Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

14 January 2015

Welcoming Him The "Epal" Way

1/14/2015 6:04:35 PM

Welcome to the Philippines, your respected Holiness.

Ayos sana, ‘di ba?

Kaso, teka, may umeepal na naman ba? Tulad ng mga naglipanang mga litratong ‘to sa social media.

todosabongga.blogspot.com

Facebook; GMA News

professionalheckler.wordpress.com

Teka, ano pa bang bago sa isyung ito, eh para namang dati pa, kung may mga bigatin tayong bisita mula sa ibang panig ng mundo ay nauuso ‘to ha?

Pero... “Welcome to the Philippines, your resepcted Holiness Pope Francis, from Governor/Mayor/Brgy. Captain (insert name here) and Family.” Kung pambarangay ang usapan, together with (insert names of barangay kagawad here; attached with their 2x2 full body picture). 

Eh paano kung pang-lungsod o panglalalwigan? Sa malamang, ibang usapan na yan. Mula city council hanggang governatorial.

Minsan nga, galing pa kay Congressman. PANALO.

Meron pa nga dyan na sponsored ng isang sikat na brand ng softdrinks e. Kaso nasasayang tuloy ang adhikain ng "goodwill advertising" dahil dyan.

Kaya nga naman mabilis sa pagpuna’t pagputakte ng mga tao – sa parehong tunay at birtwal na mundo – pagdating sa mga ganitong tarpaulin na kung tawagin ay “epal.”

Pero, may bago pa ba sa ganito? Mula pagbati ng Merry Christmas hanggang sa ilang congratulory remarks (yung non-verbal version ng “CONGRRRAAATULATIONS!” ni April Gustillos) hanggang sa mga pagbati sa ilang mga panauhin sa kani-kanilang mga lugar, uso na ang way ng pagbati nila. Usong-uso nga. Sa sobrang uso, nakakasuka na rin. Nakakaumay. Parang masasambit mo na lang, “Tangina! Kayo lang ba ang tao dito sa Brgy. Walang Balahibo Ibaba sa Mataas na Kahoy?” (Pero by coincidence pala, may nag-eexist na ganyang pangalan ng lugar kaya uso mag-Google bago niyo pagtawanan ang mga ganyan.)

Oo, since time immemorial, usong-uso ang pagiging “epal.” Buti nga ang kuya mo, kahit katakut-takot na kritisismo na ang ipinupukol ng publiko at media, bihira (kung hindi “wala”) mong makikita ang ganyang istilo sa mga billboard at tarp.

E itong mga ‘to, na galing pa yata sa kaban ng kani-kanilang mga bayan pa ang pinaggasta dyan?

Mabuti sana kung “Welcome, Pope Francis! From the People of the Philippines” (or to be specific, *insert name of city/province/barangay/district here*) ang nakalagay e.

Parang kayo lang nagbayad niyan ha?

Pero, hihirit din ang mga yan: “Masyado niyo namang minamasama ang pagbati namin. Bakit ganun kayo? Basta pulitiko ba, demonyo na sa mata ng simbahan?” 

So, kasalanan pa ng mga netizen ‘to, ganun? Hindi ba nila pwedeng idaing na “at least, patunay lang na binabantayan namin ang bayang ito, binoto man namin kayo o hindi,” ganun? Dahil minsan, ang ilan sa kanila ay pawang mga siraulo rin na gagawa ng isyu sa ngalan ng “mema,” o ika nga ng tropa ko, “may masabi lang.” Ganun ba?

Naku, sisihin ang stereotyping dahil dyan! 

Ito pa: “Kami naman nagbayad niyan ha? Hindi ito galing sa buwis niyo.”

Ows, ‘di nga!? Talaga lang ha?

O ito pa: Kung hindi yan galing sa inyo, e di sana hindi niyo na lang inilagay ang titulo na ginagamit niyo, no. Yung nga wala nas a pwesto ganyan ginagawa eh.

Pero siyempre, sa kabilang banda, puputaktehin pa rin ng iisang punto: namumulitika nang maaga.

Para wala nang away, dapat kasi naipasa na ang Anti-EPAL bill ni Sen. Miriam Defensr-Santiago niyan eh. Tapos na sana ang isyung ito kung ganun. Wala nang mag-aalburotong mga netizen.

Pero tangina, mahiya naman ang dapat mahiya! Bukas na ang dating ni Santo Papa oh. Kahit magpustahan pa tayo dito, isang bagay lang ang panigurado: ayaw niya ng mga ganyang isyu sa larangan na hindi niya gaano saklaw gaya ng pulitika.

Oo, tama na ang kaepalang yan. Mabuti pa batiin na lang natin ang Santo Papa nang naayon. Oo, as in ‘warm welcome.’

Author: slickmaster | © 2015 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!