2/1/2015 11:37:13 AM
Babala: Ang artikulong ito ay naglalaman ng mga kurokuro at wika na hindi angkop sa mga (alam mo na) tatanga-tangang matatamaan na mambabasa. Striktong patunubay at gabay ng mga mature na nilalang ang kailangan.
Babala: Ang artikulong ito ay naglalaman ng mga kurokuro at wika na hindi angkop sa mga (alam mo na) tatanga-tangang matatamaan na mambabasa. Striktong patunubay at gabay ng mga mature na nilalang ang kailangan.
Q: Ano ang meron #SaFebruary14?A: Malamang… SABADO!
Sa pagkakataong ito, sadyang sinulat ko na ang piyesa na ito halos dalawang linggo bago mag-Valentine’s Day, dahil baka sa panahon na yun ay busy na rin ako… hindi nga lang sa pakikipagdate o pakikipaglandian sa mga single kong kaibigan o kakilala; kundi sa trabaho at ultimo ang pag-aayos ng sarili kong buhay, este, kwarto.
Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit nagawa ko pang magsulat ng panibagong rendisyon ng isa sa mga artikulo na nagsilbi sa akin bilang papansin, at nagpainit naman sa ulo nyo noong panahon na yun. Pero pakialam niyo ba?
Pero, (as of publishing time) Valentine’s Day na naman ngayong taong dos-mil-kinse.
E ano naman ngayon? Ano namang bago sa puntong ito?
Di ka ba nagsasawa sa ikaapat na bersyon nito ha?
Ulit, tangina, pakialam mo ba?
Valentine’s Day na! E ano ngayon? Balita raw na may ikakasal na mga sikat na couple sa araw ng Valentine’s Day mismo (or kung hindi man sa 14, e sa katabing petsa na 15). Hanep, espesyal na espesyal yun sa parte nila. Sa sobrang espeysal nga ay nag-away pa nga sila sa lugar na pagdarausan ng kasal nila. Ayan kasi, uso ang reserbasyon. Pero uso rin ang galangan.
E bakit di na lang kayo magmahalan kung ganun, tutal Valentne’s Day naman? (pero actually, tapos na ang isyung ‘yun.)
Valentine’s Day na! E ano ngayon? Sabado, a-14 ng Pebrero, at payday pa (maliban na lang kung sadyang dinelay ang sahod mo; kawawa ka naman). Perfect getaway day to para sa mga makikipagdate. Yun nga lang, good luck sa paunahang magpareserba ng table (sa mga engrandeng kainan), upuan (sa mga palabas gaya ng sine at konsyerto) at ultimo kuwarto (malamang, sa motel at hotel). Dahil malamang, punuan ang mga yan. Baka nga sa sobrang nagtitipiad ang mga loko at loka, dun sila sa sinehan maglaplapan kasabay ang mainit na eksena ng halikan.
Valentine’s Day na! E ano ngayon? Dahil payday weekend din tong maituturing (maliban na lamang kung ika-20 o sa 25 pa ang sahod mo), good luck sa traffic nadaranasin mo pagsapit ng hapon at gabi. Kaya kung wala ka namang date, suggest ko na lang na tumabay ka na lang sa bahay mo, lumamon sa oras ng hapunan niyo, at iwasang manood ng mga madadramang palabas gaya ng MMK at Magpakailanman (yan ay kung love story din ang episode nila sa gabi na yun).
Mas okay pa siguro kung gumala ka sa mga comedy bar nito. Pero good luck nga lang kung kaya mong isikmura ang lahat lalo na kapag ikaw ay naging tampulan na ng tukso ng mga komedyante dun. Alalahanin mo, binayaran mo sila para maentertain ka, at kabilang sa parte na yun ang laitin ka mula bumbunan mo hanggang suelas ng sapatos na suot mo.
Sabagay, kung may gusto ka namang makilala na tsikas, gumala ka sa mga gaya ng Tomas Morato. Oo, pero wag mong asahan na porket Valentine's day ay uso rin ang ganung gawain. Hoy, hindi lahat ng mga gimikero at gimkera ay wild gaya ng inaasahan mo.
Mas okay pa siguro kung gumala ka sa mga comedy bar nito. Pero good luck nga lang kung kaya mong isikmura ang lahat lalo na kapag ikaw ay naging tampulan na ng tukso ng mga komedyante dun. Alalahanin mo, binayaran mo sila para maentertain ka, at kabilang sa parte na yun ang laitin ka mula bumbunan mo hanggang suelas ng sapatos na suot mo.
Sabagay, kung may gusto ka namang makilala na tsikas, gumala ka sa mga gaya ng Tomas Morato. Oo, pero wag mong asahan na porket Valentine's day ay uso rin ang ganung gawain. Hoy, hindi lahat ng mga gimikero at gimkera ay wild gaya ng inaasahan mo.
Valentine’s Day na! E ano ngayon? Patunay lang yan na may forever. Oo, as in kada taon, may Valentine’s Day. E ang kalendaryo ay walang definite na pahaon kung hanggang kalian tatakabo, kaya ibig sabihin nito: forever (2012? sa Mayan Calendar lang 'yun).
(Walang forever ka pang nalalaman dyan? Tampalin kita dyan eh.)
Pero gaya ng “forever”… ay, uso rin pala ang Valentne’s Day? Tangina, akalain mo.
Valentine's Day na! E ano naman ngayon? Balita raw na may panukala na gagawing National Family Day ang February 14. Aba, talaga?
Mas okay kung ganun. Dahil at least, hindi lang pang-magsyota lang ang Valentine's Day. Kunsabagay, ang araw kasi na yun ay pista ni St. Valentine, ang patron ng pag-ibig. At sino bang may kasalanan ng lahat na to? Ang mapaghusgang lipunan ba? Malamang. Dahilk sa tipikal na bokabularyo, pag sinabing pag-ibig, kadalasa'y kasintahan o asawa ang tinutukoy; at hindi ang pagmamahal sa magulang, kaibigan, kapatid, anak, at ultimo ang Diyos.
Valentine’s Day na! E ano naman ngayon? Hindi ka ba nagsasawa na ganito ang post mo twing ika-14 ng Pebrero?
Hindi.
Valentine’s Day na! E ano naman ngayon? Hindi ka naman bitter niyan?
Hindi. Tanga ka lang talaga. (At hindi ako magsasawa na isagot yan sa’yo.)
2012: http://theslickmastersfiles.blogspot.com/2012/02/valentines-day-na-e-ano-ngayon.html
2013: http://theslickmastersfiles.blogspot.com/2013/02/valentines-day-na-e-ano-ngayon-v-2013.html
2014: http://theslickmastersfiles.blogspot.com/2014/02/valentines-day-na-e-ano-ngayon-v-2014.html
Author: slickmaster | ©2015 september twenty-eight productions
Valentines is overrated---- sabi ng mga singlesss haha
ReplyDeleteGrabe ang traffic nung Feb 14! Kasalan ng social media yan kaya ang OA ng reaction ng mga tao sa Feb14. Hahahaha!
ReplyDeletenageenjoy talaga ako basahin mga post mo sir. Ganyan din nasa isip namen nung 14. Umulan ng roses, balloons, cakes, chocolates, bears last saturday. Kahit naman ako nakatanggap ng rose, balloon at toblerone (much appreciated payung chocolate. Pagkaen ee) medyo hassle magnitbit ng rose at balloon lalo na may klas ako maghapon nun. Pag Valentinesmuch prefer ko talaga magcelebrate with family or friends
ReplyDeleteNaun ln yn sir, malay mo next year, db? :)
ReplyDeleteLOL! napansin ko din nung pauwi na ko ung mga nakakasalubong ko na meron roses yumuyuko pag napapatingin sila, dpat nga di ba proud pa sila e hind paranfg nahiya pa ata.hehe
ReplyDeleteFor me live and let live. If they're happy with that, then, by all means. Although, my husband and I are never this kind of couple. We are not so much into flowers and plastic hearts and the likes.
ReplyDeleteDarating din yan sa takdang panahon at tamang pagkakataon :)
ReplyDelete