Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

13 February 2015

This Means War? (Huwag Naman Sana)

2/8/2015 4:54:57 PM

Dahil sa terorismo, muli na namang nagising ang kamalayan sa takot ang ilang mga tao sa mundo. Lalo na sa mga serye ng video na naglalaman ng brutal na pagpatay sa ilang mga inosenteng nilalang.

Maliban sa pagpugot ng ulo sa dalawang Japanese journalists, isang Jordanian Pilot ang sinog. Oo, literal na tinusta, o sa bokabularyo ng mga mahihilig magbasa ng tabloid, nilitson. 

Tsk. Grabe lang. Barbaric act. Ito ay dahil sa hindi pinakawalan ng bansa ang mga miyembrong ISIS na nadakip nila.

Ay, ganun? So may pinaghuhugtuan sila. Pero tangina, masyadong barbaro na ang ganyan.

Dahil nga dyan ay tahasang kinondena ng bansang Jordan ang naturang kilos; at gumanti sa pamamagitan ng execution sa dalawang terorista na nasa poder nila.

Tsk. Nangangamoy digmaan na sa pagitan ng dalawang ito.

Ika nga ng isa sa mga paborito kong carton character na si Bugs Bunny, “Well, of course, this means war.”

Well, huwag naman sana ano?

Ang balitang ito ay isa lamang sa mga samu’t sariling mga pangyayari sa mga nakaraang taon na naglalarawan ng kaguluhan sa ilang bansa sa mundo.

Pero dahil mahilig gumawa ng kapraningan ang media, sasabihin nilang “nagkakagulo na sa mundo,” bagay na may pagkatotoo naman. Pero tangina, exaggerated naman ‘tong mga ‘to masyado, no. Alam naman natin lahat na karamihan sa atin ay nakadepende sa kapangyarihan ng bawat radyo, telebisyon, babasahin, at ultimo ang internet, pagdating sa kanilang kamalayan at dagdag kaalaman. 

Kaya sa totoo lang, huwag na rin tayo magtaka kung may mabasa ka o may magsabi sa’yo ng “Tangina naman. Nagkakagulo na sa mundo, ano?” kahit sa totoo lang ay napakalaliwals ng paligid nila.

This means war? Huwag naman sana. Oo, gusto natin masupil ang mga tao at pwersang naghahasik ng lagim; yung mga taong handang mamatay at pumataya sa ngalan ng kainalng pananampalataya – bagay na tingin ko ay hindi naman talaga tinuro sa kanila, o hindi nila naintindihan nang lubusan (bakit, sino bang Diyos o Panginoon ang may nag-utos na supilin ang kapwa nila?); pero hindi naman siguro sa paraan na tila magkakaroon ng mas malawakang ubusan ng lahi. Hindi naman siguro sa puntong magkakawasakan ng ari-arian, buhay, at alaala. 

Dahil kahit sabihin pa na last resort ng bawat bansa ang digmaan, wala ring mananalo dito. Para itong isang sabong. Isang napakalaking sabong. Isang napakalaking sugal, na walang garantiyang mananalo. At sa duluhan ng lahat, tayong lahat ay talo.

This means war? Huwag naman sana. Kung relihiyoso ka, e subukan mo kaya na idaan yan sa panalangin. Oo, lalo na kung matindi ang pananalig mo sa kanya. Besides, simulan mo rin sa iyong sarili ang kapayapaan. Dahil sa totoo lang, napakahirap man abutin ang “world peace” na hinihiling mo twing birthday mo, Pasko, at ultimo sa mga kandidata ng mga beauty pageant, kaya mo naman ma-aatian ang peace sa iyong sarili. Inner peace ba. 

Ika nga, kung gusto mong magkaroon ng kapayapaan sa mundo, simulan mo ito sa sarili mo.

This means war? Huwag naman sana.

Author: slickmaster | © 2015 september twenty-eight productions

1 comment:

  1. Too many crazy things happening around the world right now. As in crazy sick. Kaya ako I intentionally avoid the news. Kasi puro lang hindi maganda. And I don't wanna feed my mind with negative things. Hindi naman sa walang pakelam, but you know, just to avoid being kick in the gut by nega vibes.

    ReplyDelete

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!