Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

15 March 2015

Bailed!

3/15/2015 4:20:15 PM
Bago ang lahat, isang korning joke muna.
Q: Ano ang PATO na pumapatay ng tao?
A: E di AmPATOan.
Okay, Tama na nga ang kabalbalan. Eto na nga, seryoso na!

Isa sa mga nakakainis na balitang gumalantang sa linggong ito ay ito: 

Photo credits: ABS-CBN News, NUJP Facebook Page

Oo, nakalaya pansamantalala si Sajid Islam Ampatuan matapaos nakapagpiyansa ng mahigit 11.6 milyong piso. Matatandaan na siya ang isa sa mga suspek sa kaso ng pagpaslang ng 58 katao sa isa sa mga malalagim na krimen sa Pilipinas, ang Maguindanao Massacre.

Ang naghatol ng kanyang pansamantalang kalayaan ay ang humahatol din sa kabuuan ng kaso na si Judge Jocelyn Solis-Reyes sa Quezon City Regional Trial Court Branch 221. Na-deny din ang alinmang petisyon na motion for reconsideration mula sa mga hanay ng prosecutors.

Teka, bakit nga ba nakalaya ang ungas na ‘yun? E di ba, unang-una sa lahat, multiple murder ang kaso nun? No bail pa dapat yun kung tutuusin. Pakiexplain nga ang kagaguhang yan, please.

Sinasabing dalawang buwan ang ginugol nila Sajid at ang abugado nitong si Gregorio Marquez para maisakatuparan ang kanyang pansamatalang kalayaan mula sa kulungan. Unang na-grant ng tagahatol ang kanyang petisyon nitong unang bahagi ng taong ito, at nagkakahalaga ito ng mahigit dalawang ang libong piso (P200,000) per murder count. 

Matiyaga din ha? 58 ang kabuuang murder count kaya nagawa niyang makapagpiyansa nang ganun.

Apparently, hindi lang pala ang publiko ang nabuburyo sa balitang ito. Ultimo ang Kagawaran ng Katarungan din mismo.

Kinekwestiyon ni Department of Justice secretary Leila De Lima ang desisyon na ito. Aniya, nagbigay siya ng order sa lahat ng prosecutor ng DOJ na gawin ang lahat ng remedying legal hangga’t maari, kabilang na ditto ang petisyon sa Court of Appeals.

Pero huwag daw masyadong mag-alala ang mga tao. Dahil isa lang ang nakalaya mula sa detensyon ng mga suspek sa Camp Bagong Diwa sa lungsod ng Taguig. Samantalang halos dalawang-daang katao rito ay ang inaakusahang mga perpetrator sa krime. 

Pero disregard ang numbers game, sa mata ng ‘trial by publicity’ na pinalakas pa ng mga boses (at minsan pa’y mapaghusgang) social media, ang mali ay dapat nga naman na maging mali. Oo, iisa lang siya. Pero tandaan din na markado na sa publiko ang pangalan nay an sa ayaw man nila o sa kagustuhan. Bakit ganun? Dahil sa kagaguhan ng 15 sa kanilang angkan e, kabilang dun yung kalokalike ng isang dating senador na tumakbo bilang pangulo noong 2010 Presidential Elections.

Ang erpat ni Sajid na si Andal Sr., at ang pinakapangunahing suspek sa kaso—na kuya naman ni Sajid na si Andal Jr., ay andun pa rin sa piitan. Bagamat ang petisyon ng dalawang ito, kasama na rin si Zaldy Ampatuan ay nakabinbin pa rin sa korte. 

Tangina. Ano kamo? Pending pa rin. Akala ko ba ‘no bail’ ang kasong ito? Malamang, nahanapan ito ng butas. Magagaling rin ang mga abugado nila kung tutuusin ha?

Sa klabilang banda, labing-apat (14) na petisyon ang hindi naman nagawaran ng apela na sila’y magkaroon ng temporary liberty mula sa kasong ito; kabilang rito sila Anwar Ampatuan, Sr., at si Akmad “Tato” Ampatuan.

Pero sa dami na ng buhay na napaslang—kabilang na ang 32 miyembro ng pamamahayag; at sa halos lima’t kalahating taon na ng mabagal na usad ng kaso, tapos ito pa ang nangyari…

Sino ba naman ang hindi madidismaya?

LINKS:
http://www.philstar.com/metro/2015/03/10/1431861/ampatuan-released-bail
http://www.mb.com.ph/ampatuan-temporarily-released-on-bail/
http://www.rappler.com/nation/86230-ampatuan-massacre-suspect-released


Author: slickmaster | ©2015 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!