Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

10 February 2015

New Year's Resolution Kuno

1/24/2015 4:57:48 PM

(This is a late post.)

Kung tutuusin, hindi ako naniniwala sa New Year’s Resolution. Dahil para sa akin,para lag itong isang papel na minsan mo lang babasahin, tapos ipapasa kay titser, at hindi mo naman maiisip yun masyado kinabukasan (at kung sakali mangibalik sa iyo ng titser mo ang papel mong naglalaman ng mga “New Year’s Resolution ay baka itapon mo lang din sa basurahan ito ke perfect 100 man ang marka mo o isang tumataginting na palakol).

Nakakapagtataka nga kung bakit pa tayo gawa nang gawa ng mga ganitong bagay samantalang hindi naman natin nasusunod ang mga ito? Maliban na lamang kung isa kang napakadisplinadong mamayan. (Dyan, hanga ako.)

Niloloko lang naman natin ang sarili natin eh.

Ulit, hindi ako naniniwala sa mga new year’s resolution. Pero alang-alang sa pagiging mapakels ko sa bayang aking ginagalawan, o siya, sige na nga... gagawa na rin ako nito.

Hindi na ako sasakay sa mga pampasaherong tren maliban na lang sa LRT 2. Ang taas na nga ng pasahe, pero ganun pa rin naman ang serbisyo. Ang liliit pa rin ng mga tren. Nagsisiksikan pa rin kaming mga mananakay. At hassle pa sa blockbuster ang pila para lang kumuha ng ticket. Maliban pa sa sumakit pa ang tiyan ko sa kakahigpit ng sinturon para sa aking budget.

Aanhin mo ang taas pasahe kung hindi naman nababago ang serbisyo nito? Nakakagago lang.

Ops, kaya ko inexempt ang LRT 2, hindi dahil no choice ako. At least, kahit papaano naman ay matino-tino ang linyang ito. Malalaki pa ang kanilang mga bagon. At hindi hassle tumawid.

Magiging maalam sa kalye. Iiwasan ko na ang mga rutang nagiging punot dulo ng mga maiinit ang ulo twing rush hour. Mahirap na. Baka ultimo ang commuter na tulad ko ay manapak ng mga naguumpugang drayber dahil lang sa nakakabala sila sa amin na halos magkumahog na sa pagmamadaling makapasok sa opisina.

May beast mode ka pang nalalaman, tangina duwag ka rin naman nung hinahamon ka na ng suntukan eh.

Pangatlo. Manantiling hindi magsisimba. Alam ko, kahit nasulyapan ko ng saglit ang Santo Papa ay hindi ibig sabhin nun ay agiging banal na ako. Sa totoo nga, marami nga dyan ang matibay ang pananampalataya sa itaas kahit actually, hindi palasimba masyado. Samantalanag marami namang tarantado ang nagtatagosa puting cloak at ginagawa ang isang akto na ‘sagrado’ at mapagyabang at mapaghusga sa kanilang kapwa samantalang hindi naman yun ang turo ng Simbahan.

Magpakatotoo nga tayo.

Mananatiling wapakels sa mga mabababaw na isyu. Tangina, ang daming problema ng mundo na dapat nating solusyunan, bakit pa natin puputaktehin ang pagkagat ng aso ni Kris Aquino sa kanyang anak na si Bimby? Gayundin naman ang pagsabi ni Iya Villania na ‘virgin’ pa raw siya bago nagpakasal kay Drew Arrelano. Ano naman kung ganun? May mapupulotba tayong aral sa mga ganung isyu?

Mainialang may forever.Obvious naman kung bakit may ganung salita, di ba? Oo, may forever pa rin kahit pagkatapos ng Forevermore ay Two Wives (tanginang mga programming set-up yan oh). Oo, may forever pa rin kahit ayon sa kanta ni Ed Sheeran ay magmamahal lang siya hanggang 70. 

Ay, hindi ka naniniwalang may forever? Bumili ka ng libro ni Senator Miriam Defensor-Santiago. Yan ang magpapatunay na: una, may forever talaga; at pangalawa, ikaw yung tinutukoy niya na ‘forever.’

Oo, stupid!

Author: slickmaster | ©2015 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!