2/1/2015 12:03:26 PM
Isa sa mga nabalita na may kinalaman sa dahilang (what?!) hindi nanalo si MJ Lastimosa sa Miss Universe noong nakaraang linggo ay ang kontrobersiya naito: ang kanyang national costume na pinagawa raw ni Stella Marquez Araneta sa isang Colombian designer.
Hindi raw pumasa sa pamantayan ni Araneta ang mga gawa ng local na designer natin.
Teka: Pilipinas ang irerepresenta, ‘di ba? Bakit mo ipapapagawa sa banyaga?
Ano ito, senyales ba na hindi ka ganun katiwala sa mga gawa ng mga local na fashion designer natin? Ganun? Mantakin mong yung iba nga na kalahi natin ay sinusuot ng mga Hollywood celebrities.
Sabagay, kanya-kanyang taste kasi yan e. Pero, bakit mo ipapagawa sa banyaga yun? Parang hindi maganda ang dating ah. (at hindi maganda ang tem ng “luto,” gaya ng mga resulta diumano ng final 5 rankings sa katatapos lanag na patimpalak sa Florida noong nakaraang Linggo ng gabi)
Pero, hindi ba maganda ang gawa ng sarili nating mga designer? Hmmm… Masyado nang elitsta para pag-usapan ang fashion. Pero siyempre, kasi, kung sa international beauty pageant lang naman ang usapan, dapat maganda ang kasuotang irerepresenta.
Pero para ipagawa ito sa banyaga? Hmm, parang ang dating sa akin ay yun din ang dahilan kung bakit nanalo ang Colombia. At hindi kataka-taka dahil sa damit pa lang, panalo na.
Our design here is not good.
Ows, talaga lang ha?
Seems like “colonial crab at its best.” Oo, magkahalong colonial mentality, at crab mentality ang dating nito sa akin. Colonial dahil since time immemorial, nasa nakasanayan na rin kasi ng lahi natin ang pagtangkilik sa mga foreign brand – and at the same time, yung pagtakwil natin sa mga gawaing lokal. Parang halimbawa: yung isang tao na nilalait ang sapatos na gawang Marikina sa sapataos tas puring-puri sa may tatak na gaya ng Kickers, Jarman at iba pa.
At crab mentality, kasi sa sinabi mong pangit ang disenyo ng Pinoy (in general), sa kabila pa to ng mga nag-uusbong ng mga magagaling na Filipino designer dito sa bansa at saan pang lupalop ng daigdig na ito.
Tindi mo rin,ano?
Author: slickmaster | ©2015 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!