa agos.

Sinasabi ng marami na dapat ay sumabay tayo sa agos ng buhay. Siguro magiging tama lang ito kung bukal sa kalooban mo ang lahat-lahat ng bagay na nangyayari sa kasalukuyan. Kung kaya mo itong yakapin kahit gaano pa ito kapangit paminsan-minsan.

Kung may isang bagay lang tayo na dapat iwasan, yan ay yung ginagawa natin ang mga bagay-bagay for the sake na “nakikiuso tayo.” Mahahalata rin naman kung sino o sinu-sino ang mga yun e. Parang “pakikisama” lang.

Sa panahon rin kasi na ito, lumabas ang kaliwa’t kanang pakulo ng mga kumpanya at ultimong mga negosyo. Andyan ang mga bentahan ng mga parapernalya mula pamaypay hanggang panyo hanggang T-Shirt.

Meron din naman yung mga nag-oofer ng mga viewing venue nang libre. Walang masama dun.

Pero ito lang naisip ko, at para ito sa mga kumpanyang may kinalaman sa social media, pati na rin sa mga Public Relations o PR: bakit kaya hindi na lang lahat tayo magkaisa sa paggamit sa iisang hashtag, ano?

Halata kasing ‘pakulo’ rin ang iba e. Alam ko, nanghihikayat kayo ng mga tao, partikular ng mga Katoliko na maging parte ng selebrasyon kahit sa mga medium lang na ginagamit nila. At walang masama sa purpose na yun.

Sabagay, may rebuttal dyan: wala naman sa hahtag yan e. Nasa paniniwala.

Oo, andun nga tayo. Pero kahit naman magkasundo tayo sa ganung ideya, kung nasa panahon naman tayo na dinidiktahan ng social media ang takbo ng ating lipunan at buhay, bakit hindi tayo mag-unite sa paggamit niyan? Isantabi ang kumpetisyon, tutal pare-pareho naman tayo nagtatrabaho.

At sa totoo lang, iisa rin naman ang adhikain natin dapat, ‘di ba?

Yun ay ang mapukaw ang ating pananampalataya mula sa kanya at sa kanyang mensaheng pinapahiwatig: Mercy and Compassion, ika nga.

Author: slickmaster | © 2015 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.