Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

11 February 2015

The Unfollowed Silence

2/8/2015 12:49:10 AM

Hmmm, ano pa ba nga bang bago? Kada kilos o salita ni Kris Aquino ay paniguradong news item. 

Oo, kahit sa usapin ng pag-unfollow sa mga tao sa social media.

Bakit ganun? Malamang, dahil maliban sa utol ng president natin na at anak ng yumaong president Corazon Aquino at Senador Ninoy Aquino; ay siya lang naman ang isa sa mga pinakamabokang personalidad sa larangan ng showbiz sa Pilipinas.

Kamakailanlang, sa pagiging apketado niya sa mga batikos ng publiko kay Pangylong Noynoy Aquino, nag-unfollow siya ng mga taong sinusundan niya sa kanyang Instagram account. Naglabas pa siya ng isa pang post na tilamay pasaring ukol rito.

At sa palabas niyang Aquino and Abunda tonight, ay may sinuot siya na statement shirt.

Hmmm, silence? Talaga? Para sa tinaguraing “Queen of all media,” na sa bawat araw ay maririnig mo siya magsalita mula sa kanyang umagang talk show hanggang sa kanyang mga commercial hanggang sa isa pangtalk show kasama si Boy Abunda, silence?

Kunsabagay, ang bibig ng taong maboka ay tumitikom rin naman paminsan-minsan, lalo na siguro kung siya naman ang pinuountirya ng intriga, batikos, at bagkus sa halip na pumatol ay pipiliin niyang manahimik.

I get it: natural lang naman para sa isang miyembro ng pamilya na ipagtanggol ang kasama; lalo na kung ito’y pinupuntirya ng hindi magagandang bagay; gaya na lamang ng batikos dahil sa diumanong pagsipot sa arrival honors sa Fallen 44.

Kaya ang sinumang nabasa niya sa news feed na may kinalaman sa balitang yun, at kung naglalahad sila ng pagbatikos laban sa kuya mo, ay inunfollow na niya. Kabilang na dun sila Judy Ann Santos, at Regine Velasquez.

Bagamat nagbigay ng paumanhin naman si Aquino kay Velasquez, mukhang dedma pa yata siya kay Juday nun. (recently kasi ay nagkabati naman yung dalawa).

Pero ito ang problema: public figure ang presidente, gaya ng mga artista, kaya hindi kataka-taka na nagiging laman sila ng balita sa ayaw man natin o sa gusto; at dahil laman din sila ng balita, chances are magiging paksa rin sila ng mga tsismis at batikos.

At dahil nasa malayang lipunan tayo, nakapagsasabi tayo ng sari-saring kuro-kuro, sang-ayon ka man sa isyu o tahasang naglalahad ka ng disgusto. Sinasabing kung hindi matake ni Tetay yun, e what more pa yung mga personalidad na naging panauhin mo at laging napuputakte ng mga tanong na may kinalaman sa kanilang pribadong parte ng kanilang buhay gaya ng lovelife? (But again, dahil public figure din ang mga ‘to, subject to scrutiny sila kaya ganun.)

Pero, ugh. Come on. Bullying nga daw yung manner na yun ayon kay Jerica Ejercito. Bingo!

So, ano ngayon ang malalaman natin sa walang kwentang balitang ito? Na nasasaktan din pala ang taong dada nang dada? Lagi naman ganun e.

Na pikon siya o immature para tumanggap ng opinyon ng iba? Hmmm... parang ad hominem yata yun. Siguro, tama na hindi niya kayang i-takeyun, or at least gumalang. 

Well, namemersonal ba? Yun siguro nakikita dito, dahil nilalahad naman ngtao ang kanilang saloobin. Hindi naman siguro laghat ng bumabatikos kay Pnoy ay pinuntirya ang buong pagkatao, ‘di ba? Kundi ang kanyang pagiging walang oras para sa mahahalang pangyayari sa bayan sa panahon na yun.

Pero kung tutuusin, gawain din naman ng ilan sa atin yan e. Kung may kaibigan ka sa tunay na buhay na inad mo sa Facebook, ngunit hindi mo nagustuhan ang radical na pananaw sa iba’t ibang mga bagay, ay ina-unfriend mo na rin. 

May mga tao nga diyan na blinock ang -kanilang tropa sa Facebook dahil lang sa ibang mga mababaw na bagay. Subalit sa kabilang banda, kung dahil sa init ng uo yan at argumento, hmm, napakakumplikado (pero mababaw pa rin).

Kaya as much as masasabi kong “kababawan” lang ang isyu na ito, tignan rin ang sarili mga tol. Baka pustahan, pag nakakita kayo ng similar na bagay ay gawin niyo rin ang naturang hakbang.

E kung sakali naman na hindi mo nagugustuhan ang mga sinasabi ng tropa mo sa alinmang social networking acount, as long as hindi ka naman tinitira o wala naman siyang galit sa’yo, okay na siguro yung i-unfollow yung feed ng post niya (sa kaso ng Twitter, mute ang tawag dun). Oo, wag mo naman munang i-unfriend at lalo namang i-block. Dahil baka mamaya niyan, may kailangan ka sa taong yun at sa pamamagitan lang ng mga social networking site ang tanging paraan para makausap mo yun, e paano kung “add as a friend” ang tanging option na available dun?

Magtataka na yun sa ‘yo, at baka magtampo pa lalo. Ikaw kasi e.

Author: slickmaster | ©2015 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!