1/31/2015 12:33:43 PM
Isang mabuti at masamang balita ang gumalantang noong nakaraang linggo: Isang terorista ang napatay. Pero tila ang kapalit naman nito ay 44 na magigiting na mandirigma.
Mga mandirigmang ang adhikain ay ipatupad ang batas. Mandirigmang naglalayon lang ng kapayapaan at kaayusan sa ating bansa. Mandirigmang hindi inalintana ang malagim na kakahinatnan ng kanilang misyon; basta alang-alang sa bayan.
Pulis man silang maituturing. Ngunit halos mga bagito kung tutuusin. Parang unang sabak mula sa kanilang pagtatapos sa akademya. Tila ang buhay nila’y pinaikli ng sagupaan.
Isang salpukan sa Maguindanao noong nakaraang Linggo. Habang ang iba’y nakatutok sa kung paano mananalo sa Miss Universe si MJ Lastimosa, ang ilang miyembro naman ng SAF ay naharap sa isang misyon – dakpin ang Osama Bin Laden ng Southeast Asia.
Sa kabila ng tila tagumpay ang misyon, sinawimpalad naman. Siguro, ika nga ng kasabihan, lahat ng utang ay may kabayaran. Kahit buhay pa ang maging bashean at halaga.
Isa nga namang nakalulungkot na balita. Aanhin mo ang nadakip na terorista kung nalagasan naman tayo ng otoridad, lalo na sa isang bansa na kinakapos sa taong tagapagpatupad ng batas?
Hindi biro ang isinakrpisyo nila. Kahit sa kabila ng mga usap-usapan; at kahit sa kabila ng sisihan. Walang kooperasyon mula sa nakatataas? Walang dumating na reinforcement o back-up? Hindi umattend si commander-in-chief sa kanilang arrival sa Villamor?
Ang tanong: kalian sila mabibigyan ng hustisya?
Hindi na bago pero nakakabulabog pa rin ang mga kaganapan. Kung ang bawat tao — anuman ang pulitikal na ambisyon at relihiyon — ay naghahangad ng kapayapaan, bakit kailangan pang makipagdigma? Kung lahat naman ay kaayusan ang gusto, bakit kailangan pang dumanak ng dugo?
Sa alinmang digmaan, ang tao ay tila nagiging manok. At ang sugal na laro ay nagiging isang sabong. Pagkatapos ng lahat nito, walang maitutring na tunay panalo. Dahil may mga buhay na mawawala. May mga kamag-anak at kaibigan ang magdadalamhati. Maraming mga ari-arian ang maabo at mawawasak ng apoy ay publura. Ang matitibay ay magibgiba. Ang mga matitigas ay manlalambot. Ang mga magigiting lang ang tanging matitira pero mababakas sa kanila ang danyos na kanilang natamo.
At ang mga sinawimpalad naman na gaya nila ay mamaalam sa mundo, magiging laman ng sarado na ataul.
Ulit. Saludo para sa 44 na magigiting na mandirigma.
Author: slickmaster | © 2015 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!