Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

05 March 2015

D.S.T. (Deep Serious Trouble)

3/5/2015 8:29:05 AM



Babala: ang mababasa ay maaring naglalaman ng mga malalaim na kataga at kaisipan ngunit wala itong kinalaman sa ilang bagay gaya ng isang sikat na pelikulang pang romansa’t drama (dahil malamang, hindi naman ako broken-hearted at lalong hindi naman ako fan ni tita Whitney).

Sa totoo nga lang, hindi ko alam kung bakit ako nagsusulat nito e. Lalo na’t hindi naman ako sanay sumulat ng mga malalalim at may kinalaman sa aking personal na buhay. Sino ba ako, ‘di ba? Hindi naman ako gaya ng ilang internet sensation o yung mga superstar sa YouTube sa araw-araw ay may update sa buhay – daig pa nga nila minsan ang mga paborito mong iniiyakan, kinikiliga at ultimong mga kinamumuwian mo sa mga teleseryeng pinapanod mo. 

Siguro nga, ito rin ang isa sa mga purpose ng mga blog site. Ilabas ang iyong saloobin, lalo na kung isa kang loner o anti-social na tao at walang mapagbuntungan ng emosyon sa mahinahong pamamaraan.

Hindi sa sinasabing mayroon akong matinding problema sa trabaho, at relasyon (in general), ano? Ngunit kaninang umaga, maraming bagay akong napapansin na may kinalaman sa “nawawala sa tinatahak na landas.” (Ops, walang kinalaman dito ang droga, ano?)

Naalala ko bigla si Juan Mandaraya, ang isa sa mga binabasa kong blog sa Facebook at Definitely Filipino. May post siya na may kinalaman sa paghahanap ng kahulugan sa buhay. Oo, minsan rin nga naman kasi, ang buhay natin ay umiikot sa isang siklo. Siklo na (obviously) pare-pareho lang ang takbo; siklo ng nakasanayan at napakahirap ding buwagin.

Tama siya. Lahat ng bagay, may dahilan (kahit pa “wala lang” ito, ayon sa isang dating kaclose na kaibigan). Yun nga lang, minsan hinahanap pa rin (oo, kahit yung “wala lang,” dahil minsan may mga rason na hindi basta-basta maiintindihan).

“’Ano na nga ba ang nangyayari?’ tinatanong ang sarili.”

Alam kong walang kinalaman ang kantang Dahilan ng Autotelic sa estado ko ngayon dahil wala naman akong kasintahan, kaya hindi ko magsasabing “nagkakalabuan kami.” Pero ang linyang ‘yan na nabanggit ko sa nakalipas na talata ng sulating ito ay sumapul lang sa akin. Oo nga naman, at some point, nagsesef-talk din ako; nagmumuni-muni. Dahil kung may mga bagay man na hindi kayang punahin ng mga nakapaligid sa’yo (as long as adhikain nila ay tumulong sa’yo sa halip na alipusathin), ikaw lang din ang makasasagot.

At, oo, tinatanong ko nga ang sarili ko kung san na nga ba ko tutungo sa buhay na ito, maliban sa “bahay-opisina-bahay (and repeat four more times).” Alam ko, numa-nightlife ako, o minsan, nasa computer shop at nagsusulat/nagpe-Facebook/nagti-Twitter/nanunood ng mga laban sa FlipTop, WWE, NBA, mga music videos, mga episode ng Word of the Lourd, at ultimong UFC. Pero malban dun, ano na?

Saan ka nga ba tutungo? Minsan ko nang minapa ang buhay ko; pero alam mo, dapat pala hindi ko na masyadong ginawa. Wala ni isa dun ay natuloy e. Kung anuman yun, basta.

Pero matapos ang mga naganap, ilang linggo o buwan mula ngayon ay malamang para naman akong nawawalang bata o gaya ni Mace Castillo na “hahanappain ang sarili.” Oo, nakakaburgis man isipin (ika nga ni Anthony Lagdameo), pero parang soul-searching na naman ang magiging peg ko. Hindi lanmang sa isang aspeto kundi sa pangkahalatan. Minsan yata kailangan ko ng mapa na andun sa backpack ni Dora the Explorer. Wala na kasi akong paggasta para dumayo pa ng Baguo at Sagada (at ulit, hindi naman ako broken-hearted). Ah, basta!

O siguro, bugso lang din ito ng emosyon. Naalala ko bigla ang mga miyembro ng bandang Alasmedya (I recommend na pakinggan niyo sila, pramis!), isang pop fusion band na muka sa Antipolo na nakaengkwentro ko naman one time sa Route 196 sa Katipunan. Inintroduce ako ni Jack (isa sa mga bokalista at rapper ng banda) kay Sean, na may ang personalidad ay parang may background pala sa counselling. Astig. Minsan kasi, naiisip ko na kailangan kong may makausap na tao na may nilalalaman sa pakikipag-ugnayan sa behavior ng tao; emosyonal man, sikilohikal o anupaman yan. Aminin man kasi natin o hindi, lahat tayo ay may pinagdadaanang suliranin sa buhay. Wala naman siguro, ang walang kaproble-problema sa buhay ‘di ba? Kung walang ganun, ang boring ng takbo ng mundo.

Pero ewan ko. Ngunit ang emosyon ay hindi lang silakbo ng puso mo, kundi dikta din ito ng iyong utak. Ibig sabihin, nasa mindset mo nagsisimula ang lahat. Kung stressed ka, kailangan mo raw magrelax. Ito nga lang ang problema (sa akin), as much as gusto mong marelax, naghahanap ka pa rin ng ways and means e. At mas nakakatsress yun. Tama silang dalawa kung tutuusin.

Sinasabing premonisyon ng isang pangyayari ang isang panaginip; may pakiwari ba. Siguro nga nakakaramdam ako ng anxiety nitong nakaraan araw, kaya di katakatakang ang isa sa mga napanagimpan ko ay ang pagkatanggal ng aking ngipin.

Minsan, nakakasawa na rin maging pilosopo. Mabuti sana kung pwedeng maging trabaho yun e.

Author: slickmaster | © 2015 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!