Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

17 January 2015

Tirada Ni SlickMaster: Undue or Long Overdue?

1/17/2015 7:46:23 AM



Isang pasabog na simula sa 2015, na dinaig pa ang mga magagarbong fireworks display mula sa iba’t ibang panig ng Kamaynilaan: Tuluyan nang naimplementa ang pagtaas ng presyo ng pamasahe sa mga pangunahing linya ng transportasyon sa National Capital Region – ang mga sistema ng tren.

Moreover, dun sa mga elevated railway system natin na Light Railway Transit (LRT 1 and 2) at Metro Railway Transit (MRT 3). Alam ko, nagtaas din ng pasahe ang PNR. Kaso, hayaan ko nang magsalita yung mga mananakay na dun tutal sila ang mas nakakaalam.

Aabot na sa 30 pesos ang Baclaran-Roosevelt na byahe sa LRT 1 (mula sa dating P20); samantalang P 25 naman para sa Santolan-Recto ng LRT 2 (na dati ay P 14); at P 28 naman para sa North Ave. to Taft Ave. na byahe ng MRT 3 (na dati ay P 15).

Malaki-laki rin ang diperensya ha?

Sinasabi rin na long overdue na ang pagtaas pasahe nito. Parang kelan pa dapat? 2010? Tapos kada taon ay may increase? Hmmm….

Pero sa kalagayan ng mga tren, riles at iba pang pasilidad, bakit nga ba ngayon lang ito naimplementa? Dahil maraming kumokontra rito noonpaman?

Kung tutuusin, okay naman sana kung magtataas ng pasahe. Pero parang one-time, big-time ang nangyari eh. Halos walang pinagkaiba sa isyu ng pagtaas ng kuryente noong isang taon.

Para naman raw ito sa pagkakaayos ng gamit nito. Ganun ba? 

Akala ko ba may nakalaang budget sa mga ito since time immemorial. ANYARE?

Yan ang problema kung mas pinagtutuunan pa ng pansin ang mga kalsada na araw-araw na lang na lumilipas ay napupuno ng mga sasakyan, maiitim na usok galing sa kaniulang mga tambutso at samahan na rin maiinit ang ulo na nauuwi sa mga gawian ng mga maiitim ang budhi.

Bwakananginangyan.

Mas pinopondohan pa yata ng gobyerno ang mga imprastraktura kesa sa palakasin ang sistema ng mass transportation sa atin, samantalang mas marami pa rin ang mga mananakay kesa sa mga may-ari ng mga sasakyan kahit sa kabila ng lumalaking datos ng mga nagiging motorista.

Nah, ultimong mga sidewalk nga na dapat ay lakaran ng tao ay hindi rin yata pinagtutuunan ng pansin e. Mas marami kayang mga nangyayaring road widening na dumarating sa punto na nagiging tamad na lang maglakad ang mga tao (hindi dahil sa likas na tamad sila, kundi dahil sa mas kumikipot na ang kanilang dinaraanan).

Pambihira.

May nasagap pa nga eh, sa kaso ng MRT. Hindi naman daw para sa improvement ng mga pasilidad ang intension ng taas pasahe. Aba, talaga? 

Bagkus, para raw ito sa nangangasiwang private firm. Sa malamang, makekwestiyon na naman ang PPP o ang tinatawag na Public-Private Partnership nito.

Pero nakakasa naman daw ang improvement sa 2015, ayon yank ay Department of Transportation and Communication (DOTC) secretary Jun Abaya.

Ganun? Bakit ngayong taon lang ito plinanong ipagawa, samantalang sandamukal na aberya na ang inaabot ng mga commuter mula pa noong mga nagdaang taon? 

Well, in fairness as LRT 1 and 2, kahit may mga sablay paminsan-minsan ay nag-iimprove; pero paano naman ‘tong MRT 3?

Alam ko, hindi sasapat ang mga LED screen na nakaimplenta dun. Aanhin mo naman yun kung ang nilalabas lang nun ay pawang mga hindi ganun ka-accurate na detalye ng mga susunod na byahe, at sa kaso ng LRT at MRT ay mga commercial lang?

Sa panahon na pumapalya ang mga bagon, riles, iba pang pasilidad at ultimong ang pagcontrol ng crowd, napapanhon ba talaga ang taas-pasahe?

Well, sana nga lang ay magdliang anghel ang DOTC secretary (na naging tampulan ng mga batikos dahil sa isyung ito) na mas bubuti naman ang serbisyo nito sa mga susunod na buwan. Dahil dapat raw ay mabawasan raw ang subsidiya ng pamahalaan sa kada pasahero na sumasakay rito.

Kunsabagay, parehong matitimbang na problema ang nakikita ko eh: kung sa gobyerno ito iaasa, hindi garantiyang bubuti rin ang takbo ng serbisyo nito, lalo na kung nababalot na katiwalian ang pamamahala sa kasalukuyan.

Eh paano pag pribado naman? Maganda nga, pero siyempre may kaakibat ito ng mataas na presyo. Ganun naman palagi eh. 

Either way, binentahan tayo ng suliranin. Nasa sa atin na lang yan kung tatangkilik ba tayo, makikipagduelo sa mga problema, o hindi.

Minsan nga, mas nakakakita pa ng mga magagandang alternatibo ang mga ito kesa sa nakagawian nila. Kahit sabihin pa natin na hindi makakailang mabilis ang byahe pag sa tren ka nakasakay.

Ngunit sa tingin ko, hindi naman mababawasan nang grabe ang numero nga mga pasahero nito. 

Andiyan na eh. Sa ngayon, hindi pa naman mapipigilan ng TRO mula sa Korte Suprema ang sigalot-slash-implementasyon na ito. At habang wala pang ganun, dalawang bagay lang yan: sasakay ka ba?

O hindi?
Links:


Author: slickmaster | © 2015 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!