Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

14 February 2015

Hugot Pa More!

2/8/2015 1:46:43 AM

Ang EMO nung kamakailanlang, HUGOT na ngayon.

Dahil buwan ng pag-ibig (daw) ngayon, malamang, marami na naman ang magiging emotra’t emotero. As in lahat na lang ng bagay na may kinalamn sa pag-ibig ay may kinalalagyan na pinanggagalingan na kung tawagin ay #hugot.


Teka, may bago pa dito? Samantalang nung ber months, habang papalapit ang Pasko, ay nauusorin naman ito ha? Oo, para sa mga taong nalulumbay nun dahil either: una, LDR (long distance relationship) sila ng jowa niya; or pangalawam, single siya at miyembro ng SMP (Samahan ng mga Malalamig ang Pasko).

Okay, ‘tis the #hugot season to be not so jolly.

Ngayong papalapit na ang Valentine’s Day (ugh), malamang ang krusada ng mga taong may pinaghuhugutan ay magtutuloy-tuloy. Wag nga lang sana umabot ng Semana Santa, ano?

Oo, pustahan, marami na naman dyan ang magbibitaw ng mga kataga na medyo malulungkot at malalalim. Huwag ka na nga lang magtaka kung saan nila nahugot yan, dahil mamaya ay iba pa ang maisip mo (o maisip nila) kung saan nila hinuhugot yan.

Basta. Hugot pa more. Yan napapala mo sa kapapanood ng mga madadramang palabas eh. Gaya nung sa That Thing Called Tadhana. (Hoy, in fairness, matindi sa malupet ang pelikulang ‘to ha? Oo, literal na maraming pinaghuhugutan ang mga linya eh.)

Pero kidding aside, lagi namang may pinaguhugutan ang mga tao e. Lalo na kung emo hour na. Kung tatanungin si Ramon Bautista, ayon sa kanyang librong “Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo?” ay madalas sa mga oras sa madaling araw (mga alas-2 hanggang 6 ng umaga lang naman) naglalabasan ang mga pang-emo na post. As in yung sobrang emosyonal. Kung bakit? Ewan ko, obserbasyon niya yun eh.

Dinaig pa ang mga multo kung magparamadam e no? Sabagay, kung pagbabasehan naman ang mga chic flicks, at typical na palabas, pawang twing dis oras ng madaling araw nangyayari ang alinman sa dalawang bagay: naglalampungang mga magsyota/mag-asawa (na obviously ay nagpapakita ng masayang emosyon, unless rape pala ang eksena); o yung mga taong (partikular, mga babaeng) umiiyak sa isang sulok ng kama habang nakatalukbong sa kanilang katawan ang kanilang kumot na ginawa niyang instant larger than life version ng panyo. Pero kung tutuusin, mas nangyayari sa tunay na buhay ang eksenang ito.

O basta, napapaisip dahil hindi nakatulog. Ayan, kakaoverthink mo kasi, nastress ka tuloy sa pag-ibig at kung anu-ano pa ang binibitawan mo.

O siya, hugot pa more.

Author: slickmaster | ©2015 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!