Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

15 February 2015

Snappy Answers to Stupid Lovelife Questions (The Pre and Post-Valentines Edition)

2/15/2015 9:59:27 AM

Alam ko, sa panahon na sinusulat ko ito ay halos sampung oras na mula natapos (sa wakas!) ang isa sa mga PINAKAMAHALAGANG holiday sa ating mga Pilipino, ang Valentine’s Day.

Ngunit sa totoo lang, halos lahat naman ng mga holiday ay may hangover sa ating isipan e. Aminin natin, at pustahan pa tayo: bukas, malamang yan ang numero unong usapan. At ang ating pambugad na tanong sa ating mga kaeskwela/kaopisina ay “Kumusta ang Valentine’s Day mo?”

May sagot din ako d’yan. Abangan nyo na lang mamaya. Meantime, ito ang ilan sa mga istupidong tanong at nararapat na sagot kapag sa sususnod na taon ay may bibira sa’yo. Salamat sa isang astig na romcom movie (na hindi ‘chick flick’)na pinanood ko kahapon; isama na rin natin ang ilang mga banda sa indie na pinakinggan ko, at libreng beer sa isang music and coffee bar dun sa Fashion Hall ng SM Megamall (yung katabi ng Fully Booked), at sa tropa ko na naging kaututang dila ko mula komiks hanggang sa mga pelikula ni John Lloyd, hanggang sa pagbasa ng body language ng bawat lalake at babae, hanggang sa kung anu-ano pang bagay na nananatili sa baliw na mundong ibabaw.

Para sa mga may hang-over.
Siya: Pre. May kadate ka ba ngayong Valentine’s Day?
Ako: Wala. Bakit?
Siya: Tangina, ang boring naman ng buhay mo. Araw ng pag-ibig, wala kang ka-date?
Ako: Kung araw-araw ay magmamahal ka, ibig sabihin nun araw-araw din ang araw ng pag-ibig; kaya yang Valentine’s Day niyo na ‘yan, tangina, tigil-tigilan niyo, ha?
---
Siya: Tol, uso lumabas. At uso rin na ayain si (insert name of gurlaloo) here.
Ako: Tol. Una sa lahat, hindi ako desperado; Pangalawa, hindi ako naghahanap ng ka-date; at pangatlo, ikaw yata ang may problema. Aminin mo: dateless ka no? At gusto mo siyang ayain?
---
Siya: Yo, wala ka bang chicks ngayong Valentine’sDay?
Ako: Wala. Dahil hindi naman ako nag-aalaga ng sisiw e. Tao ang inaalagaan ko, hindi gaya ng mga pautot ng iyong machismo.
---
Siya: Dateless ka? Tangina, ang bitter mo.
Ako: Dateless lang, bitter na kagad? Di ba pwedeng tanga ka lang talaga?
---
Siya: Hijo. Wala kang kasama dito? Di mo ba napapansin, puro couples kami dito?
Ako: Oo. Napapansin ko. E ano naman ngayon kung ako lang single dito? May batas ba sa lugar na ‘to na nagbabawal sa aming mga single? O naiinggit ka lang sa akin dahil ang lagkit ng tingin ng syota mo sa akin ngayon?
---
Siya: Hi. Date naman tayo!
Ako: Tao tayo ha? Hindi petsa.
---
Siya: Alam mo ba, ang mga single at dateless palagi tuwing Valentines, sila yung mga tumatandang binata at dalaga?
Ako: Talaga? Saang pag-aaral mo nasuri yan? Sa mga gaya ng (insert company name here) na wala nang inatupag kundi magpa-survey sa mga tao at ipa-sensationalize sa media?
---
Siya: Dapat may kadate ka ngaong Valentine’s Day.
Ako: Hindi na. Isang araw lang naman ang Valentine’s Day. At gaya ng ibang mga araw na pinagdiriwang, LILIPAS DIN YAN.
---
Siya: Lahat kami ng mga kabarkada mo, may dine-date ngayong Valentine’s Day. Dapat ikaw din.
Ako: Ah, okay. So ang sa lagay na sa ating circle of friends ngayon ay pre-requiste na pala ang dating partner, na para bang requirement siya sa isang major subject? Ganun?
---
Siya: Alam mo ba, ang mga single ngayong Valentines Day ay parang mga ampalaya…. Ang bitter.
Ako: At alam mo ba, kung hindi ka titigil sa pambibira sa akin porket single at dateless ako ngayong Valentine’s Day, ay palalamunin kita ng ampalaya? 
---

Siya: May batas kami dito pag Valentine’s Day: bawal ang walang kapartner.
Ako: Asus, okay lang yan. Nasa Pilipinas naman tayo na kung saan ang mga tao ay hindi sumusunod sa batas. Kaya “Bawal ang Walang Kapartner” mo mukha mo.
---
Siya: Alam mo ba, ang mga single ngayong Valentine’s ay bitter?
Ako: Huwag kang tarantado, at huwag mong lahatin na ang mga taong yun ay bitter. Hindi lahat ng single ay bitter, gaya ng mga pagsasabi ng ilan sa inyong mga babae na ‘lahat ng mga lalake ay manloloko.’ Malay mo, yung iba ay busy at walang panahon para makisabay sa pautot niyo; at baka naman yung iba ay sadyang allergic lang sa Valentine’s dahil sobrang commercialized na ang lahat-lahat!
---
Siya: Hoy. Ayain mo naman si (gurlaloo) at magdate naman kayo.
Ako: Ikaw na lang makipagdate sa kanya tutal ikaw naman ang nag-suggest.
---
Siya: Bakit hindi mo ko inayang i-date noong Feb. 14? Wala kang Puso!
Ako: Akala mo lang wala, pero meron! Meron! Meron!
Siya: (aakmang sasamplalin ako)
Ako: (sabay hawak ng kamay niya at sinalag ito pababa) Hindi nga lang ito tumitibok para sa ‘yo.
---
Siya: Alam mo, dapat talaga may kadate ka nitong Valentine’s Day.
Ako: Oo, nakipagdate naman ako ah. Sa anino ko nga lang, pati ang kama ko, at dalawang box ng pizza na inorder ko.
---
Siya: Lahat kami may kadate; barkada mo, mga college friend mo, at ultimong mga kapatid mo. Ikaw na lang yata sa limpak-limpak na populasyon sa Marikina ang wala. Hindi ka naman siguro pangit, ano?
Ako: Oo. Dahil lahat tayo, magagandang nilalalng sa ating sariling karapatan; pero alam mo, hindi ako makikipagdate para sabihing ‘in’ ako. Wala akong pakialam kung mag-isa ako ngayong Valentine’s Day.
---
Siya: Bakit wala kang kadate nitong Valentine’s Day? Wala ka bang minamahal?
Ako: Meron. Binigyan ko ng rosas ermat ko, nilibre ko ng alak erpat ko, nagwrestling kami ng kapatid ko na lalake, at ginawa naming referee dun yun kapatid naming na babae. AT SAKA kalian ba naging kasalanan ang mahalin ang sarili ha?
--- 
Siya: Hoy, Valentine’s Day kahapon ah. Hindi mo dinate si (gurlaloo)?
Ako: Hoy, don’t say bad words.
---
Siya: Yo. Happy Valentine’s Day palasainyo ng kadate mong imaginary friend ha?
Ako: OO. Happy Valentine’s Day. Huwag kang mag-alala dahil bukas, yung mangyayari sa amin ng ex-jowa mo.
Siya: Ha? Ano yun.
Ako: Maghihiwalay din!
---
Ay. Oo, nga pala, ano?
Siya: Kumusta Valentine’s Day mo?
Ako: Ayun, valentine’s day pa rin. Walang kwenta. Araw ng mga psuo. Sana meron ding araw para sa utak, atay, balun-balunan, mata, bunganga, bibig, boobs, at ultimong sex organ.
Author: slickmaster | ©2015 september twenty-eight productions

9 comments:

  1. Haha. answers really makes sense, well. tapos na nag valentines day, ang iinitindihin nalang ng mga tao ngayon ay paano kumita ng pera :)

    ReplyDelete
  2. hahaha, funny but true. Anyway, whatever the case is, it is just a matter of live and let live.

    ReplyDelete
  3. Naaalala ko tuloy ang taunang sinasabi ng tatay ko sa mga walang pang-Noche Buena: Gigising nang alas dose, tutunganga't magtatampo sa Dios dahil sila e walang panghanda, samantalang ang mga kapitbahay e meron. Sana e hindi na laang gumising at pinalipas ang alas dose.

    Pwedeng gamitin rin dito iyan. Ang pinagkaiba laang sa Valentine's e isang buong araw iyon kaya't hindi pwedeng itulog. Ang pwede e ang sumagot sa mga engot na tanong, gaya ng sinasabi mo. Hehe.

    ReplyDelete
  4. Valentines was never really a big of a deal for me. To each his own, I guess. :)

    ReplyDelete
  5. Siya: Hijo. Wala kang kasama dito? Di mo ba napapansin, puro couples kami dito?
    Ako: Oo. Napapansin ko. E ano naman ngayon kung ako lang single dito? May batas ba sa lugar na ‘to na nagbabawal sa aming mga single? O naiinggit ka lang sa akin dahil ang lagkit ng tingin ng syota mo sa akin ngayon?

    hahaha Boom Wasak! :))

    ReplyDelete
  6. LOL! Single lang, walang personalan :-)

    ReplyDelete
  7. Haha! Favorite ko 'to

    Siya: Yo, wala ka bang chicks ngayong Valentine’sDay?
    Ako: Wala. Dahil hindi naman ako nag-aalaga ng sisiw e. Tao ang inaalagaan ko, hindi gaya ng mga pautot ng iyong machismo.

    Ayoko rin ng term na chicks eh. :P

    ReplyDelete
  8. Nakaka tuwang balik-balikan tong blog mo. Pangpa good vibes!
    Ang saklap nito:
    Siya: Bakit hindi mo ko inayang i-date noong Feb. 14? Wala kang Puso!
    Ako: Akala mo lang wala, pero meron! Meron! Meron!Siya: (aakmang sasamplalin ako.)
    Ako: (sabay hawak ng kamay niya at sinalag ito pababa) Hindi nga lang ito tumitibok para sa ‘yo.

    ReplyDelete
  9. HAHAHA Natatawa ko sa karamihan ng post nato. HAHAHA Goodvibes! :)

    ReplyDelete

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!