Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

31 January 2015

Tirada Ni SlickMaster: M.I.A?

1/31/2015 7:02:07 PM



Is the President really missing in action?

Ito ang tanong na umaalingawngaw nitong nakaraan lang kasunod ng arrival honors sa 44 na mga kapulisang napatay sa engkwentro sa Mamasapano, Maguindanao.

Kung tutuusin, napakadaling itanong o sabihing, "OO, missing in action siya." Pero... ano nga ba ang nangyari kasi?

Pinutakte ng mga netizen ang pagiging absent niya sa Villamor airbase, at ultimo nang kanyang mga pahayag noong pagsipot naman sa necrological service.

Unahin muna natin noong Huwebes: ano bang meron bakit absent nga ba siya? 

Umattend sa isang opening ng planta ng Mitsubishi Motors sa Laguna. 

Sabagay, saglit lang naman ang biyahe mula Laguna papuntang Villamor, ‘di ba? Pero, nasaan nga ba ang Pangulo, ika nga ng nagtrend na hashtag sa Twitter?

Nasaan nga ba siya kung kalian kailangan siya ng bansa; as in sa panahon na talaga naming kailangan siya?

Nasa kasal nila DongYan ? Nasa interview ng Gandang Gabi Vice? (eh ‘di ba ang set naman nung episode na ‘yun ay nasa Malakanyang at hindi sa alinmang studio ng ABS-CBN broadcast center?) Nanuood ng isang blockbuster na pelikula sa Metro Manila Film Festival?

Nasa imbestigasyon ukol sa Martilyo Gang; o sa opening ng Jolibee sa Singapore? Pero wala sa arrival honors sa tinawag na “Fallen 44?” 

Anyare nga ba? Wala daw sa sched niya. Kunsabagay, para sa isang taong sumusunod sa schedule niya, bakit nga naman siya magme-make time?

Ano ka ba, e mga kawal niya ang nasawi! Napakahalaga nila dahil sila ang nagpapatupad ng batas, kapayapaan at kaayusan n gating bansa! 

Yun ang problema: napakahalaga nito kesa naman sa mga sasakyan.

Pero may hirit naman ang kabila: hindi kaya mahalaga din ang pag-attend niya sa planta ng pagawaan ng sasakyan dahil sa posibleng iambag nito sa eknomiya, partikular sa paglikha ng trabaho sa libu-libong katao?

Hmmm…

Kaya nga sa sobrang dismaya ng karamihan, inihalintulad ang kanyang gawain kay US President Barrack Obama, na sumaludo sa kanyang mga nasawing alagad. E siya?

Nasaan nga ba ang mga paryoridad ng isang commander-in-chief nun?

Fast-forward na tayo sa Biyernes, tutal nagpakita naman siya dun. At sa loob ng halos kalahating araw ay nakipag-usap siya sa bawat pamilya.

Yun naman pala eh. Hayaan na natin bumawi.

Well, okay na sana e. Mukhang may problema lang tayong matindi.

At ano na naman yun? Yung speech niya, may pagkaself-centered na naman.

Ganun? Ano namang bago dun kung tutuusin? Di ba parang since time immemorial naman ay ganun naman palagi ang laman ng mga talumpati niya? Kung hindi pasaring sa mga tiwali o mga nakaraang administrasyon ay may kinalaman naman sa legasiya ng kanyang pamilya?

Parang five years na natinh anririnig ang ganyan. Bagamat mayt mga matitimbang naman siyang sinabi na may kinalaman dun. Pero kung ako sa kanya, sabihan niya ang kanyang mga speechwriter na tama na ang ganung siklo. Nakakasura nang pakinggan, nakakasira pa ng imahe niya.

Oo, pramis.

Author: slickmaster | ©2015 september twenty-eight productions

1 comment:

  1. Mahirap mamuno ng kahit maliit lang na grupo, lalo pa siguro maging presidente dahil lahat na lang halos ng gawin mo pinupuna ng tao. Pero kahit ako nadisappoint dn kahit papano ng nalaman ko na hindi naman matter of life or death ang pinili nia over sa pagsalubong sa mga namatay. Hindi ko alam. Basta sana next election, Pinoys will make wiser decisions. And stop blaming those they voted. I still hope for a better Philippines kahit papano. :)

    ReplyDelete

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!