Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

25 February 2015

Anyare?!: EDSA After 29 Years

2/25/2015 12:34:40 PM


Bente-nuwebe anyos na ang rebolusyong nagdikta ng bagong republika sa bansang Pilipinas. Ang tinaguriang People Power Revolution na naganap sa kahabaan ng Epifanio Delos Santos Avenue, o sa madaling sabi, EDSA.

Oo, tao nga ang pangalan ng kalasadang yan. Tapos minumura niyo? Kapal niyo rin e no?

Pero 29 years after EDSA, anyare na?

Nagkaroon ng ilang kudeta, ilang kaso ng kontrobersiya at korapsyon sa mga nagdaang administrasyon mula sa asawa ni Senador Ninoy Aquino na si dating Pangulong Cory Aquino hanggang sa kasalukuyan – ang anak niyang si Pangulong Noynoy Aquino.

Pero after 29 years, ano na nga ba nangyari sa EDSA?

Nagtayuan na ng mga malalaking gusali, malalaking mall, mula North EDSA hanggang Galleria hanggang Megamall, Shangrila, Ayala, at Mall of Asia. Nagkaroon na rin ng linya ng tren.

Pero sa kabila nito, dumami rin ang mga sasakyan, kaya ang resulta ay trapik. At kahit magtayo ka pa ng kaliwa’t kanang mga underpass at overpass (o tunnel at fly-over), matrapik pa rin. Minsan pa nga, pag maluwag ay nakikipagpatintero kay kamatayan ang ilang sasakyan, partikular yung mga bus na walang habas kung humarurot. Daig pa yung mga jeep sa bandang Magsaysay Boulevard sa Pureza at Sta. Mesa.

At oo nga pala, binabaha na rin pala ito sa panahon ng tag-ulan (malamang, ala namang tag-init? Pero di rin kasi pangkaraniwang binabaha ang kahabaan ng EDSA dati e).

At dagdagan o pa ng MRT 3, na sa mga nakalipas na dalawang taon ay pinuputakte ng samu’t saring aberya na nagdulot naman ng pasakit sa mga mananakay. Imbes na mapadali ang biyahe ay mas napadali lang maubos ang pasensya nila.

Pero isantabi natin ang mga development at problema, ano na nga ba nangyari sa EDSA? Sa diwa ng pagkakaisa na naganap sa kalsadang ito, pati na rin sa mga naging epekto nito sa kabulang banda, at...

...naaalala pa nga ba ng mga Pilipino ang EDSA People Power Revolution?

Palagay ko, oo. Ngunit iilan na lamang ang nakapansin. Dahil malamang, iilan lang sa panahon ngayon ang mga makabayan, o at least yung mga nakikialam sa mga pangyayari sa bayan. At hindi mo ito makikita sa masa, bagkus sa mga ilang hanay sa nakatataas na antas ng ating lipunan.

Ang ibang walang pakialam? Ewan ko. Masisi ba natin silang lahat? Malay mo, nagsawa na silang umasa sa pagbabagong hinahangad nila sa loob ng ilang dekada. Baka yung iba ang piniling maging walang pakialam dahil sa nais na nilang mag-ibang bayan, oo isakatuparana na lamang ang kagandahan ng kanilang buhay. Nakakastress na nga kasi ang mga pangyayari sa bayan kaya sa totoo lang, mas pinipili nilang maging neutral o ituon ang kanilang oras sa ibang bagay na walang kinalaman ukol sa pagmamahal sa bayan.

Pero ito ang mas nakabuburyo e. 29 years after EDSA revolution, nagkandaleche-leche ang umaga ng karamihan. Malamang, traffic e. Sinarado ang ilang portion ng kalsada, partikular mula Crame hanggang Ortigas. Kaya ang mga motorista’t mananakay ay either dumaan sa ibang ruta, o nagtiis maghintay, o lalo na ang maglakad.

Ito kasi ang unfair dyan e: mga nagtatrabahong nilalang ;lang ang may pasok, yung mga estudyante, wala!

As if naman may alam ang mga bata ukol sa araw na ito, ano? Para i-spare sila mula sa traffic? 

Para malaman ng mga to na isang mahalagang araw sa kasaysayan ang EDSA People Power Revolution? Nah. Pustahan tayo, walang pakialam ang mga bata. As if naman nakaboto na ang ilan sa kanila e no?

Baka nga ito lang din maging dahilan nila para manood ng isang sikat na rom com movie dahil andun ang kanilang paboritong love team na (sorry ha?) overrated dala ng sobrang atensyon na binigay ng isang kilalang TV network sa kanila.

Kung seryoso talaga sila sa diwa ng EDSA, bakit hindi nila gawing special nonworking holiday ang Feb 25, lalo na ang Pangulo ngayon ay anak ng dating angulo na nagtaguyod nito?

Ah, dahil babagsak ang ekonomiya? Ganun? Dahil darami rin ang magiging tamad na Pinoy? Ganun?

Hindi rin. Siipin mo: ang mga bata, walang pasok, ang mga magulang – na mas may nilalaman ukol sa rebolusyong ito, meron. Ngayon, paano matututo ang bata, maliban sa kanilang mga guro? Paano nila malalaman ang diwa ng araw na ito, kung busy sila?

Nakakagago naman ‘to e.

Author: slickmaster | © 2015 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!