Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

11 February 2015

PNoy Resign?!

2/7/2015 8:54:52 PM

Dahil sa samu’t saring mga pangyayari sa pamahalaan na nagpapakita ng pagiging incompetent ng administrasyon, lualawak ang mga panawagan na dapat ay magresign na si Pangulong Noynoy Aquino.

Ganun?

Bakit, ano bang nagawa ng kuya mo at ganun na lamang ang pangggalaiti ng karamihan?

Ito lang naman: hindi pagsipot sa arrival honors ng kanyang mga akwal. Isipin mo, 44 na buhay ng mga taga-PNP-SAF ang nawala. Tapos, inuna mo pa ang pag-attend mo sa isang pabrika ng sasakyan sa Laguna kesa sa isang napakahalagang kaganapan gaya ng pagbigay-repseto sa mga naulila ng Fallen 44?

Samantalang yung mga event na wala naman kaato-atoryang gaya ng pagguest sa Gandang Gabi Vice at pagdalo sa kasalang Dingdong at Marian ay inatupag pa niya?

Teka, wag ka naman masyadong harsh; imbitado siya dun e.

Yun nga e. Okay sana kung atendan niya ang mala-showbiz na gathering; kaso, paano tong mga importanteng lakarin na talaga namang may halaga para sa bayan.

Ganun? Ito pa raw ang masaklap: ang kanyang mga talumpati sa samu’t saring mga kaganapan. Halos iisa ang siklo o tema: kung hindi pasaring sa nakaraang administrasyon, ang paglalahad naman sa mga nagawa ng kanyang pamilya sa bayan.

Teka, minsan siguro okay ang ganun. Kaso, wag naman gawing palagiang parte ng talumpati ang pagtira sa Arroyo administration at pagiging Auqino-centric. Nakakaumay din e; parang mga commentator lang na kung sakaling wala silang masabi ukol sa paksa na kanilang tinatalakay, ay nagbabanter na lamang sila o nagpe-premium (termino yan para sa pag-endorse ng kani-kanilang mga commercial).

Besides,nakakasawa naman talaga yun; lalo na kung wala naman kinalaman ang mga ganoong elemento sa mga pinagdadaluhan niya.

Sabihin na natin na partlyto blame si Pnoy dahil dun, ngunitsa totoo lang, dapat ang mas putaktehin sa ganun ay ang mga speechwriter niya. Kahit sabihin kasi natin na ang presidente naman ang magdedeliver niyan e kaya choice nyang basahin yun o hindi, e sa totoo lang kasi, yungmga manunlat din yun ang may-sala kung bakit pumapangit ang imahe ng commander-in-chief.

Siyempre, hihirit naman ang kanyang defender: kayo kaya maging presidente? Try niyo, kahit isang araw lang.

At sa kabilang banda naman: ito lang yan – kaya nagagawa nilang magcriticize o magsabi ng kanilang mga kuro-kuro (kahit sa totoo lang ay mga asal-gago din ang ilan na mga ad hominem lang ang mga kumento nila) sa pangulo, dahil malamang, nasa demokratikong lipunan tayo, at siya ang representante ng bawal isa sa atin. (Dahil ang demokratikong gobyerno ay mula sa atin.). At lalo na siguro kung binoto mo yan, kaya may mas higit na karapatan kayo na punahin ang kapuna-puna sa kanya.

Pero, para mag-resign? Hmm, ito kasi e. Pag yan nag-step down talaga, sino naman ang magtetake over? E karamihan naman ay ayaw din kila Roxas at Binay dahil sa kani-kanilang mga kaliwa’t kanang kontrobersiya?

Isang taon na lang ang nalalabi para sa kuya mo; siguro, ang dapat ipaalala sa kanya ay magtrabaho na lamang nang maayos para sa mga “boss” niya. Oo, kung boss niya tayo, dapat marunong siyang makinig sa mga utos ng kanyang mga mamayan.

Besides, masyado na rin tayong cynical. Kung mapapansin mo sa mga nakaraang administrasyon. Laging may kadikit na pasaring? Parang ganitong klaseng visious cycle (ayon na rin sa tropa ko sa pagsusulat) 

Si Cory? Tangina, Nakalaya nga tayo, may kudeta naman. Tas tister lang, hindi marunong magpatakbo ng bansa; at puro pabor pa sa mga kaanak niya ang ginagawa. Si FVR? Dinaya naman niya si Miriam sae 1992 elections eh! Tagos lagalag pa, kurakot din sa PEA scam! SI Erap? Pucha, corrupt din naman yan e. Mahilig sa sugal Kaya naimpeach! Babaero pa! Si Gloria? Yan talaga, strong republic nga, corrupt din. Mas gahaman pa kesa sa mga nauna sa kanya! Nandaya pa sa 2004 elections!

At itopa ang idadagdag: si Pnoy? Asus, kaya lang naman nahalal yan dahil sa simpatiya e. Wala naman nagawa sa Senado. Tapos walang malasakit sa kapwa niya. Abnoy pa. Kaya di pa nagkakaasawa eh.

Pero ‘oy, foul naman siguro yung huling statement.

Tama siya: kailangang matuldukan na ang vicious cycle na ganito, dahil panigurado sa 2016, kung sinuman ang magiging head of the state natin, tiyak na may ipupukol sa kanya.

Kaya sa totoo lang, wag mo lang sisihin ang gobyerno ng Pilipinas. Yung nkaupo ba. Dahil sa totoo lang, baka ikaw rin mismo ay wala ring nagawang matino para sa bayan mo. Baka nga ultimo pagtatapon ng basura sa tamang lugar e hindi mo magawa. Baka nga hindi ka pa nagbabayad ng tamang buwis, o tumatawid sa tamang tawiran, o sumusunod sa batas-trapiko.

Dahil ulit, ang demokratikong gobyerno ay pinapatakbo rin ng isang tulad mo.

Author: slickmaster | ©2015 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!