3/8/2015 9:22:10 PM
Sa isang hindi magandang balita, namatay ang isa sa mga Internet sensation sa nakalipas na mga taon. Oo, hindi kailanman naging magandang balita ang mga anunsyo ng pagkamatay sa alinmang lipunan, at sa kung saan pang konteksto o anggulo mo pa itong tignan.
Pero, ito ang problema: namatay nga si Jamvhille Sebastian. At ayaw kong bumira ng tanong na “eh ano ngayon?” Bagkus, kung may tirada si SlickMaster sa kasagsagan ng isyung ito, ay ito lamang.
Namatay nga siya, pero ito ang mas nakakapanlumong sitwasyon: tila nakakalimot yata ang mainstream media sa pagcover ng mga mas mahahalagang isyu gaya ng pagtuklas sa mga kasagutan sa kaso ng Mamasapano incident na ikinasawi ng 44 na mga miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF).
May mga special report din. Pero ano ba ang nagawa nila sa publiko? Maliban sa pakiligin ang (karamiohan sa) mga jejemon at maging sentro ng kontrobersiya na minsan pa ay natiminbg pa sa pagkamatay ni Dolphy noong 2012 at noong bagyong Yolanda noong 2013?
Photo credit: Pulpolitika Facebook page |
Tama ang meme na ito. Pero hindi ito ganap na kasalanan ng publiko (since hindi naman lahat ng mga saklaw ng deomograpika ng nasa general public ay: (una) masa, (pangalawa) kabataan, at (pangatlo) panlasa).
Sa madaling sabi, huwag mong lahatin. Kahit makipagtalo pa tayo na "yan kasi pinapakain ng basura ng media eh!"
Kasalanan pa rin ito ng mainstream media (ops, huwag mong idamay ang gobyerno dito, ungas). Dahil wala na yata silang makuha na matinong scoop kundi kumapti sa patalim ng mga kung tawagin ay kontrobersiya. Patay na nga eh. Kailangan pa ba nating malaman kung saan siya ibuburol, kung bukas ba sa publikoang lamay, at hanggang sa mga ultimo development ng pagselfie ng gf kahit ganun ang sitwasyon at ang kanyang pagpirma sa isang network. (Famewhore ba? Eh ano ngayon? May mapapala ba kayo sa pagputakte? Wala tayong magagawa diyan kung tutuusin. Buhay nila yan e.)
Besides, alam na nga nila na ganun ang mga karakteristika ng mga tumatangkilik sa kanila, bibigyan pa nila ng mga basura. Kaya hindi umuunlad ang Pilipinas eh.
Kahit sabihin kasi mo na kalebel na nga mga internet sensation ang mga reality show stars at ultimo ang mga nasa showbiz—na pinuputakte mula ulo hanggang paa ang kanilang lifestyle, tao pa rin sila gaya mo.
At may panawagan nga na inuluat diumano ng isang website. Medyo nakapagtataka nga lang dahil hindi mo matantiya kung isa ba itong hoax o satire news, o isang news blog site na nagko-cover din ng mga pangyayari sa social media (kayo na bahalang humusga).
Ano, maging national artist si Jam? Alam ba ng mga mokong at bwakanang ito ang mga pinagsasabi nila?
Parang dinaig pa nila ang mga pamosong labteam kung makapetisyon ah. Ni ang namayapang si Rico Yan ay hindi nakatanggap ng ganyang balita (malamang, dahil hindi pa naman uso sa atin ang social media, ni Friendster nga wala pa sa kamalayan natin eh).
Uulitin ko ang tanong: maliban sa mga love-story at troll video sa YouTube at Facebook, at maging panauhin sa ilang palabas sa mainstream media, ano ba ang naiambag nila sa kabihasnan?
No disrespect though: as much as nakakasimpatiya ako sa pagkawala niya, ito lang eh. Over-rated na nga ang media coverage, OA na rin ang reaction ng karamihan sa mga tagahanga. Kaya hindi kataka-taka na ang mamang ito ay naburyo na nang husto.
Oo nga naman kasi. (Pero kung may hindi ako sang-ayon sa sinabi ng naturang Facebook user na ito, yun ay yung pagiging sobrang palamura niya. Okay lang mag-rant, pero may malinaw na linya ang pagsasabi ng opinion sa pagiging OA.) Anyway, hayaan niyo na.
At the end of the day, ganyan talaga ang buhay. Minsan, kahit bata pa ang edad, pag panahon na niya ay panahon na talaga niya. Yun nga lang, hindi naman siguro kailangan maging blow-by-blow at malaman ng mga tao ang nangyayari sa kanila ha?
At kung usapang national artist ang usapan, marami pang iba diyan ang mga mas deserving? At kung mga namayaoang artista lang naman ang usapan, nariyan ang mga gaya nila Tado at Francis Magalona. Oo, mantakin mong sixth death anniversary niya noong nakaraang lingo. Pero maliban sa mga iilang may pagmamahal sa kultura at musika, sino rito ang nakaaalala sa mga gawa niya?
See?
Author: slickmaster | ©2015 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!