Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

21 January 2015

Tirada Ni SlickMaster: Basura, Basura, Basura

1/21/2015 5:18:20 PM

Basura, Basura, basura.

Parang trapiko lang... isang problemang walang solusyon, o isang halimaw na walang kamatayan. Anumang araw, oras o okasyon, hindi ito nawawala at lalong hindi ito mawawala sa sirkulasyon.

At sa panahon na andito ang Santo Papa sa bansa, ito ang naging gatambak na problema.

Teka, ano pa bang bago dito kung tutuusin?

Wala naman, ‘di ba? Since time immemorial, mula sa mga makabayang rebolusyon hanggang sa ilang pagtitipon na may kinalaman sa mga sekta, hanggang sa mga simpleng gathering lang ng komunidad at ultimo ang piyesta. Pagkatapos ng mga kaganapan, ito ang unang problemang sumasalubong: basura.

Mga Pilipino nga naman, ano? Bagamat alam ko hindi kailanman naging patas ang mag-generalize, pero ito ang kadalasan ring masasabi ng mga tao, ke pumunta man sila sa Papal Mass noong nakaraang Linggo sa Luneta, o hindi.

Pero masyado raw naman yata tayo. Isipin mo: tinatayang anim na milyong katao raw ang andun. Tapos ang karamihan pa sa mga ito ay Sabado ng hapon pa lang ay nakaantabay na sa paligid ng Quirino Grandstand. Siyempre, dahil dun, marai silang dalang gamit at pagkain. At saan nila ididispose ito? Buti nga wala yatang nangahas na magtapon ng basura sa katabi Manila Bay eh.

Tapos... umuulan pa noong Linggo. Pagkatapos dumaan ng mobile ni Pope Francis, pustahan, nagsialisan na rin ang mga tao na sa kabutuhang palad ay hindi naman umabit sa stampede. At siyempre, kasabay ng paglisan ng marami ay ang pagiging basa nila sa ulan, at pag-iwan ng basura sa kkung saan-saan.

Kung tutuusin, hindi dapat maging excuse sa atin ang mga kaganapan e. Masyado nang nagpapalunod sa kumunoy ng kaignorantehan ang karamihan sa atin. 

Minsan nga, alam natin ang tama at dapat gawin pero pinipili natin ang mali gaya ng pagtatapon ng basura sa kung saan-saan lang. Bakit? Dahil lahat naman ay lumalabag sa batas. Parang mga bwakananginang tatawid sa lansangan kahit actually ipinagbabawal na ito (may karatula pa nga e), pati yung mga iihi sa mga lugar na nakapaskil na “Bawal Umihi Dito,” at ultimo ang pagiging mayayabang ng ilang motorista na haharurot kahit alam nang may tumatawid at tatawid na tao sa pedestrian lane.

Sa madaling sabi, ganyan tayo kapasaway. Aminin man natin o hindi.

O, nasaktan ka? Hindi ka ganyan? Tampalin kita dyan eh.

Author: slickmaster | © 2015 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!