2/22/2015 4:02:58 PM
Philippine News |
Sa wakas, matapos ang sandamukal na patutsada sa isa’t isa, tuloy na tuloy na raw ang pinakahihintay ng lahat. Ang megafight. Sa sobrang blockbuster nito, ang tila “usap-usapan” lang sa pagitan ng dalawa sa mga pinakatanyag ng boksinergo sa kasalukuyang panahon ay mas mainit pa sa kumukulong lava.
Oo, ang sagupaang Floyd Mayweather at Manny Pacquiao, sa Mayo a-2 na ng taong ito magaganap! (Mayo a-3 oras sa Pilipinas; at take note: ang tatlong malalaking TV network ay nakipagsainib pwersa sa Solar Sports para i-cover ito.)
O tapos, ano na?
Malamang, marami na naman ang magiging sidedish na hype stories ang laban na ito. Daig pa ang mga promo videos, face off confrontation sa UFC, at utlmong mga binibuild up na script sa WWE, ang magiging promotion ng laban na ito. Tignan mo nga, kaliwa’t kanan pa rin ang trashtalkan nila sa isa’t isa. Ke pera man yan, drug test, race, kaduwagan, o kung anu-ano.
Pero ano naman kung matutuloy ang laban na ito? Para bang Philippines versus USA ba ang peg na tio? Considering na nationalistic ang laging kulay ni Pacquiao sa kada laban niya. Oo, kahit actually, ang mundo ng professional boxing ay pera-pera.
Mayweather versus Pacquiao. Parang long overdue na nga talaga ang usapang ito. Kaya nga siguro sa sobrang inip, maliban sa pumili ng ibang kalabn, ay tumakbo na lang ito bilang kongresista, at nagpadraft at naglaro sa PBA.
Habang si Mayweather naman, na aniya’y naduduwag ay pumapatol sa kung-sinong boksingero na lamang. At kung anu-anong kagaguhan ang pinapauso sa social media laban sa pambangsang kamao.
Sige, pasaring dito, pasaring doon. Trashtalk sa kaliwa, rebuttal sa kanan. Pucha, daig niyo pa yung mga rapper sa Grind Time at FlipTop ah.
Tapos, ano na ang hatian. Pustahan tayo, isa dyan ay gusto malaki ang makuha. At baka kahit matalo pa lalo, ay hindi siya malulugi pag nagkataon.
One time big time nga bang maituturing ang laban na ito? Sana. Kasi sa sobrang nakakaburyo, tingin ko, hindi magpapatalo ang ni isa sa mga ito. Malamang, ganun dapat ang kumpetisyon e, lalo na sa isang sport ng machismo na kung tawagin ay boxing.
Kaso nung nagkasalubong nga sila sa isang NBA game, akala mo kung sinong maamong tupa, e no? Parang nabahag ang buntot. Parang yung sinasabi niya sa Instagram o YouTube ay bumaligtad. Ahjh, nanghingi ng number para sa negosyasyon, at tinuloy ang usapan sa isang hotel (pero hoy, walang malisya dun; nakarinig lang tong mga ‘to, mapaghusga talaga kayo e no?).
O tapos, anon a. Tuloy na ang laban nila. Nagkapirmahan na sila ng usapan.
Sige, hit it Michael Bufford: LLLLEEETS’ GET RRREAADDY TO RUUUMBBLLEEEEEEEE!!!!
Author: slickmaster | © 2015 septmber twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!